Anthony
Kabado akohabang hinihintay si Eid at Celine na pumunta dito sa restaurant. Hindi ko kasi alam kung magugustuhan niya ang lahat ng ito pero sa pagkakakilala ko naman sa asawa ko eh appreciative naman siya sa mga bagay sa paligid niya kaya naniniwala ako na matutuwa iyon sa surpresa ko.
Nanginginig ang mga kamay ko habang naghihintay sakanila, pilit kong inaayos ang sarili para kapag nakita na niya ako ay presentable ako sa harapan ni Celine. Excited ako na kinakabahan, gusto ko makita ang reaksyon niya. Ang mga ngiti niya na hindi ko na nakikita three years ago. Ito na ba talaga?
Ilang minuto pa ay nakita ko na silang papasok sa restaurant kaya kinuha ko agad ang bulaklak para sakanya, naluha ako noong nakita ko siya. Umupo siya sa upuan sa harap ko at nagpaalam naman na si Eid na uuwi na para magkaroon na kami ng time ni Celine para sa isa't isa.
Nagustuhan mo ba? Pasensya ka na talaga ha. Hindi na ako nakabalik kasi inayos pa namin ito. Tinulungan kasi ako nung kaibigan ko para daw magkapogi points ako sa iyo." pagpapaliwanag ko kay Celine
Alam ko kasing nasaktan ko siya kahit papaano dahil hindi ako umuwi agad sa bahay namin. Sana mapatawad niya ako dahil para rin naman sa amin itong hinanda ko kaya ako hindi na nakauwi sakanya kanina.
Hinawakan niya ang aking mga kamay, namiss ko iyon. Namiss ko kung paano niya hawakan ang mga kamay ko noong nag-uumpisa pa lang kami sa relasyon namin, sana pwede pa namin ibalik iyon. Naniniwala ako na maibabalik pa namin iyon dahil nangangako na ako sa Diyos na simula ngayon ay aayusin ko na ang buhay ko na kasama siya.
"Sobrang nagustuhan ko ang hinanda mo para sa akin. Kung ito naman ang kapalit ng hindi mo pag-uwi, ayos lang sa akin. Salamat dito, sabi mo simple lang pero mamahalin yata rito. " sagot naman sa akin ni Celine
Nung marinig ko iyon ay labis na ngiti ang nagawa ko. Nabunutan ng tinik at kaba ang puso ko dahil nagustuhan niya kung ano ang ginawa ko para sakanya. Celine, I promise na lagi na tayong ganito. Gagawin ko ang lahat para lagi tayong maging ganito.
"Oo naman, I just want the best for us. Gusto kong mabawi lahat ng bagay na hindi ko nagawa noon. Pangako, hindi na ito mapapapako ngayon." sagot ko naman kay Celine
Nagulat ako nang biglang lumuha si Celine pagkatapos kong sabihin iyon. NAsaktan ko ba siya? May mali ba sa sinabi ko? Gusto ko lang naman na masaya kaming dalawa lalo na sa gabing ito pero bakit siya naiyak?
Pagkatapos naming kumain ay nagtake muna kami ng pictures together. Sabi aksi ni Celine sa akin na gusto niyang ipagmayabang kay Mary na okay na kaming dalawa ulit. Si Mary, ang taong ayaw sa akin dahil nasasaktan ko ang kaibigan niya. May point naman kasi si Mary eh, hidi ko rin kasi alam kay Celine kung bakit ako pa rin ang pinipili niya pagkatapos ng lahat ng kagaguhan ko sa relasyon namin.
Hindi ko alam sa sarili ko pero nakita ko na lang ito na nakaluhod sa harapan ni Celine, naiiyak ako at hawak-hawak ang kanyang kamay habang kinakausap ko siya.
"Alam kong walang singsing this time, pero gusto kong malaman mo na handa na akong samahan ka sa lahat ulit. Hindi na ako mawawala. Papatunayan ko na deserve ko ang pagmamahal mo." sabi ko kay Celine
Nakita pala ni Celine ang mga luha ko kaya agad niya itong pinunasan at saka siya sumagot sa akin, pati siya ay naiiyak na rin dahil sa nararamdaman namin para sa isa't isa. Hindi na namin mapigilan, talagang namiss namin ito.
"Alam ko, alam kong seryoso ka na sa mga pangako mo. Alam ko din na tutuparin mo ang mga iyon. I'm glad you are back home, Anthony." sabi ni Celine sa akin pagkatapos ay humalik siya sa aking labi
"You are my home, I'll come home to you always. I love you, Celine. Nothing will and can change that." sabi ko at gumanti naman ako ng halik sakanya
Tuluyan na siyang umiyak pagkatapos kong sabihin ang bagay na iyon sakanya. Probably, he missed me so much kaya naiyak siya. After three long years ay nakamit na niya ang gusto niyang mangyari. Celine, this isn't a dream anymore. Totoo na 'to, andito na ulit ako. I'm home.
Nagbayad na kami ng bill at lumabas ng restaurant. Agad ko namang nakita ang fountain na may lights sa harap ng restaurant kaya agad ko siyang hinila doon habang hawak-hawak ko ang kamay niya at hinalikan ang mga ito.
"Always remember what happened today, we'll cherish it until we get old. Ipangako mo na we will always be in front of this fountain simula ngayon." sabi ko kay Celine
"Pupunta tayo dito lagi na magkasama habang sinasabi natin mga pangako natin sa isa't isa. We will talk about our lives at ipapangakong hindi bibitawan ang isa't isa." sagot naman niya sa akin
Sobrang saya ng araw na ito, kung may magagawa lang ako para hindi na matapos ang lahat ay ginawa ko na. Tiningnan ko ulit siya habang nakatingin siya sa fountain lights, ngayon ko lang masasabi ulit sa sarili ko na nasa akin na ulit ang lahat. Nakauwi na ulit ako sa taong nagmamahal sa akin.
"Tara, simba tayo bukas. Gusto kita iharap ulit sa Diyos." sabi ko kay Celine na kinagulat naman niya
"Ha? Tayo? Sisimba? Ayaw mo noon dati pa hindi ba? Anong nakain mo at nag-iba na yata ang pananaw mo ngayon?" tanong naman sa akin ni Celine
"Huwag ka na magtanong, basta agahan na lang natin ang gising bukas. Ipapakilala ulit kita Sakanya. Gusto ko ulit mapalapit Sakanya tulad ng dati." sabi ko kay Celine pagkatapos ay ngumiti ako sakanya
Alam ko naman na kung uumpisahan ko ulit ang pagmamahalan namin ay Sakanya muna ako mag-uumpisa dahil naniniwala ako na sa bawat relasyon ay dapat nasa gitna ang Diyos para walang gulo. Maaaring nakalimutan ko Siya pansamantala pero katulad ng ginawa ko kay Celine ay uuwi din ako Sakanya.
BINABASA MO ANG
Come Home, Anthony (Completed)
RomanceAng mga desisyon natin sa buhay ang magdadala kung ano at nasaan tayo sa kasalukuyan. Book Cover by: CJ Caleza Date Started: October 15 2018 Date Ended: Oct 31, 2018