{13}
"Nashley anak, nandito si Morris." tawag ni mama sakin. Tinignan ko ang wall clock sa kwarto ko. 10:23am pa lang.
"Sabi niya, 10:30 niya ko susunduin. Masyadong excited tong lalaking to." Natatawa kong turan sa isip ko.
Nagmadali na ko sa pag aayos. Yung plano kong ayos hindi ko na nasunod dahil sa aga ng sundo ko.
Hinayaan ko na lang na nakalugay ang golden brown kong buhok. Naglagay na lang ako ng mascara at manipis na blush on na tinernuhan ko na lang ng cotton candy pink na lipstick.
I choose to wear a baby pink dress na spaghetti strap at flowy lang ang bagsak nito at two inches before the knee ang haba na tinernuhan ko ng white doll shoes. Simplicity is beauty ika nga.
Kinuha ko na mula sa kama ko ang small white shoulder bag ko at lumabas na ng kwarto.
Agad ko namang nakita si Morris na nakaupo sa sofa habang nanonood ng NBA. Napatayo siya ng makita niyang pababa ako ng hagdan.
"He is definitely a tall but not dark and handsome guy!" napayuko ako at napangiti sa naisip ko. Kinikilig tuloy ako at dahil dun muntik pa kong mahulog sa hagdan dahil may namissed akong isang baitang.
Bumilis naman ang tibok ng puso ko ng marealize kong nasalo ako ni Morris.
Napayakap ako sa kanya habang nakahawak siya sa bewang ko sa likod. Nakatitig siya sakin kaya napatingin din ako sa kanya. Halos one inch na lang ang distansya ng mukha ko sa mukha niya.
1.. 2.. 3.. 4.. 5.. seconds saka lang ako nakabawi. Namula ang pisngi ko kaya naman napaatras ako at napabitiw naman siya sakin.
"A-ah! S-salamat. I-inaantok pa yata kasi yung diwa ko P-pasensya na." nahihiya kong sabi sa kanya habang nakayuko. Tatanga tanga ka naman Nashley! Inis kong sabi sa sarili.
At nagulat na naman ako sa ginawa niya. Hinawakan niya ang baba ko at itinaas. Tinitigan niya ko bago siya nagsalita.
"It's alright my princess. At least your safe. Ayokong may mangyari sa'yong masama o masaktan man lang kaya hangga't nandito ako sa tabi mo poprotektahan kita at aalagaan." seryosong sabi niya sakin.
I know I loved him. Noon pa man. Pero hindi ko akalaing may ilalalim pa ang nararamdaman ko para sa kanya.
As time passed by lalo ko siyang minamahal. Hanggang sa dumating na sa point na alam ko na sa sarili kong siya na ang gusto kong makasama habambuhay.
Kaya lang may fear ako kaya hanggang ngayon ay hindi ko pa din siya sinasagot but I think this is the right time para magtiwala na ko ng buo sa kanya.
Ngumiti ako sa kanya at tinitigan ko din siya bago nagsalita.
"Thank you! For always be there for me. Hindi man araw araw pero everyday mo namang pinaparamdam sakin yung love and care mo kahit na wala ka sa tabi ko." nakangiting sabi ko sa kanya na ikinangiti niya din.
"So? Are you ready? Shall we go?" dahan niyang binitiwan ang baba ko at inilahad ang kamay niya sa harap ko na tinanggap ko naman at hinatak siya papuntang kusina.
"Wait lang. Paalam muna tayo kay mama. Tara na!" hatak ko sa kanya.
"Mother! Aalis na kami." paalam ko kay mama at nakita ko siyang naghahanda na ng iluluto para sa pananghalian.
"Oh siya sige! Mag ingat kayo."
"Opo tita. Salamat po." sabi ni Morris at umalis na kami.
Habang nasa byahe kami ay panay naman ang ngiti ni Morris sakin. Nakakahiya tuloy sa mga pasahero dahil may mga ilan na pinagtitinginan kami.
"Ano bang nangyayari sa'yo? Para kang baliw dyan na ngiti ng ngiti." halos pabulong kong puna sa kanya.
He chuckled. "You look beautiful today." then he smiled at me. Napairap naman ako sa kanya at tumingin na lang sa labas.
Ayokong makita niya ang pamumula ng pisngi ko. Baka asarin niya lang ako.
Halos isang oras lang naman ang naging byahe namin. Sa isang casual fine dining restaurant sa loob ng mall niya ko dinala.
"Good morning Sir Ma'am, table for two po?" bati samin ng greeter ng resto.
"Yes please." sagot naman ni Morris.
Sumenyas naman ang babae sa isa pang babae at lumapit ito samin habang nakangiti.
Hinatid niya kami sa magiging table namin at binigyan niya kami ng tig isang menu at nagpaalam na.
"What do you want?" he asked me.
"Hmm.. Fresh Lumpia lang ako."
Ibinaba niya ang menu at tumingin sakin bago nagsalita.
"Are you on diet? C'mon! Order ka lang kahit naman tumaba ka pa di naman kita ipagpapalit." at ngumiti na naman siya sakin na tila nakakaloko.
"No! I'm not on diet. Favorite ko kasi to. Kaya dalawa ang oorderin mo niyan then my drinks would be sago't gulaman. For my dessert? Hmm.. Special Buko Pandan. That would be all. Okay na ba yun?" sabi ko habang isinasara ang menu. Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakangiti lang siya kaya naman napataas kilay ako.
"Hey! Baliw ka na ba talaga? Kanina ka pa nakangiti dyan. Kainis ka!" maktol kong sabi sa kanya.
"Sorry! Akala ko kasi diet ka. Halimaw ka din pala kumain. But I like that." natatawa niyang sabi.
Tinawag na niya ang waiter at umorder. Pagkatapos niyang sabihin ang mga order namin ay umalis na ang waiter.
I get my phone from my bag and text Joan habang ramdam ko naman ang pagtitig ni Morris sakin.
"Stop staring! That's rude." sabi ko sa kanya habang nakatingin pa din ako sa phone ko.
"Nice! How'd you know that I'm staring of you?" sagot naman niya sakin.
Tinignan ko naman siya at magsasalita na sana ko ng bigla namang dumating ang order namin.
Kumain kami ng wala ni isa man samin ang nagsalita hanggang sa matapos na kami.
We stay for about 15mins. Before he asked for the bill. Nang makabayad na siya ay lumabas na kami ng resto.
"San mo gustong pumunta? Gusto mong magcinema?" tanong niya sakin.
"Sure!" sang ayon ko sa kanya. I feel sleepy. Madilim sa cinema kaya matutulog ako habang nanonood siya.
Hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang panoorin tutal hindi ko din naman yun mapapanood.
Nang makaupo na kami ay sakto namang hindi pa ngsisimula ang palabas.
"Nash?" tawag niya sakin nang makaupo na kami.
"Hmm?" yun lang ang naging sagit ko sa kanya.
"Ahm.. Thank you dahil pumayag kang makipagdate sakin. Sobrang saya ko ngayong araw. Kung pwede nga lang di na matapos tong araw na to eh." seryosong sabi niya sakin.
"Sus! Wala yun. Ako din naman masaya ngayon kasi kasama kita kahit na nakakairita ka kanina." natatawa ko namang sagot sa kanya.
"Bakit naman? Because I'm staring at you?"
"No. Forget it. Okay lang naman." sasagot pa sana siya ng magsimula na ang palabas.
Nang halos nasa kalagitnaan na ay nararamdaman ko ng pumipikit na ang mga mata ko hanggang sa hindi ko na nga napigilan at tuluyan na kong napapikit kasabay ng pagbagsak ng ulo ko sa balikat niya.
===*===
A/NPagpasensyahan niyo na po kung hindi po agad agad nakakapag update. Busy lang talaga kasi sa work. But i will try my best po para makapagupdate agad.
And please pagpasensyahan niyo na po yung mga typo or grammatical errors po. Sa cp lang kasi ako gumagawa nito.
Please vote/comment/suggestion po. That would be highly appreciated. Thanks.
-phaobulous-
BINABASA MO ANG
A Broken Vow (A College Girl Love Story)
Teen FictionShe is Nashley Alcantara.. A girl who doesn't fallen inlove with someone else cause her heart only beats to one guy.. And.. He is Morris Alegre.. A guy who got fallin' in love with a girl at the first he saw her but he didn't get a chance to know he...