Chapter 24

1K 66 2
                                    

Celine

Pagdating ni Odz at ng iba naming batchmates ay kumalma na kami ni Mary. Ayaw naman namin na makahalata ang mga kaibigan namin sa amin kaya tumahimik na lang kami pero halata pa rin na gigil na gigil si Mary.

"Nakakainis talaga, kung hindi lang iyon buntis katulad mo pinatulan ko na iyon eh. Pasalamat siya may awa pa ako doon sa bata hayop siya!" sabi ni Mary sa akin

"Huy, tumigil ka nga dyan sa sinasabi mo. Mamaya marinig ka pa nina Odz eh, kumalma ka. Wala na yung babae oh saka parang daig mo pa ako kung magalit eh ang pagkaka-alala ko ay ako ang asawa ni Anthony." sabi ko kay Mary

Ilang minuto pa ay lumapit na sa amin si Odz habang nakangiti. Grabe, sobrang ayos niya tingnan parang wala siyang problema sa buhay samantalang ako hirap na hirap na dahil sa pagbubuntis ko.

"Hey guys, kamusta? Kain lang kayo dyan ha? Treat ko naman lahat 'to eh. Order lang kayo ng gusto niyo." sabi niya sa amin pagkatapos ay tumingin siya sa akin 

"Ah, oo sige. Okay lang kami dito. Salamat pala sa dinner treat mo para sa aming lahat. Mabuti na rin na nakauwi ka na ng matiwasay." sabi ko naman kay Odz

"Uy, salamat Celine ah? Pasensya na din kayo kung ngayon lang ako nakauwi kasi madaming trabaho sa ibang bansa na hindi naman pwede iwanan basta-basta. Ikaw, kamusta ka na? Balita ko eh buntis ka raw, kamusta naman kayo ni Anthony? Bakit hindi mo siya kasama?" sagot ni Odz sa akin

Dahil doon ay nagkatinginan kami ni Mary, hindi nga pala alam ni Odz kung ano ang nangyari sa amin ni Anthony. Tama ba na sabihin ko sakanya na pansamantala ay naghiwalay muna kami ng asawa ko?

"Ah kasi Odz, they are not in good terms ngayon pero malay natin soon maayos nila ang problema nilang mag-asawa, ikaw ba may napupusuan ka na ba na maging asawa? Sabi mo kasi sa akin single ka pa rim hanggang ngayon." sagot ni Mary kay Odz

"Oops, sorry to ask about Anthony, hindi pala kayo okay. Well, I hope maayos niyo iyan para in the future ay makasama ko na kayo parehas. Masaya pa rin kasi kung buo tayong mag-bobonding diba? Ah, tungkol sa pag-aasawa ko eh wala pa ako nililigawan o kahit ano. I know I'm old but hindi ko na iniisip iyon kasi ang nasa isip ko na lang ngayon ay ang career ko. Saka na iyon kapag alam kong stable na ako." sagot ni Odz sa amin

"Bakit? Sa tingin mo ba ay hindi ka pa rin stable ngayon? Grabe ha, hindi pa pala stable para sa iyo ang mga achievements mo. Paano pa kaya kami? Hindi ka pa ba stable o may hinihintay ka lang?" tanong ni Mary kay Odz

Tumawa lang sa amin si Odz at hindi na niya nasagot ang tanong ni Mary dahil may kumausap sakanya na iba pa naming batchmates. Iniwan na niya kami kung saan kami naka-upo para mag-entertain na siya ng iba pang guests.

Pagkatapos namin kumain ay nagpasya na kaming umalis ni Mary, gusto ko na din kasi matulog. Ganito pala kapag buntis, antukin. Nagpaalam na kami kay Odz at nagsabi siya sa amin na ihahatid niya kami sa labas kaya naman pumayag na kami. 

Hindi ko alam pero parang tinatawag ako nung fountain na may lights kaya sabi ko kay Mary ay tumambay muna kami doon bago tuluyang umuwi. I want to feel something, gusto ko bumalik kasi nangako ako na babalik at babalik ako sa fountain with lights na ito kahit sabihin pa na wala na si Anthony sa tabi ko.

"Bakit ka pa tatambay dito? Anong meron?" tanong ni Mary sa akin, tumingin naman ako sakanya at ngumiti

"Wala, hindi mo ba nararamdaman? Ang saya nila tingnan diba? Para silang mga ilaw sa madilim na lugar. Sila yung nagpapaganda sa dilim. Wala lang, nakakatuwa lang." agot ko kay Mary pagkatapos ay tumingin ulit ako doon sa fountain with lights

"Umayos ka nga, alam kong may something ka dito kaya sabihin mo na ang totoo. Hindi ka naman titigil dito kung walang meaning sa iyo ang fountain with lights na iyan. Kilala kita, ano nasa isip mo?" sabi sa akin ni Mary

Kahit kailan talaga ay wala akong takas sa sa babaeng ito. Alam niya talaga ang bawat kilos ko kaya kapag may tinatago ako na kahit ano sakanya ay alam niya. Paano ko masasabi sakanya na naaalala ko si Anthony dahil dito sa fountain?

"Nagandahan lang talaga ako. Nothing more, nothing less. Tara na nga, maghanap na tayo taxi at gabi na. Okay na ako, nakapasyal na tayo eh. Gusto ko na matulog." sabi ko kay Mary

Aalis na dapat kami sa place pero biglang lumabas si Odz at hinahabol kami. Nakita kong may hawak siyang purse. Shit! Nakalimutan ko ang purse ko sa loob. Buti na lang at nakita ni Odz at hindi pa kami nakakaalis.

"Celine, naiwan mo sa loob. Buti na lang naabutan ko pa kayo ni Mary. Napansin ko kanina nung lumipat kami ng upuan, nakita ko din yung ID mo sa loob eh." sabi sa akin ni Odz at binigay niya sa akin ang purse ko

"Uy naku, salamat ha? Nakalimutan ko kunin kanina pagtayo ko. Buti na lang din hindi pa kami naalis. Salamat ulit, i-enjoy niyo yung gabi ha? Pasensya ka na din at uuwi na kami dahil hindi ako pwede masyadong gabihin, buntis kasi." sagot ko kay Odz

Nagpaalam na kami ni Mary, nagbeso-beso din kami kay Odz. Inis na inis nga ako eh, panay tingin kasi sa akin ni Mary na parang nakakaloko. talagang tinutulak niya ako kay Odz kahit alam niyang may asawa ako. 

Papasok na kami sa taxi pero bigla akong napatingin sa di kalayuan. Naaninag ko ang isang mukha, hindi ako pwedeng magkamali. Si Anthony iyon, tiningnan ko pa ulit at nakompirma ko nga na siya iyon.

"Anthony?" sabi ko

"Anong sinasabi mo dyan? Anthony?" sabi ni Mary pagkatapos ay tumingin din siya kung saan ako nakatingin pero nung tumingin na siya ay nawala yung lalaki 

"Ah, baka guni-guni ko lang. Hayaan mo na, umuwi na tayo." sagot ko sabay pasok na ulit sa taxi

Totoo nga kaya? Nandoon din kaya si Anthony o guni-guni ko lang iyon dahil miss na miss ko na siya? Kamusta na nga kaya siya? Nasaan na siya ngayon? Haynaku, ang daming tanong na hindi ko naman masasagot!

Come Home, Anthony (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon