Chapter 11

1.7K 106 6
                                    

Celine

Hindi na ako mapakali, maggagabi na pero wala pa ring paramdam si Anthony. Iniisip ko tuloy, totoo kaya yung sinasabi ni Mary sa akin? Nasa babae niya kaya si Anthony?

Hindi rin nakatiis si Mary, pinuntahan niya ako sa bahay at tinulungang mag-ayos ng sarili. Kahit ayaw niya kay Anthony ay sinusuportahan niya ako dahil sa pagmamahal niya sa akin bilang kaibigan.

"Baka naman hindi pumunta iyang lalaki na iyan kung saan kayo magkikita. Naku, malapit ko na talagang mapatay iyan! Kung hindi mo lang ako pinipigilan matagal na wala iyan!" galit na galit na sabi ni Mary sa akin

"Uy, baka naman pumunta siya mamaya. Malay mo traffic lang. Last chance na 'to. Ibigay mo na sa akin please? Ito na lang talaga." sagot ko naman

"Puro ka chance dyan, ilang beses na ba natin pinagbigyan iyan? Tatlong taon na, gumising ka naman sa katotohanan, Celine!" sagot ni Mary sa akin

"Promise, kapag hindi na niya talaga napatunayan ang pagmamahal niya para sa akin ngayon eh ako na mismo ang titigil." sagot ko naman kay Mary

"Ewan ko sa iyo, nandito lang naman ako kapag kailangan mo ako. Humanda talaga sa akin iyang Anthony na iyan kapag sinaktan ka niya ulit!" maktol ulit niya

Pagkatapos niya ako ayusan ay tiningnan ko ang phone ko, nagtext si Anthony sa akin. Sa wakas! Agad ko namang pinakita iyon kay Mary.

"Mary, sabi ko naman sa iyo mahal pa rin ako ni Anthony. Tingnan mo yung text niya sa akin oh. Ang sweet hindi ba? Talo ko pa ang nanalo sa lotto!" sabik na balita ko sakanya

Inabot ko ang cellphone ko kay Mary, kahit pinakita ko na sakanya ay ayaw pa rin niya maniwala na nagbago na si Anthony at inaayos na nito ang sarili para sa aming dalawa.

"Panindigan niya lang talaga ang mga sinasabi niyang iyan ngayon. Saka niya lang makukuha ang tiwala ko. Pasensya ka na, nakita ko kasi kung gaano ka niya nasaktan three years ago." sabi ni Mary sa akin

Napangiti naman ako dahil sa sinabi ng kaibigan ko sa akin. Matagal ko na napatunayan na mahal na mahal niya talaga ako.

Sabi nga sa text, may susundo raw sa akin. Hintayin ko lang daw dahil parating na ito. Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko kasi kilig na kilig ako dahil sa text niya.

Ilang minuto pa ay may sumundo na nga sa aking lalaki. Nagpakilala ito bilang kaibigan ni Anthony. Bago ako umalis ay nagpaalam muna ako kay Mary.

"Umayos ka doon ha? Sabihin mo sa akin kapag may nangyaring hindi maganda. Susugod talaga ako, text mo lang ako." sabi ni Mary sa akin

Tumango naman ako bilang tugon at pumasok na sa eleganteng kotse. Paano kaya nakaarkila si Anthony ng ganitong kaganda na kotse? Bagong bago, parang wala pang isang taon na nagamit.

Ilang minuto pa ay dumating na kami sa isang restaurant. Malayo pa lang ay kita ko na si Anthony, may hawak na bulaklak at nakangiti habang naiiyak.

Lumapit na ako sakanya, naiiyak na din ako dahil sobrang pinaghandaan niya talaga ito. Ayos na ayos ang venue, kaya pala hindi na siya nakauwi sa amin kanina.

Pinaupo na niya ako. Nagpaalam na din yung kaibigan niya sa amin pagkatapos akong ihatid doon sa restaurant.

"Nagustuhan mo ba? Pasensya ka na talaga ha. Hindi na ako nakabalik kasi inayos pa namin ito. Tinulungan kasi ako nung kaibigan ko para daw magkapogi points ako sa iyo." paliwanag ni Anthony sa akin

Hinawakan ko ang kanyang kamay at tumingin ako sakanyang mga mata. Sinabi ko sakanya na ayos lang, naiintindihan ko kung bakit hindi siya nakauwi agad sa akin.

"Sobrang nagustuhan ko ang hinanda mo para sa akin. Kung ito naman ang kapalit ng hindi mo pag-uwi, ayos lang sa akin. Salamat dito, sabi mo simple lang pero mamahalin yata rito. " sagot ko naman sakanya

"Oo naman, I just want the best for us. Gusto kong mabawi lahat ng bagay na hindi ko nagawa noon. Pangako, hindi na ito mapapapako ngayon." sagot ni Anthony sa akin

Patuloy na akong lumuha dahil sa narinig ko. Parang siya na nga lang ang nakikita ko nung mga oras na iyon. Wala ng iba pa.

Pagkatapos namin kumain ay nagtake muna kami ng pictures. Patunay na rin kay Mary na talagang totoo at hindi ko lang panaginip ang lahat ng ito.

Bago kami umuwi ay nagulat ako dahil sa ginawa ni Anthony sa harapan ko. Lumuhod siya at hinawakan ang aking kamay. Pinapahidan niya din ang kanyang mga luha.

"Alam kong walang singsing this time, pero gusto kong malaman mo na handa na akong samahan ka sa lahat ulit. Hindi na ako mawawala. Papatunayan ko na deserve ko ang pagmamahal mo." sabi ni Anthony sa akin

Sinubukan kong tanggalin ang mga luha niya gamit ang aking kamay. Pinatayo ko siya sa kanyang pagkakaluhod at sumagot.

"Alam ko, alam kong seryoso ka na sa mga pangako mo. Alam ko din na tutuparin mo ang mga iyon. I'm glad you are back home, Anthony." sabi ko sabay halik sa mga labi niya

"You are my home, I'll come home to you always. I love you, Celine. Nothing will and can change that." sabi naman niya sabay ganti rin ng isang halik sa aking labi

Naiyak na lang ako dahil sa narinig ko, after three long years bumalik na ang asawa ko sa akin. This time, I'll hold him tight. Hindi ko na din siya hahayaang mawala.

Nagbayad na kami ng bill sa restaurant at umalis. Napakasaya ng araw na 'to, I'll remember this one. Ito yung araw na naayos na namin ni Anthony ang relasyon namin.

Habang papalabas ay hinila niya ako sa tapat ng isang fountain na may lights. Sobrang ganda, para sa akin ay isa ito sa mga nakakakilig na places na nakita ko.

Hinawakan niya ulit ang kamay ko at hinalikan ito. Ang ganda na talaga ng mga nangyayari na para bang panaginip ang lahat. Sana huwag na 'to matapos. Ayaw ko, ayaw kong matapos ang gabing ito.

"Always remember what happened today, we'll cherish it until we get old. Ipangako mo na we will always be in front of this fountain simula ngayon." sabi ni Anthony sa akin

"Pupunta tayo dito lagi na magkasama habang sinasabi natin mga pangako natin sa isa't isa. We will talk about our lives at ipapangakong hindi bibitawan ang isa't isa." sagot ko naman

Day well spent with my love. I hope we'll have more. Sana lagi na lang tayong ganito para hindi na natin nasasaktan ang isa't isa.

Come Home, Anthony (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon