SLEEP OVER

0 0 0
                                    

{12}

Nakalipat na ang school namin sa bago nitong location. At dito sama sama na unlike sa dati naming building nakabukod ang 2nd year sa 1st year college.

Isang buwan ang lumipas at isang buwan na ding nanliligaw si Morris.

"Kelan mo ba balak sagutin si Morris sis?" Joan asked me ng magbonding kami sa bahay nila. Nasa rooftop kami ng gabi yun at nag iinum ng minixed kong cocktail.

Shinot ko muna yung nasa shot glass ko bago sumagot.

"Soon. Malalaman mo na lang."

"Dami mo pa kasing keme sasagutin mo din naman. Pinahihirapan mo pa. Sabi ko kasi kay Papa Morris ako na lang ang ligawan eh one day lang oo na agad." at humagalpak siya ng tawa.

Tipsy na kami parepareho dahil kaninang hapon pa kami nagiinom. Iba't ibang concoction din kasi yung ginagawa ko pag nauubos namin yung isang maliit na pitsel kaya nagkahalo halo na yung tama samin.

"Nakakatakot pa din kasi mga sis. Pano kung may makita pa siyang iba? Yung tipong maganda, sexy, matangkad, almost perfect." sabi ko habang nakapangalumbaba at takang napatingin sa kanila ng pareho silang tumawa. Mga lukaret!

"What!?" tanong ko sa kanila at tinaasan ko sila ng kilay habang nakacross arms.

"Kasi naman sis. After 3years ng una niyong unexpectedly meeting ginulo na niya ang isip at puso mo tapos ganyan yung maiisip mo ngayon? Edi sana kung may worry ka noon pa nagjowa ka na lang ng panget." natatawang sabi ni Jenny.

"Isa pa sis hindi ka naman siguro ipagpapalit o lolokohin ni Morris. Besides personal naman siyang nagpaalam sa inyo at malapit na talaga siya sa relatives mo. Tigas na lang ng mukha niya kung lolokohin ka niya noh?" nakataas kilay na sabi naman ni Joan bago shinot ang nasa shot glass niya.

Napabuntong hininga na lang ako at di na nagsalita. Inubos na lang namin yung iniinom namin at natulog na pagkatapos.

Napagkasunduan na naming magsleepover dito kila Joan kahit na magkakalapit lang naman ang mga bahay namin tutal wala namang pasok kinabukasan.

Patulog na sana ko ng tumunog ang phone ko na nasa side table.

Morris calling...

1.. 2.. 3.. Seconds bago ko ito sinagot.

"Hello?" bungad ko kay Morris.

"Hello Nash! Wala kang pasok bukas di ba?" tanong naman niya sakin.

"Oo bakit?"

"Can I ask you for a date?"

Hindi ako agad nakasagot. Hindi ako lasing. Tipsy lang! Kaya malinaw at alam kong tama yung narinig ko mula sa kabilang linya.

"Hello? Nash are you still there?"

"A-ah yes! Ano.. M-mga anong oras ba yan?" nauutal kong sagot sa kanya.

"It's up to you! Lunch or Dinner. Kahit anong gusto mo okay lang."

"O-okay sige! Lunch na lang siguro kasi day after tomorrow may pasok na naman ako."

A Broken Vow (A College Girl Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon