Anthony
Nagising na lang ako dahil sa araw na naaninag ko mulasa bintana ng kwarto. Tumingin ako sa paligid, mukhang hindi namin kwarto ni Celine ito.
Kinusot ko muna ang mga mata ko dahil baka nagkakamali lang ako pero hindi, iba talaga ang kwarto na tinulugan ko. Nasaan ba ako?
Nagulat na lang ako nang makita ang sarili na nakahubad at nakakumot. Katabi ko ang babaeng kasama ko kagabi sa bar na pinuntahan ko. Teka, nasaan ba ang mga kasama ko?
Dahil napabalikwas ako ay nagising yung babae, hindi ko alam ang nangyayari sakanya pero todo ang ngiti niya sa akin.
"Nagustuhan mo ba ang nangyari sa atin kagabi? You want to try it one more time this morning? Willing naman ako. Morning sex is good." sabi sa akin noong babae
Natulala lang ako dahil sa sinabi niya sa akin. May nangyari pala sa aming dalawa, shit! This isn't happening. Hindi pwede! Gago ako pero hindi ko hahayaan na magkaanak sa kung sino lang.
"Ano bang sinasabi mo? Bawiin mo iyan, wala namang nangyari sa atin kagabi hindi ba? Umamin ka, wala naman hindi ba?!" sabi ko sakanya
Dahil sa taranta ko ay napatayo na ako at hinanap ang damit at mga gamit ko. Nagbihis ako, kailangan ko na umuwi kay Celine.
"Hindi mo nagustuhan kung ano nangyari sa atin? E pinutok mo nga sa loob eh. Hindi naman pwedeng hindi mo panagutan ito kundi ipapakulong kita." sagot naman niya sa akin
"You know what? I have no time for this, kung gusto mo saka na tayo mag-usap kapag sigurado na tayong buntis ka, miss." sagot ko naman sakanya
"Eh wala ka naman palang balls eh, ano ka?! Magaling ka lang ba sa sarap pagkatapos sa hirap wala ka na?! Ipapakulong talaga kita." sagot sa akin nung babae
Dahil sa ingay niya ay hinarap ko na siya. Kinuha ko ang pitaka ko at kumuha ng limang libong piso doon at binigay ko iyon sakanya.
"Kung bayad lang ang hanap mo para matahimik ka na ay ito na ang pera mo. Saka na lang tayo mag-usap kapag napatunayan na nga natin na buntis ka, miss." sabi ko doon sa babae
"Mapapaki-usapan ka naman pala, pinapahirapan mo pa ako. Hindi pa ito ang huling bayad mo ha? Kulang pa ito. Tustusan mo na lang anak mo kapag nabuntis ako." sagot naman sa akin noong babae
Hindi ko alam pero nung sinabi niyang pwede siyang mabuntis ay si Celine agad ang naisip ko. Paano kung si Celine ang buntis at hindi itong babaeng nasa harapan ko? Ang saya ko siguro.
"Kung anuman ang kalabasan, please contact me in this number. Thank you. Uuwi na ako sa asawa ko." sagot ko naman doon sa babae
Ngumiti ang babae na para bang nakakaloko kaya naman tinanong ko siya kung bakit ganoon ang titig niya sa akin.
"Bakit? Anong nakakatawa at ganyan ang titig mo sa akin? May dumi ba ako sa mukha ko? Anong problema mo, miss?" sagot ko doon sa babae
"Wala, naisip ko lang yung babaeng tumawag sa iyo kagabi. Ako ang nakasagot. Asawa mo pala iyon, sabi ko mahimbing ang tulog mo dahil we had sex." sagot sa akin nung babae
Biglang nagbago ang mood ko. Hindi ko alam ang gagawin, paano ko ipapaliwanag ang nangyari sa amin kagabi nitong babae na hindi ko naman kilala?
