NEW FOUND LOVE?

2 0 0
                                    

{7}

After that convo ay hindi na nagreply si Morris. Inilapag niya ang phone sa mesang katabi ng kanyang kama at tumitig sa kisame habang nakahiga.

Morris POV

Hindi ko na nireplyan si Nash alam kong maaga pa ang pasok niya bukas at puyat siya nung nakaraang gabi pa dahil sa nangyaring pageant.

Nung makita ko siya at at malamang siya ang iescortan ko ay bigla na lang kumabog ang dibdib ko gaya ng pagtambol nito nung una ko siyang makita sa High Manila kung saan din siya nag aaral.

*Flashback*

Freshmen pa lang siya nun at ako naman ay graduating na. Nagkataong nagkasalubong kami sa quadrangle. Napahinto ako saglit at napatitig sa kanya kaya napatingin siya sakin saglit at dumerecho na sila ng lakad papasok sa canteen.

Para akong nabato sa kinatatayuan ko nung araw na yun kasabay ng parang pagtambol sa dibdib ko. Nagulat na lang ako ng may tumapik sa balikat ko.

"Uy pre! Anong nangyari sa'yo? May nakita ka bang multo dyan? Haha." tanong sakin ng classmate kong si Paolo.

"Wala! Tara na basketbol tayo." aya ko na lang sa kanya.

After ng araw na yun ilang buwan ang lumipas bago ko siya nakita uli. Nakaupo sila sa batibot kasama ang mga kaibigan niya. Nang tumayo siyang magisa at pumunta sa tindahan na nasa loob ng campus ay binalak ko siyang sundan para kunin sana ang number niya at makipagkilala. Hindi ko din alam kung papano basta ko na lang naramdamang gusto ko siya nung una ko siyang makita. Love at first sight ata. Pero hindi ko yun ginawa kasi nahiya ako. Torpe noh? Na siya namang pinagsisihan ko dahil after ng araw na yun hanggang sa magtapos na ang klase ay di ko na siya nakita.
*****

Kaya ng makita ko siya at mamukhaang siya din yung babaeng yun ay natuwa ako. Pero syempre hindi ko pinahalatang matagal ko na siyang kilala. Hahanap muna ko ng timing bago ko sabihin sa kanya. Pinangako ko na din sa sarili kong gagawin ko na ang bagay na dapat dati ko pang ginawa.

Hindi ko man alam kung single man siya ngayon, hindi naman siguro masamang makipagkaibigan kung taken na siya.

=======
Lumipas ang ilang araw at alam na niya sa sarili niyang hindi niya lang basta gusto ang dalaga. Araw araw niya itong tinetext at tinatawagan lalo na nang malaman niyang wala naman itong boyfriend.

"Goodmorning Ms. Beautiful!" text niya sa dalaga pag kagising niya na agad namang nireplyan ni Nash.

"Haha. Maagang pambobola yan ah? Anong meron?"

"Wala naman. Sadyang gumaganda lang kasi ang araw ko pag ikaw ang una kong nakakausap pag gising ko."

"Wow ah? Kikiligin na ba ko nian?"

"Wag muna! Saka na. Ireserba mo muna yan. Hahaha."

"Hahaha reserba? Bakit naman?"

Ilang segundo at minuto ang lumipas ay hindi pa din siya nakakapagreply sa huling text ng dalaga. Nagdadalawang isip pa din siya sa gagawin niya. Kaya naman hinayaan na lang niya muna. Inilapag niya ang phone sa tokador at nagpasyang maligo dahil may job interview siya ngayong araw.

A Broken Vow (A College Girl Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon