Celine
Oo, aminado naman ako eh. Nalungkot ako kasi pati private time naming mag-asawa nagulo dahil sa trabaho niya kaso kahit ano namang maktol ko dito hindi na magbabago ang lahat.
Isa pa, nangako naman si Anthony sa akin na babalik siya so hindi dapat ako mag-isip ng negative. Inaayos nga namin ang relasyon namin hindi ba?
There is no room for negatives, kasi oras na hinayaan ko ang sarili ko na kainin ng negative thoughts, doon na mag uumpisang masira kung ano man ang nabuo naming mag-asawa.
"Promise mo iyan ha? Maghihintay ako. Sige na, umalis ka na. Baka hindi na kita mapaalis eh. Mamimiss kita, be good there." sabi ko sakanya
"Be safe here, okay? I'll be back soon. I love you, remember na may date tayo mamayang gabi. Wear your favorite dress and don't forget don't put too much make up on your face." sagot niya sa akin
"Oo nga pala, I'll keep that in mind. Promise, mamayang gabi babalik tayo sa teenage years natin. Ibabalik natin ang excitement at kilig." sagot ko naman sakanya
"I love you, Celine. Thank you for being there for me kahit mahirap akong samahan. I promise you, sasamahan na kita kahit saan this time." sabi niya
"I love you too, Anthony. You don't have to thank me for loving you. It is my duty and responsibility as a wife. I promised God na ikaw lang ang paglilingkuran at mamahalin ko." sagot ko naman
Ramdam ko ang pagmamahal sa bawat linyang sinabi niya. Sana nga, you won't fail me this time Anthony. I love you so much.
Ngumiti siya sa akin. He kissed my lips and forehead bago umalis. Doon ko masasabi na he really changed for the better and sobra akong masaya doon.
Pumasok na ako sa kwarto naming mag-asawa. Mamaya na lang ako kakain kapag nandyan na siya ulit, sabi naman niya mabilis lang siya eh.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa kakahintay sakanya. It's 3pm, dali-dali tuloy akong lumabas ng kwarto para tingnan si Anthony.
Wala siya, halos nilibot ko na ang buong bahay pero wala siya. Bakit? Nasaan siya? Hindi ba nangako siya sa akin kanina na uuwi agad siya?
Lumakas tibok ng puso ko, hindi ko maiwasang hindi mag-isip ng kung anu-ano tungkol sakanya. Paano kung may nangyari na pala na masama sakanya?
Agad kong tinawagan si Mary para magpasama sana sakanya hanapin si Anthony. Kinakabahan ako eh, lalo na ngayon na okay na kami at nangako siya sa akin na babalik siya. Hindi kaya nabangga siya habang papunta doon sa lunch meeting? Huwag naman sana.
"Mary, alam kong maiinis ka nanaman sa sasabihin ko pero kailangan ko ng tulong mo. Gawin mo na lang ito para sa akin, kahit huwag na para kay Anthony." sabi ko sakanya sa linya
"Ano nanaman ba iyon? Sinaktan ka nanaman ba niya? Sabihin mo lang sa akin, uupakan ko iyan kahit na asawa mo pa iyan." sagot ni Mary ng buong tapang
"Hindi naman sa ganoon, nawawala kasi siya. Sabi niya sa akin ay may lunch meeting lang sila at babalikan niya ako agad pero hanggang ngayon wala pa rin siya." sabi ko naman kay Mary
"Haynaku, sabi ko naman kasi sa iyo na huwag ka na maniwala dyan sa taong iyan eh. Hindi na iyan magbabago pa, Celine. Baka mamaya niyan eh nasa babae niya lang pala ang ugok na iyan." galit na galit na sabi niya
"Huwag naman sana, saka hindi naman iyon ang ibig kong sabihin. Kaya ako tumawag sa iyo para humingi ng tulong na hanapin siya. Baka kasi kung napaano na iyon sa daan eh." sagot ko naman kay Mary
"Ha? Ako? Naku, huwag mo na hanapin. Sure naman ako na nasa babae niya lang iyon. Relax ka lang dyan, huwag ka masyado mag-isip. Nasa mabuting kalagayan iyon, magpahinga ka na lang dyan." sabi ni Mary sa akin
Magsasalita pa sana ako pero pinatay niya na ang tawag. Paano na ito? Huwag naman sana akong mabaliw kakaisip kung nasaan ang asawa ko.
Ayaw ko din isipin na totoo ang sinasabi ni Mary sa akin na nasa isang babae si Anthony. Kapag iyon ang inisip ko, kakainin lang ako ng galit at mag-iisip ng kung anu-ano.
Isa pa, nag-uumpisa kami ulit. Kung sakali man na pagsabihan ko siya at pag-isipan siya ng masama ay ako rin lang ang lalabas na masama sa aming dalawa.
Naisipan ko na itext siya kung nasaan na siya, baka naman may dinaan lang bago umuwi at praning lang ako o di kaya ay advance mag-isip ng mga bagay.
Kaysa mag-isip ng negatibo ay minabuti ko na lang na maghanap ng damit para sa susuotin namin mamayang gabi.
I want it to be as perfect as it could be. Kailangan ay maganda ako mamaya at fresh na fresh para hindi niya na ako ipagpalit o iwanan.
We are starting a new chapter in our lives, maswerte ako na binigyan ako ng Diyos ng pagkakataon para mapansin ulit ako ni Anthony.
I won't waste it, never again. Ayaw ko na maging malungkot, kung pwede lang na tuloy-tuloy na ito sa saya ay gagawin ko eh. Sasamahan ko na siya kahit saan, tulad nga ng sinabi niya sa akin kanina.
Nakapili na ako, isang peachy dress na kita ang likod. Aba, kung aariba ako eh yung sagad na. Laban kung laban kumbaga.
Tamang-tama, ayaw ko naman na matanggal niya ang tingin niya sa akin mamaya eh. Sexy na kung sexy, okay lang iyon asawa ko naman na siya.
Make-up na lang ang kulang pero syempre, hindi ko dadamihan dahil ayaw ni Anthony noon. I'll make it simple yet magandang-maganda pa din.
Syempre hindi ako papakabog doon sa babae niya, ipapakita ko sakanya na ako ang pinili at nagkamali siya ng tinikman na putahe.
Mabait ako pero pagdating kay Anthony, lahat ng sagabal sa buhay namin ay aalisin ko para lang mabuhay kami ng matiwasay at masaya.
BINABASA MO ANG
Come Home, Anthony (Completed)
RomanceAng mga desisyon natin sa buhay ang magdadala kung ano at nasaan tayo sa kasalukuyan. Book Cover by: CJ Caleza Date Started: October 15 2018 Date Ended: Oct 31, 2018