Anthony
Nung makita ko siya pagpasok sa aming bahay ay nakita ko ang lungkot sakanyang mga mata. Para tuloy dinudurog ang puso ko.
Anthony, bakit ba kasi ang gago mo? Bakit ba hindi mo na lang mahalin si Celine tulad noon? Hindi mo ba kaya? What's stopping you from loving her?
She is beautiful and wonderful. Nakikita mo naman na mahal na mahal ka niyang talaga pero bakit hindi mo masuklian iyon ng buo?
Pinaghanda pa talaga niya ako ng paborito kong adobo. She knows how to handle me. Hindi ko lang talaga alam sa sarili ko kung bakit hindi ko kayang pantayan ang pagmamahal niyang iyon.
Habang nakain kami ay nagulat na lang ako dahil umiyak siya sa harapan ko. Nagmamakaawa siya na sabihin ko ang totoo sakanya.
Ako 'to si gago nagalit naman sakanya. Gusto ko kasing takasan yung problema, hindi ko naman ginusto yung nangyari. Gago ako pero hindi ako papayag na magkaanak ako sa iba.
Dahil sa kunwaring inis ko ay hindi ko na tinuloy pa ang pagkain ng adobo na hinanda ni Celine. Pumasok na ako sa loob ng aming kwarto.
Sa di ko inaasahan, sumunod pala siya sa akin sa loob. Nabigla ako dahil lumuhod siya sa harapan ko. Nagmamakaawa ulit sa akin.
Kahit gago ako, alam kong hindi ko deserve na may lumuhod dahil sakin. Lalo na si Celine, kahit papaano ay mahal ko pa rin siya dahil at the end of the day siya pa rin ang asawa ko.
Nagalit ako sakanya dahil sa ginawa niya. Pinatayo ko siya at pinunasan ang kanyang mga luha. Hindi ko kayang makitang nasa ganoong klase ng sitwasyon ang aking asawa.
Hindi ko na namalayan ay may nangyayari na pala sa aming dalawa. I missed her so much, I missed her soul. Yung pagdampi ng katawan namin sa isa't isa.
Akala ko noon ay hindi ko na mararamdaman ulit ito. Akala ko hindi ko na maibabalik pero kapag mahal mo pala talaga ay babalik ka sa umpisa.
Umpisa kung saan masaya kayong dalawa, yung gusto niyo pang makilala ang isa't isa. Doon sa umpisa kung saan niyo nakita ang pagmamahal na nabuo niyo.
After we had sex, I looked at her. Her innocent eyes, her smile, the way she looked at me. All of it was perfect. Feeling ko nasa teenage years na ulit ako.
Binati ko siya ng happy anniversary, for the first time after three long years. Namiss ko banggitin sakanya iyon. I saw her smile nung narinig niya mula sa akin iyon. Punong puno ng pagmamahal at pagpapatawad.
I am so lucky to have her, pero siya? Hindi. Malas siya sa akin dahil gago ang minahal niya. Walang kasing gago, walang kasing sama ang ugali. Bakit kaya niya natitiis ang ganoon?
Habang nakahiga kaming dalawa ay tinanong ko siya. Kinausap ko si Celine, katulad lang nung dati nung bago pa lang ang relasyon namin.
"Celine, why are you staying with me despite everything I did? Hindi ka pa ba napapagod? Hindi ka pa napapagod sa akin?" tanong ko kay Celine
"Bakit naman ako mapapagod kung mahal ko naman ang kasama ko? Sige, sabihin natin na minsan napapagod ako pero nagpapahinga lang ako at hindi nasuko." sagot naman sa akin ni Celine
"Ang gago ko naman hindi ba? Bakit minamahal mo pa din ako? Pwede mo naman akong iwan, para hindi ka na rin masaktan dahil sa akin." sagot ko naman sakanya
"Alam kong gago ka, alam ko lahat ng pagkakamali mo pero alam mo? Pinipili pa rin kita, kasi mahal kita. Hindi na bale magkamali ka, okay lang iyon. Tao ka eh." sagot naman niya sa akin
"Hindi ko alam ang sasabihin ko. Alam kong madami akong pagkakamali sa nakalipas na tatlong taon na pagsasama natin." sagot ko kay Celine
"Hindi mo naman kailangan magsalita. Tama na 'tong kausap mo ako at kinakamusta. Namiss ko 'to. Namiss kita. Namiss ko ang tayo." sagot sa akin ni Celine
Hindi ko alam kung bakit ganoon siya. Sobrang bait, sobrang maintindihin. Lahat ng pagmamahal at pagpapatawad niya ay binibigay niya sa akin.
Hindi ko deserve ang ganung klaseng pagmamahal pero pinaparamdam pa rin niya sa akin na ako lang. Na kami lang. Na mahal na mahal niya ako kahit gago ako.
"Namiss ko din ang tayo Celine. Pasensya ka na kung ngayon lang ako nagising. Hayaan mo, babawi naman ako sa iyo eh." sagot ko sakanya
"Hindi mo na kailangan bumawi, ayos na sa akin ang pinapakita mo ngayon. Lahat ng sakit at hirap ko mula noon ay nawala na dahil nandito ka na ulit." sagot naman sa akin ni Celine
"Hindi pwede iyon, babawi ako sa iyo. Lahat ng pagkukulang ko ay pupunan ko na simula ngayon." sagot ko naman sakanya
Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ito ang mga sinasabi ko ngayon. Basta, ito ang nararamdaman ko eh. Nakaramdam na ulit ako ng pagmamahal at sana ay magtuloy-tuloy na.
Ngumiti sa akin si Celine at niyakap ako habang nakahiga kaming dalawa. Napangiti na lang din ako dahil ayos na kami ngayon sa wakas.
"I'll have a date with you tonight. Suotin mo ang pinakamagandang dress na meron ka sa cabinet. I'll wait for you there, sa lagi nating pinupuntahan nung nililigawan pa kita." sabi ko kay Celine
Napabalikwas naman siya dahil sa sinabi ko. Tuwang-tuwa ang kanyang mukha na umabot na sakanyang mga mata. She's so beautiful.
"Napakatagal na nung huli mo akong niyaya makipagdate sa iyo. Thank you dahil pinaramdam mo ulit sa akin ang excitement at kilig na naramdaman ko noong una pa lang tayong magkakilala." sagot niya sa akin
"Kaya nga babawi ako ngayon sa iyo hindi ba? Don't wear too much make up. You are beautiful already. Inside and out." sabi ko sabay ngiti sakanya
Niyakap niya ako ng mahigpit at pinaulanan ako ng napakadaming halik sa pisngi. We are back, I'am totally back. I love you, Celine.
BINABASA MO ANG
Come Home, Anthony (Completed)
RomanceAng mga desisyon natin sa buhay ang magdadala kung ano at nasaan tayo sa kasalukuyan. Book Cover by: CJ Caleza Date Started: October 15 2018 Date Ended: Oct 31, 2018