{2}
"Dito ka na lang mag-aral." sabi ng Mama ko habang hawak niya ang isa sa mga pamphlets ng mga school na ibinigay samin.
"Private school yan eh." sagot ko naman sa kanya.
"Oo nga pero mababa lang yung tuition nila."
"Eh hindi ko naman alam kung saan yan." sagot ko uli sa kanya. Kahit na kasi ilang taon na kami dito sa Maynila ay hindi pa rin ako pamilyar sa pasikot sikot dito. Di rin kasi ako gala.
"Sasamahan naman kita mag enrol para na rin matuto kang bumyahe mag isa. Laki laki mo na noh? Nakakahiya!" natatawang sabi niya. Napairap na lang ako at napangiti.
After mag inquire ni Mama sa school na napili namin ay agad namin tong pinuntahan kinalunesan.
May isang oras din ang binyahe namin hanggang sa marating ang nasabing paaralan.
Isa itong commercial building na may iba't ibang shops sa unang palapag. Napatingin naman kami sa isang di kalakihang karatula na may nakalagay na "Montessori International College" at dahil dun ay nasigurado namin na yun nga ang lokasyon. Umakyat na kami hanggang sa marating ang 2nd floor. Kumatok si mama sa pintong may nakasabit na karatulang Registrar's Office at pumasok.
"Good morning, new student po ba?" tanong ng isang babaeng maputi sa samin na sa palagay ko ay nasa 20s pa lang.
"Ah opo! Mageenrol po." sagot ko sa kanya at napadako ang tingin ko sa school uniform na nakasabit malapit sa locker. "Okay din pala yung uniform dito eh! Bet!" bulong ko sa sarili. Napadako ang tingin ko sa babae ng tumayo't magsalita siya.
"Paki fill-upan na lang po muna nitong application form. Anong course po ba ang kukunin nila?"
"Nursing po."
At umupo uli ito sa tapat ng pc.
"Pasensya na po Miss pero full na po yung nursing namin. Baka po may 2nd choice po sila."
"Ganun po ba?" dismayado kong sabi.
"Ano na lang ho ba yung available niyong course?" tanong naman ni Mama sa kanya.
"DS Hotel & Restaurant Services saka Business Management na lang po." sagot nito.
Nilingon naman ako ni mama para tanungin. "Ano na anak? Yun na lang daw yung available course nila. MagHRS ka na lang tutal mahilig ka din namang magluto pero kung gusto mo hanap na lang tayo ng ibang school." sabi niya sakin.
Umiling ako at sinabi na okay na ko dun. HRS ang pinili kong course dahil pangarap ko ang magkaroon ng sariling restaurant someday at kaya ko lang gustong magnursing ay dahil bukod sa in demand ito ngayon lalo na sa ibang bansa, gusto kong maalagaan pa ng todo si mama dahil mahina na din ang resistensya niya simula ng ipinanganak niya ko.
After ko fill upan ang form ay ibinigay na ko na to sa babae at si Mama na niya ang kumausap dito habang ako ay nakikinig lang.
Nang matapos na ang pakikipagusap ni Mama ay tumayo na ito.
"Tara na! Sa bangko daw tayo magbabayad para sa tuition fee at miscellenious." aya nito sakin.
Pagtapos naming magbayad sa bangko ay bumalik na kami sa school para ibigay ang resibo at maprocess na ang enrollment ko.
May ibinigay siya saking parang medium size photo album. Dito pala nakalagay yung mga schedule ng iba't ibang courses base na din sa nakasulat sa unahan ng album.
She turned the pages for me until she found the DS HRS page. Pinapili niya ko ng schedule. 1A for morning shift and 1B for afternoon shift. I choose the 1A. Mas sanay kasi ako ng pang umaga at mas mahaba ang magiging pahinga ko pag uwi.
Nang makapili na ko ng schedule at maibigay na samin ang tela para sa uniform kasama ang picture nitong paggagayahan ay umuwi na kami.
BINABASA MO ANG
A Broken Vow (A College Girl Love Story)
Teen FictionShe is Nashley Alcantara.. A girl who doesn't fallen inlove with someone else cause her heart only beats to one guy.. And.. He is Morris Alegre.. A guy who got fallin' in love with a girl at the first he saw her but he didn't get a chance to know he...