THE ESCORT

1 0 0
                                    

{5}

Agad akong umuwi pagkatapos ng klase dahil mamayang gabi na ang coronation.

"Anj, mauna na ko sa'yo ah? Aayusan pa kasi ko." paalam ko sa kanya habang inilalagay ang mga gamit ko sa bag.

"Ah sige! Goodluck! Congrats na din pala." sagot naman niya sakin.

Lumabas na ko ng room at bumaba. Agad din naman akong nakasakay ng jeep.

Pagdating ko ay nagpahinga muna ko saglit para makaligo.

"Kumain ka na muna tutal magpapahinga ka pa naman." sabi ni mama sakin.

"Yes ma! Gutom na din kasi ako." sagot ko habang nagpapalit ng pambahay. Bumaba na ko pagkatapos para kumain.

Maya maya lang ay may mga dumating na maiingay. Mga kamag anak namin at kasama naman ng mga pinsan ko buong tropa nila at ang magiging escort ko.

"Oh nandyan na pala kayo. Kumain na ba kayo?" tanong ng mama ko sa mga ito.

"Oo ta. Kumain na kami bago pumunta dito para magcheer pero hindi si Nash ang ipagchecheer namin." sabay tawa nito.

Napasimangot naman ako sa sinabi ng baliw kong pinsan. "Eh sinong ichecheer niyo? Andaya niyo naman." sabi ko sa kanya habang nakabusangot.

"Edi yung escort mo! Hahahaha. Muse namin yun eh!" sagot naman nito sabay tawanan nilang lahat. Napatawa na lang din ako sa sinabi niya.

"Eh nasan na nga ba si Morris?" tanong naman ni mama sa kanila.

"Nandito ta, nahihiya pa ang bruha. Oy! Tara dito Morris! Arte mo! Hanap ka ni tita." tawag nito sa lalaking matangkad at maputi. Kahawig nito si Richard Gutierrez pati ang height nito.

"Oh ba't nakashirt ka lang? Ah! Di bale meron nga palang long sleeves saka coat dito yung kuya ni Nash. Bagay yun sayo kasi maputi ka naman." sabi ni mama at umakyat na sa taas para kunin ang damit na isusuot ko at ng escort ko.

"He looks familiar." bulong ko sa sarili ko.

Habang inaayusan ako ng baklang barkada ng mga pinsan ko ay walang tigil ang asaran ng mga ito at tawanan.

Halos isang oras din ang itinagal ng pagaayos sakin. Nakalugay lang ang buhok ko at ang dulo ay nakakulot. Hindi rin ganun kakapal ang make up na inilagay sakin para hindi daw ako magmature tignan.

Nagbihis na kami at sinundo na kami ng banda. Paparada pa kasi kami papuntang covered court.

I'm wearing a gray tube gown at may kapa ito sa likod na mula bewang hanggang sahig gaya ng makikita sa mga traje de boda na pang kasal.

Eto rin ang isinuot ko noong nakaraang buwan dahil ako din ang napili ng simbahan para maging reyna elena ng santacruzan.

May binago lang si mama dito dahil sa color coding ng gown na ibinigay samin.

Ang dating kulay gray na bulaklak na disenyo sa skirt nito ay pinalitan ng kulay neon green, dahil gabi ang coronation ito ang napili ni mama upang mapansin talaga ang kulay nito. Pinalitan din niya ang gray na beads into green. In short, halos lahat ng disenyo ng gown ay binago niya at pinalitan ng kulay green. At ang shawl na gray ay pinalitan din ng kulay green.

Inalalayan naman ako ni Morris sa paglalakad at nang nasa loob na kami ng court ay pumila na kami ayon na din sa pagkakasunod sunod namin.

Nang umakyat na ang emcee sa stage ay siya namang hiyawan ng mga manonood.

"Goodevening! Ngayon po ay matutunghayan natin ang mga naggagandahan nating mga prinsesa at reyna." hiyawan naman ang mga manonood na nakapalibot sa buong court ngunit ang gitna ay nananatiling bakante dahil dito rarampa ang mga kandidata.

"Now.. Our Princess of Faith 2007. Ms. Janet Cruz and her escort Marvin Gonzales." palakpakan at hiyawan ang umalingawngaw sa loob ng court kasabay ng pagrampa nito paikot sa mga audience hanggang sa stage kung saan siya mauupo paharap sa mga audience.

"Next is.. Our Princess of Hope 2007. Ms. Nashley Alcantara with her escort Morris Alegre." hindi lang palakpakan at hiyawan ang umalingawngaw sa loob nang tawagin kami kundi maging mga tunog ng kaldero at takip ng mga ito. Ginawang pompyang ng mga pinsan ko ang mga ito kasabay ng pagsigaw ng pangalan ng escort ko.

"Hahahaha.. Mga baliw talaga! Ikaw talaga ang kandidata nila eh noh?" natatawang sabi ko kay Morris.

Namula naman ang pisngi niya. "Ganyan talaga yang mga yan. Mga sira ang ulo." sagot naman niya sakin at napangiti na lang.

Nang makarating na kami sa stage ay hindi muna ako umupo ng mapansin kong nakatayo pa ang naunang kandidata hanggang sa makumpleto na kami ay saka lamang kami pinaupo. Ang mga escorts naman namin ay nakatayo lang sa tabi namin.

"Let's give our princesses and our queen around of applause!" palakpakan na may kasamang malakas na hiyawan pero mas nangibabaw pa din ang ingay na ginagawa ng mga pinsan at kapatid ko. Napangiti't napailing nalang kaming dalawa ni Morris.

"Bago po tayo dumako sa pagbibigay ng plaque at sash. Magsitayo po tayong lahat para sa ating pambansang awit na susundan ng isang maikling dasal bilang panimula ng ating programa ngayong gabi." nagsitayuan naman ang lahat at inilagay ang kanang kamay sa kaliwang dibdib.

Pagkatapos ng pambansang awit ay isang dasal naman ang sumunod.

"Ngayon naman ay tawagin natin ang ating Chairman para sa kanyang speech." sabi ng emcee at umakyat naman ang chairman sa stage para magspeech.

Pagtapos ng kanyang speech ay sunod sunod na ang naging awarding. Nauna ay ang pagbibigay ng plaque at sash na sinundan naman ng isang dance number. Sumunod ay ang pagbibigay ng bouquet at pagtapos naman ay ang pag awit ng lalaking nanalo mula sa singing contest ng aming barangay.

Sumunod na ang pagpapatong samin ng korona maliban sa reyna dahil ang nakaraang reyna ang maglilipat dito. At gaya ng mga napapanood na pageant. May pagrampa pa ito habang umeere ang speech niya.

"And now.. Let's welcome our Binibini ng Barangay 2006. Ms. Marinela Altamonte." Pagpapakilala nito kasabay ng pagputok ng sampung fountains at pagkalat ng makapal na usok sa loob ng court. Epic Fail!

Rumampa na ito sa gitna at umakyat sa stage. Isa isa kaming binesuhan at pag tapos ay tumayo ito sa harap at kumaway na tila isang beauty queen. Duh!

Nang mailipat na nito ang korona at makababa ay pinababa naman kaming lahat para sa isang grand dance with our escorts. Like JS prom!

Ilang minuto lang naman ang lumipas at natapos na din ang programa.

Nakaalalay pa din si Morris sakin lalo na ng mapansin niyang pagod na talaga ko.

"Ayos ka lang?" tanong niya sakin.

"Ah oo! Medyo masakit lang ang paa ko. Di kasi ako sanay sa ganto kataas na heels. Ang tangkad mo kasi tuloy kelangan kong magsuot ng mataas para di ako magmukhang punggok." sabi ko sa kanya at sumimagot.

"Hala!" tila nagulat naman siya sa sinabi ko.

"Hahaha. Di. Joke lang. Wag ka kasing masyadong seryoso. Ngiti ngiti din." natatawang sabi ko sa kanya.

Nang makauwi na kami ay agad na kong nagpalit ng damit at naghilamos.

Pauwi na din ang mga kamag anak namin nang tawagin naman ako ni Morris.

"Nashley!"

Lumingon naman ako sa kanya at lumapit. "Oh? Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Ano kasi.."

"Huh? Ano nga?"

"Ahm.. Can I have your number?"

Bigla naman akong natawa. "Akala ko naman kung ano at parang hirap ka pang sabihin. Akina phone mo? Kaloka ka!" inabot naman sakin ni Morris ang phone at nilagay ang number ko.

"Morris tara na! Ano? Maiwan ka na dyan?" tawag ng pinsan kong si Kuya Alvin sa kanya.

"Ah cge. Thanks ah? Hoy! wait lang!" tumakbo na ito para makahabol.

Napailing at napangiti na lang ako ng makaalis na siya.

A Broken Vow (A College Girl Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon