Narration
After 3 years
Nagpakasal si Celine kay Odz after 3 long years, masaya naman ang lahat para sakanila. Hindi akalain ni Celine na may maghihintay sakanya ng ganoon katagal lalo na at matanda na sila para sa ganoon pero masaya pa rin siya dahil nahintay siya ni Odz kahit matagal niya itong pinaghintay.
"Masaya ako para sa iyo anak dahil pinayagan mong magmahal ang puso mo ulit. Alam kong masaya si Anthony para sa inyo ni Odz dahil alam niyang masaya ka na. Iyon naman talaga ang gusto niya noon pa lang, ang makahanap ka ng ipapalit sakanya dahil ayaw niya na mag-isa ka sa mundo." sabi ng Mama ni Anthony sky Celine
"Mama, kahit na nag-asawa na ako ay parte pa rin kayo ng pamilya ko ha? Hindi na iyon mawawala pa. Kayo pa rin ang lola ng mga bata, walang sino man ang makakaalis noon. Salamat rin po dahil hindi kayo tumutol sa desisyon ko." sabi ni Celine sa Mama ni Anthony
"Bakit naman ako tututol? Kasiyahan mo iyan anak, dapat lang na magmahal ka na ulit dahil tatlong taon naman ng wala ang anak kong si Anthony. Saka maiintindihan ka naman niya, hindi mo dapat isipin kung ano ang sasabihin ng iba sa iyo." sabi ng Mama ni Anthony kay Celine
"Masaya lang po ako dahil puno ng suporta at pagmamahal ang pamilya natin. Gusto ko po sanang bisitahin si Anthony mamaya. Kung pwede lang naman po." sabi ni Celine sa Mama ni Anthony
"Oo naman, alam kong sasaya iyon kapag nakita niyang masaya ka na. Maigi na rin na pumunta kayo ni Odz sa puntod niya. Kung okay lang kay Odz iyon?" sabi ng Mama ni Anthony
Pagkatapos ng kasal ay nagpaalam si Celine kay Odz kung pwedeng dumaan muna sila sa puntod ni Anthony. Agad naman itong pumayag dahil gusto rin niyang makausap ulit ito.
"Salamat dahil pumayag ka sa desisyon kong puntahan si Anthony. Alam mo naman na malaking parte natin siya hindi ba? Magpapasalamat lang ako ulit para sa mga bata." sabi ni Celine kay Odz
"Oo naman, bakit hindi ako papayag? Alam ko kung ano siya sa iyo at kahit asawa na kita ay hindi ko iyon tatanggalin. May respeto ako sa pinagsamahan niyong dalawa. Basta ako, mahal kita at ang mga bata." sabi ni Odz kay Celine
"Hindi ka naman pumalya sa pagpapakita sa amin ng kambal ng pagmamahal mo para sa amin kaya tayo naging mag-asawa ngayon. Maraming salamat sa pagtayong ama sa mga anak ko." sabi ni Celine kay Odz
Pagkatapos ng ilang minuto ay nandoon na agad sina Celine at Odz sa libingan ni Anthony. Nagdala din sila ng bulaklak, kasama rin nila si Almira at si Amiery. Tuwang-tuwa ito habang naglalakad patungo kay Anthony.
"Mama, dito pala tayo pupunta kay Papa. Excited na kami ni Almira na makausap ulit si Papa. Ikekwento ko sakanya kung gaano ako kamahal ni tatay." sabi ni Amiery kay Celine
"Oo, dadalaw tayo kay Papa kasi ikikwento natin sakanya kung ano na ang nangyayari sa atin. Ayos ba iyon? Dali, umupo na kayo at magkwento na kay Papa." sabi ni Celine kay Amiery at Almira
"Sige, Mama. Ikekwento na namin kay Papa ang lahat. Alam ko kahit hindi namin siya nakikita ay nakikinig siya, iyon sabi mo sa amin hindi ba?" sagot ni Almira kay Celine
"Oo anak, sige ikwento niyo na kay Papa kung anong meron sa araw na ito. Don't forget to tell I love you kay Papa ha? Sabihin niyo rin na babalik kayo dito soon." sabi ni Celine kay Amiery at Almira
Pagkatapos noon ay masayang nagkwento sina Amiery at Almira kay Anthony kung ano ang nangyari sa kasal nina Odz at Celine. Ang inosente nilang tingnan, ni wala silang tanong kung paano nangyayari na naririnig sila ni Anthony ngayong wala naman itos a paligid. Kung ano lang ang sinasabi ni Celine ay iyon lang ang pinaniniwalaan ng kambal.
"Sige na yaya, pakipasok na sa loob ng kotse ang mga bata. May pag-uusapan lang kami ni Odz pagkatapos babalik na rin kami at uuwi na tayo." sabi ni Celine sakanilang kasambahay
Masayang nagpaalam ang mga bata sakanilang ama na si Anthony.Agad namang pinasok sa kotse ng kasambahay nina Odz at Celine sina Almira at Amiery. Nagbigay oras muna sina Celine at Odz para magpasalamat kay Anthony.
"Anthony, lumalaki na ang mga bata at kitang-kita ko na kahit wala ka na ay mahal na mahal ka nila. Salamat sa pagmamahal na binigay mo sa akin noon. Oras na para buksan ko na ulit ang puso ko. Salamat kay Odz dahil pinakita niya na deserve niya ang pagmamahal ko. Hindi ko nga akalain na may magmamahal pa sa akin ulit eh, hindi ko akalain na may maghihintay pa sa akin eh ang tanda-tanda ko na." sabi ni Celine
"Sabi ko naman sa iyo hindi ba? Hihintayin kita at nagawa ko iyon. Ngayon, itutuloy ko lang kung ano ang sinimulan natin. Ibubuhos ko na ngayon sa iyo ang pagmamahal ko. Alam ko naman na gusto rin ni Anthony ang naging desisyon mong ito dahil mahal na mahal ka niya at gusto niya lang na masaya ka." sabi ni Odz kay Celine
"Basta haharapin natin ang mga problema natin na magkasama. Huwag ka na magtatago sa akin, gusto ko nandoon ako kapag nasa mga panahon ka ng buhay mo na nahihirapan ka na. Kung ano ang hindi ko nagawa kay Anthony ay iyon ang gagawin ko sa relasyon na ito. Aayusin ko na ang mga pagkakamali ko lalo na ngayong pinagbigyan ako ng Diyos para magmahal ulit." sabi ni Celine kay Odz
"Ganun rin ang gagawin ko sa iyo, huwag ka mag-alala. Hindi ko sasayangin kung ano ang binigay sa akin na opportunity ng buhay. Ngayong kasama na kita ay itutuloy na natin ang mga pangarap mo. Mahal na mahal kita, Celine." sabi ni Odz kay Celine
"Mahal na mahal rin kita Odz." sabi ni Celine
Hinalikan ni Odz si Celine sa noo at niyakap niya ito. Umalis sila sa puntod ni Anthony na magkahawak ang mga kamay. Huminga sila ng malalim at nangako sa isa't isa na magsasama sila sa hirap man o sa ginhawa.
Come Home, Anthony
ALL RIGHTS RESERVED 2018
BINABASA MO ANG
Come Home, Anthony (Completed)
RomanceAng mga desisyon natin sa buhay ang magdadala kung ano at nasaan tayo sa kasalukuyan. Book Cover by: CJ Caleza Date Started: October 15 2018 Date Ended: Oct 31, 2018