"Bakit mo naman nagawa iyon? Hindi mo dapat pinakailamanan ang gamit ko! Asawa ko iyon, hindi dapat iyon ang sinabi mo sakanya!" pagmamaktol ko
"Ano ako sinungaling katulad mo? Hindi ako katulad mo. Ngayon, bahala ka na magpaliwanag sa asawa mo kung ano ba talaga ang nangyari sa ating dalawa kagabi!" sagot naman sa akin noong babae
Dahil sa inis ko eh kumaripas na ko nang takbo papalabas ng bahay noong babae. Wala akong inisip buong byahe kung paano ko sasabihin kay Celine ang nangyari.
Oo, aminado naman ako na gago ako pagdating sa asawa ko pero hindi ko plano na magkaroon ng anak na hindi siya ang ina.
Marami na akong kasalanan sakanya pero hindi iyon dahilan para mas gumawa ako ng napakalaking kasalanan pa.
Pag-uwi ko ng bahay namin ay agad akong pumasok sa loob. Doon ay nakita kong nagluluto si Celine ng ulam namin para sa umagahan.
"Oh, nandito ka na pala. Wala ka kagabi, sayang hindi mo natikman ang luto kong adobo para sa iyo kahapon." sabi sa akin ni Celine
"Ah, pasensya ka na kung hindi na ako nakapagpaalam sa iyo. Nagkayayaan kasi ng mga kaopisina ko kaya hindi na ako nakapagtext na hindi ako makakauwi. Low battery na pati ang cellphone ko." sagot ko naman
Tumingin siya sa akin at ngumiti ng mapait. Alam kong tinatakpan lang niya ng ngiti ang sakit na nararamdaman niya. Lagi naman kaming ganoon, tatlong taon na ang nakalipas. Umupo lang ako sa dining area at hindi na sumagot. Hindi ko alam ang sasabihin ko sakanya, naiinis ako sa sarili ko dahil sinasaktan ko na talaga siya.
Pumunta na siya sa dining area, umupo sa tabi ko at hinanda niya ang ininit na adobo. Day off ko naman ngayon kaya hawak ko ang oras ko. Hindi siya kumain, hindi niya ako sinabayan. Nakatingin lang siya sa akin, para bang inaanalyze niya ang bawat galaw ko. Doon ko na inumpisahang magsalita, nagtanong na ako.
"Bakit ganyan ka makatitig sa akin? May dumi ba ako sa aking mukha? Saka bakit ayaw mo sumabay sa akin? Pwede naman--" hindi ko na natapos ang pagsasalita ko dahil umiyak na sa harapan ko si Celine
"Sorry, Anthony. Sorry sa mga nagawa ko sa iyo. Kung hindi nawala ang baby natin, hindi ka mambababae. Oo, alam ko na. You have someone new, and it's okay for me. Hayaan mo na ko, kumain ka na. Wari ko ay gutom na gutom ka na at pagod. Tara na, kumain ka na. Mamaya na ako pagkatapos mo ah?" sagot sa akin ni Celine pero naiyak pa din siya
Hinawakan niya ang kamay ko habang siya ay naiyak. Biglang kumirot ang puso ko. Gago ako pero hindi ko kayang makita na may naiyak na babae sa harapan ko, lalo na kung si Celine ito.
"Ah, let me explain. Hindi ganoon ang nangyari. Promise, gago ako pero hindi ganoon ang nangyari sa amin noong babae." paliwanag ko naman
Hindi na siya umimik, patuloy lang siyang umiyak kahit walang tinig. Ang sakit-sakit para sa akin nitong nangyayari. Bakit? Bakit kailangang umabot tayo sa ganito Celine?
BINABASA MO ANG
Come Home, Anthony (Completed)
RomanceAng mga desisyon natin sa buhay ang magdadala kung ano at nasaan tayo sa kasalukuyan. Book Cover by: CJ Caleza Date Started: October 15 2018 Date Ended: Oct 31, 2018