{8}
Nashley POV
"Ano kasi.. Baka... Pwede ba kong manligaw sa'yo?"
Nagulat ako sa text ni Morris sakin at bigla akong nabilaukan dahil dun.
"Oh! Anong nangyare sa'yo?" tanong sakin ni Angie sakin habang hinahampas ng mahina ang likod ko.
"Ah wala! May nakaalala lang siguro. Tapos na ko ikaw ba? Tara na baka magbell na." aya ko na sa kanya.
"Ah oo sige tara na. Bitbitin na lang natin tong softdrinks natin sayang eh!" at tumayo na din siya bitbit ang softdrinks.
Habang naglalakad kami pabalik sa school, iniisip ko pa din kung ano bang isasagot ko sa kanya ng biglang mgvibrate uli ang phone ko.
"Sorry Nash! Wag mo na lang intindihin yung sinabi ko. Kalimutan mo na lang yun. Pasensya na.." text ito ni Morris.
Hindi ko na nga pala siya nareplayan.
Mamaya na lang pag uwi.Habang nagkaklase kami hindi pa rin mawala sa isip ko yung sinabi ni Morris lalo na yung naramdamam ko nung nabasa ko yun.
Bakit ganun na lang yung naging epekto ng sinabi niya sakin?
Naramdaman ko na to dati nung freshmen ako.
*Flashback*
Papunta kaming canteen ng makita ko ang lalaking makakasalubong namin.
Nakahinto ito at nakatitig sakin kaya naman napatingin ako sa kanya pero agad ko din namang binawi ang tingin ko ng maramdaman kong parang may tumambol sa dibdib ko.
Dumerecho na kami sa canteen pero na malapit na kami sa pinto ay huminto ako saglit at napatingin uli sa kanya.
Nakatulala siya at nang may tumapik sa balikat niya ay saka lang siya tila natauhan at di ko naiwasang mapangiti dahil dun. Nang umalis na sila ay pumasok na din ako ng canteen.
Ilang buwan ang lumipas bago ko siya nakita ulit. Nasa batibot kami kasama ko ang mga tropa ko. As usual nagcut class kami that time. Habang siya ay naglalaro ng basketbol. Tumayo ako at pumunta sa tindahan para bumili ng candy. Natetense ako sa di ko malamang dahilan.
Nakita ko sa peripheral view ko na sinundan niya ko ng tingin hanggang sa tindahan pero hindi ko pinahalatang alam ko yun.
Sakto namang nagbell na. Hinintay ko na lang ang mga kasama ko sa tindahan para umakyat na't umattend ng next subject.
Hindi ko alam na yun na pala ang huli naming pagkikita. Hanggang matapos ang taon ko as freshmen at sophomore ay hindi ko na siya nakita pa. Hindi ko alam kung anong year na niya noon kaya hindi ko din alam kung nagtransfer ba siya o gumradweyt na ba. Basta na lang hindi ko na siya nakita.
*****"Ms. Alcantara!" bigla akong natauhan dahil sa tawag sakin ng prof ko. Nasa harap ko na siya at nakataas ang isa niyang kilay.
"Y-yes Mam!" sagot ko sa kanya. Nautal ako hindi sa takot sa kanya kundi dahil sa hiya.
"Kanina pa kita tinatawag para sumagot sa tinatanong ko but you're spacing out!" inis na sabi nito.
Napayuko na lang ako. "I'm sorry Mam.. This wouldn't be happen again" hinging paumanhin ko sa kanya at tinalikuran na lang niya ko. Pfft! Muntik na kong matawa sa itsura niya. Kahit kelan kasi ang pangit ng itsura niya pag naiinis.
Tumingin na muli ako sa harap at nakinig sa kanya. Mahirap na baka magwala na to sa inis. Asar talo pa naman to lagi samin.
Third Person POV
Nang tumunog na ang bell ay inayos na ng prof nila ang gamit niya at lumabas.
Maya maya lang ay pumasok na si Ms. Viaña as their last subject.
"Okay class! I have an announcement so please listen." panimula niya sa mga ito. Lahat sila ay umayos ng upo at nakinig sa sasabihin niya.
"Next next week ay hindi na kayo dito papasok." sabi niya na ikinabahala naman ng iba estudyante.
Nagtaas naman ng kamay ang babaeng nagngangalang Rosemarie. "What do you mean Mam?" tanong nito.
"What I mean is.. Our contract here in this building will be expire on next friday. So saturday is wala munang klase kasi aayusin namin ang pinagrelocatan ng school. Our school will be relocated at Recto Manila. Sa mga manggagaling ng along quiapo baba kayo bago umilalim yung jeep papuntang morayta. Sa gilid lang tayo ng Access at sogo hotel." pagkasabi nun ng prof nila ay bigla namang may mga nagtawanan.
"Yes! Funny isn't it? Pero yun ang napili nilang location. Well mas okay naman yun kesa dito at mas malaki. And sa mga manggagaling naman pala ng QC or españa. Ang baba ay pag akyat lang ng jeep from morayta, baka umabot pa kayo ng mismong quiapo ah? Kayong bahala maglakad pabalik. Isetann lang ang baba niya then lalakad kayo papuntang Access and then again you will see the sogo hotel. Iskinita ang gilid nun and there are we relocated." after that announcement ay naglecture lang saglit at pinauwi na sila kahit hindi pa nagbebell.
Habang nasa byahe nasa byahe sila ni Angie. Ang paglipat pa din ng school ang topic nila.
"Alam mo ba yun kung saan banda Anj? Malapit ka lang dun eh." tanong ni Nash.
"Oo naman! Bakit? Hindi mo ba alam?" sagot naman nito sa kanya.
"Hindi eh! Ngayong college lang naman ako nakakarating sa kung saan saan eh."
"Sige ganto na lang wait kita sa tapat ng Access tas sabay na tayong pumasok. Text text na lang."
"Sige! Bait mo talaga!" sabi ni Nash sabay sandal ng ulo sa balikat nito.
"Duh? Maliit na bagay" at natawa na lang silang pareho.
BINABASA MO ANG
A Broken Vow (A College Girl Love Story)
Teen FictionShe is Nashley Alcantara.. A girl who doesn't fallen inlove with someone else cause her heart only beats to one guy.. And.. He is Morris Alegre.. A guy who got fallin' in love with a girl at the first he saw her but he didn't get a chance to know he...