TEXTMATE

1 0 0
                                    

{6}

Limang minuto na lang at mahuhuli na ko sa klase kaya naman agad akong bumaba ng jeep at kumaripas ng takbo paakyat. Muntik pa kong matapilok. Tsk!

Hingal na hingal ako ng makarating sa classroom at maupo. Wala pa naman kaming prof ng dumating ako kaya nakahinga ko ng maluwag kahit papano.

At dahil magkatabi lang kami ni Angie ng upuan ay dinaldal naman niya ko agad.

"Uy! Ano na? Sige, hinga ka muna. Tapos kwento mo sakin yung eksena nung coronation mo." kita sa mata nito ang excitement. Kumuha at uminom naman muna ko ng tubig. Yes! May free water sa school with disposable cups. At saka nagkwento kay Angie.

Lumipas ang limang minuto at wala pa din ang prof namin kaya naman tumayo ang isa naming kaklase at pumunta sa registrar's office.

Pagbalik niya ay nakangiti ito ng pagkalapad lapad. "Wala daw si Sir Palermo saka Ma'am Viaña." kaya naman naghiyawan ang buong klase pero bumakas naman ang pagkainis sa mukha ko.

"Hahaha look at your face Nash! Wait!" puna ni Angie habang tumatawa at inilabas nito ang foundation niya't iniharap ang salamin sakin. "Sooo epic girl! Hahaha. Well I understand you naman, ikaw ba naman ang tumakbo wag lang malate tapos biglang walang prof diba? Hahaha." napairap na lang ako sa kanya.

"Tara kain na lang tayo! 2 hours break naman tayo eh! Libre na lang kita." aya niya sakin kaya naman lumiwanag ang mukha ko.

"Sige! KFC tapos may extra rice ako ah?" sagot ko sa kanya at hinila na siya patayo.

"Ang takaw! Kaya ka tumataba eh!"

"Leche! Ikaw tong nagyaya tas nagsabing manlilibre ikaw pa tong ngrereklamo."

"Syempre! Ako nga kasi ang manlilibre malamang."

"Sus! Tara na! Dami pang sinasabi. Eh extra rice mo nga dalawa di ka naman tumataba."

"Whatever!"

Wala din naman siyang nagawa kaya naman sumunod na lang siya.

Habang kumakain ay tumunog naman ang phone ko.

Unregistered number.
Kaya napakunot ang noo ko. Inopen ko ang inbox at binasa ang message.

Napangiti na lang ako ng mabasa ko ang message at pangalan niya.

"Hi Nash! Si Morris to. Musta?"

Nagreply naman ako sa kanya after ko isave ang number niya at bumaling sa kanina pang tanong ng tanong sakin. Si Angie.

"Sino ba yang nagtext at ngiting ngiti ka?" tanong sakin ni Angie habang ngumunguya ng fried chicken.

"Hoy! Parang tanga naman to! Kanina pa ko tanong ng tanong di ka naman sumasagot. May nalunok ka bang buto ng manok at di ka makapagsalita?!" irita niya pang sabi sakin at dahil sa halata ng nabubwisit na siya sakin ay sinagot ko na din naman siya.

"Napakachismosa mo talaga."

"Chismosa agad nagtanong lang? Eh kanina ka pa kasi ngumingiti dyan simula nung may nagtext sa'yo. Sino ba yun? Jowa mo? Hahaha"

A Broken Vow (A College Girl Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon