Anthony
Mahal na mahal ko siya noon. Naalala ko pa kung gaano ko kagustong maging asawa si Celine. College friends kami noon at noong may trabaho na ay nagtagpo ulit ang landas namin kaya naglakas loob akong ligawan siya.
Labis ang saya ko noong sinagot niya ako, daig ko pa nga ang nanalo sa lotto noong mga oras na iyon. Ako na ang pinakamasayang tao noong sinagot niya ako at naging akin siya.
Hanggang sa kinasal kami, nangako sa isa't isa na magsasama sa hirap at sa ginhawa, nangako na bubuo ng pamilya. Kung pwede ko lang balikan ang mga panahon na iyon ay gagawin ko, kaso hindi ko na mabalik pa.
Gusto ko, gusto ko bumalik kami sa dati pero ayaw na ng puso ko. Labis akong nasaktan sa pagkawala ng anak namin noon at hindi ko pa rin mapatawad ang sarili ko.
Hindi ko siya matingnan sakanyang mga mata dahil sa tuwing ginagawa ko iyon ay nakikita ko lang ang sarili ko na nagagalit sa aming dalawa. Bakit ba kasi hindi ko nagawang iligtas ang anak ko? Bakit kailangan kong magdusa ng ganito?
"Uy pare, mamaya daw ulit may inuman sa bar malapit dito sa office. Baka pwede ka mamaya kung wala ka naman gagawin sa inyo." sabi ni Franz, officemate ko
Tumango lang ako bilang tugon. Hindi ako makapagfocus ngayon dahil iniisip ko pa rin ang nangyari kanina sa bahay. Oo, tanda ko naman eh. Anniversary namin ngayon ni Celine pero binalewala ko lang iyon, tatlong taon na.
Gusto ko siyang batiin pero hindi ko magawa, gusto ko siyang mahalin ulit katulad ng dati pero hindi ko na kaya. Hindi na ako yung Anthony na minahal niya.
Gusto ko na makipaghiwalay sakanya noon pa pero hindi ko magawa dahil ayaw niya. Tinitiis niya ang bawat sakit na kasama ako. Bakit? Hindi ko din alam sakanya.
Hindi ko alam saan niya nakukuha ang pagmamahal niya para sa akin samantalang wala naman akong ginawa sakanya kundi saktan na lang siya sa lumipas na tatlong taon.
Oo alam ko na gago ako, hindi na deserve ni Celine kung ano ang nangyayari sa amin ngayon. Hindi ko naman kasi alam dyan kung bakit hindi na lang umalis sa poder ko.
Dumaan ang araw, natapos nanaman ang trabaho ko. Ayaw ko pang umuwi, ayaw ko pa umuwi sa asawa ko. Panigurado naman ako na tulog na iyon ngayon.
Dahil nga nagkayayaan kami nila Franz ay dumeretso na kami sa bar kung saan lagi kaming tumatambay. Halos every week, umiinom kami dito sa bar na ito.
"Panigurado nanaman ako, madaming chicks ngayong gabi. Pagkakataon ko na ito para tumikim ng babae! Paano ba naman kasi, ayaw na ng misis ko minsan. Pagod daw sa trabaho." sabi ni Franz sa amin
"Uy, huwag ka nga! May mga asawa tayo eh, hindi dapat ganyan ang iniisip mo. Nandito tayo para magsaya, iyon lang wala ng iba pa." sagot naman sa amin nung kasamahan namin
"Haynaku, nagpapakabait ka nanaman! Nandito na ang demonyo pero tinatawag mo pa ang anghel! Tumikim ka na, minsan lang 'to ano?!" sagot naman ni Franz
Natawa na lang ako doon sa dalawa, umupo ako malapit sa bartender at humingi ng drink. Pinabayaan ko silang magtalo, gusto ko lang naman na magpakalasing sa problema. Problema na tatlong taon ko na dinadala, hindi na mawala.
Binigay na ng bartender ang drink ko pagkatapos ay tumingin ako sa aking paligid. Totoo nga ang sinasabi nila, madaming magaganda ngayong gabi. Mukhang malalaban nga ako dito ngayon ah.
Ilang shots pa ang nainom ko nang biglang may lumapit sa akin na isang babae, maganda siya at mukhang masarap. Nakasuot siya ng sexy na damit.
"Hey, may kasama ka ba? If wala, can I atleast join you?" tanong sa akin noong babae na sexy
Ilang segundo pa ako natulala dahil sa babae na nasa harapan ko. Shit, ang sexy talaga niya dahil sa suot niya.
"Ah, oo. May kasama ako, mga kaibigan ko pero okay lang naman kung sasama ka sa amin. May kasama ka rin ba?" sagot ko sakanya
"I have my friends with me, pwede ba na sumama kami sainyo? Sure ka?" sagot naman niya
Tumango ako bilang tugon kaya naman tinawag niya na ang mga kaibigan niya at ganoon rin naman ang ginawa ko.
Tuwang tuwa tuloy ang mga kasama ko dahil nag-uumpisa pa lang ang gabi pero pinainit na agad ng mga babaeng ito ang gabi namin.
"Ayos Anthony ah, nakabingwit ka agad ng chikababes. Tahimik ka lang kanina pero ikaw pala ang gagawa ng paraan para sumaya ang gabi namin." sabi sa akin ni Franz
"Nagtatanong lang iyan kanina kung may kasama ako kaya tinuro ko kayo. Inom lang naman talaga habol ko dito. Hayaan ko na kayo dyan." sagot ko naman kay Franz
Hindi na sumagot ang loko dahil nagsimula na siyang makipagbolahan doon sa mga babae. I took some shots again of vodka at hindi na sila pinansin.
Hindi ko na namalayan na hawak-hawak na pala noong isang babae ang ari ko. Shit. This shouldn't be happening! Wala sa plano ito.
Agad kong kinuha ang atensyon noong babae para tanggalin niya ang hawak sa ari ko. Awkward, nasa public place kami tapos dito niya ako hihipuan.
"Don't you like it? C'mon, I know you like it. Let me touch it for you baby." sabi noong babae sa akin, mukhang lasing na siya
"Miss, inom lang talaga ang dinayo ko rito. I'm sorry kung hindi kita mapagbibigyan sa gusto mo. Kung gusto mo, yung mga kaibigan ko na lang ang hipuan mo." sabi ko sakanya
"Meron na silang mga partner, tayo na lang ang wala. Sige na, let me touch it again. I want to touch it." sagot noong babae
Nakita ko namang tumatawa na para bang nakakaloko ang mga kasama ko. Sinesenyasan nila ako na gawin ko na ang gusto noong babae.
Wala akong nagawa, nadala na ako sa mga halik sa akin noong babae. Ang sarap niya habang hinahawakan ko ang mga bundok niya at hinahalikan. Napalaban nga ako sa pagpunta ko dito. Paano na 'to?
BINABASA MO ANG
Come Home, Anthony (Completed)
RomanceAng mga desisyon natin sa buhay ang magdadala kung ano at nasaan tayo sa kasalukuyan. Book Cover by: CJ Caleza Date Started: October 15 2018 Date Ended: Oct 31, 2018