Chapter 34

1.3K 69 13
                                    

Celine

June 27.

Ngayon ang birthday ni Anthony kaya balak namin na doon mag-lunch sa puntod niya. Maaga pa lang ay naghahanda na kami para makapunta doon. Excited na rin ako para sa araw na ito dahil ngayon ang unang beses na magkikita si Anthony at ang mga anak namin.

Kamukhang-kamukha ni Anthony si Almira at si Amiery kaya sobrang masaya ako kapag tinitingnan ko sila dahil nakikita ko si Anthony sakanila. Para bang nakukumpleto na rin ang pagkatao ko kapag inaalagaan ko sila. Nakakalungkot lang kapag iniisip ko na hindi na makikita ni Anthony kung gaano kaganda ang mga anak namin pero iniiwasan ko na lang na magpakain sa lungkot dahil ayaw kong maapektuhan ang mga anak ko sa totoong nararamdaman ko.

"Ilipat niyo na ang mga pagkain sa kotse. baka ma-late pa tayo doon, maulan pa naman. Ipasok niyo na sa kotse ang mga apo ko para makatulog na ang mga iyan.' sabi ni Mama sa katulong namin

Bago kami umalis ay kinausap muna ako ng Mama ni Anthony. Naluluha siyang lumapit sa akin at humingi ng pasasalamat.

"Salamat anak, Salamat dahil nilaan mo ang araw na ito para kay Anthony. Salamat din dahil nandito ka pa rin kahit wala na si Anthony. Nakakamiss lang talaga siya. Kapag mag-isa ako ay kinakain ako ng lungkot." sabi sa akin ni Mama

"Lagi ko naman pong sasabihin sa inyo Mama na kahit anong mangyari ay pamilya na po tayo. Wala na po makakaputol noon. Mahal ko po ang anak niyo kahit anong mangyari. Alam kong alam niya iyon hanggang ngayon." sabi ko kay Mama

"Tara na nga hija, baka umiyak nanaman ako eh. Andoon na rin daw ang iba pa naming kamag-anak kaya kailangan na natin umalis." sabi ni Mama

Tinext ko na agad si Eid, Mary at Odz para makasama sa birthday celebration ni Anthony. Alam ko din na may iba pang pupuntang kaibigan niya na hindi ko naman lubos na kilala pero bahala na. Ang goal ko lang today ay maging masaya dahil magkikita ulit kami ni Anthony.

After 30 minutes ay dumating na kami sa puntod ni Anthony. May ibang tao na ring naghihintay sa amin kaya agad kaming nag-ayos para sa mga kakain. Lumapit kami ni Odz, Mary at Eid sa puntod niya habang hawak-hawak ko ang mga anak ko.

"Asawa ko, may gusto akong ipakilala sa iyo. Nandito na si Amiery at Almira, nandito na ang mga anak mo. Alam mo bang kamukhang-kamukha mo sila? Mas lalo tuloy kitang namimiss dahil kapag natingin ako sakanila ay nakikita kita. Happy birthday in heaven. Mahal na mahal kita, hintayin mo ako dyan ha?" sabi ko sa puntod niya

"Oo nga pare, ang gaganda ng inaanak ko. Girl version mo, hayaan mo ako na ang bahala sakanila ah? Magpahinga ka na dyan. Pangako ko sa iyo na lalaki silang mababait. Lagi kong ikekwento ang mga kalokohan mo sakanila. Happy birthday in heaven, Anthony." sabi naman ni Eid

"Pare, pasensya ka na sa nagawa ko sa iyo nung nabubuhay ka pa ha? Sana okay na tayo, nagsisisi na ako na sinabi at ginawa ko iyon sa iyo. Ang sakit para sa akin na hindi man lang tayo nagkapatawaran bago ka mawala pero hayaan mo, aalagaan ko ang mag-ina mo para makabawi naman ako sa lahat ng nagawa ko. Happy birthday!" sabi ni Mary 

"Pare, sayang lang talaga dahil hindi tayo nagkita bago ka mawala pero isa lang mapapangako ko, aalagaan ko ang mag-ina mo sa abot na makakaya ko. Kung kinakailangan na maging ama ako akanila ay gagawin ko. Maraming salamat, Anthony. Happy birthday in heaven." sabi ni Odz 

Pagkatapos namin kausapin ang puntod niya ay nagkwentuhan muna ang buong pamilya namin. Inalala namin ang mga magagandang alaala ni Anthony. May nakakatawa, nakakainis, nakakamiss. Lahat ng iyon ay sa memorya ko na lamang.

Bago kami umalis sa puntod ni Anthony ay biglang lumapit sa akin si Mary, may sasabihin daw si Odz sa akin. Ano naman kaya iyon? Pinalapit ko na si Odz, halatang-halata na kabado siyang papalapit sa akin.

"Odz, ano iyon? Okay ka lang ba? Ano yung sasabihin mo? Mukhang kabado ka ah, may problema ka ba?" tanong ko sakanya, tahimik pa rin siyang nakatingin lang sa akin

"Alam kong wala sa right timing itong sasabihin ko pero dahil nasa harapan na rin tayo ni Anthony ay sasabihin ko na rin. Gusto kita, noon pa. Kaya nga hindi na ako nag-asawa dahil nangako ako na ikaw lang ang mamahalin ko." sabi sa akin ni Odz

Natigilan ako, napapansin ko na rin iyon pero hindi ko binibigyan ng pansin dahil busy ako sa mga anak ko. Nung narinig ko iyon ay alam ko na agad ang sagot ko. Hindi. Hindi pa. Mahal ko pa si Anthony at alam kong magiging unfair ako kung ngayon ako sasagot.

"Ah, Odz ano kasi.. Hindi pa ako handa. Wala pa sa isip ko iyan. Pasensya ka na, gusto ko munang unahin ang mga anak ko. Mahal ko pa rin si Anthony at alam kong magiging unfair ako sa iyo kung sasagutin kita ngayon na alam ko sa sarili kong mahal ko pa siya. in time, kung makakapaghintay ka pa at kung will ng Diyos bakit hindi diba?" sabi ko kay Odz

"Ah, naiintindihan ko naman iyon. Pasensya ka na kung sinabi ko agad sa iyo at hindi ko muna pinalipas kung ano man ang nararamdaman mo sakanya. Ang importante naman dito ay sumubok ako at hindi ito dahilan para sumuko ako sa iyo. Tandaan mo, maghihintay pa rin ako sa iyo." sabi ni Odz sa akin

"Salamat sa pag-intindi, Odz. Salamat rin dahil ramdam na ramdam kong nandyan ka para kay Almira at Amiery simula pa lang. Naging tatay ka na nila at hindi ko tatanggalin sa iyo iyon." sabi ko kay Odz

Para sa akin, tama naman ako eh. Ayaw ko siyang masaktan o lokohin, ayaw ko din naman lokohin ang sarili ko at magpanggap na ayos na ako kahit ang totoo ay hindi pa. Mas okay na ako sa ganitong set up, nandito siya para sa mga anak ko at nandito kami para sakanya. Sa ngayon, iyon lang muna ang maibibigay ko kay Odz dahil hindi pa ako tapos magmahal ng iba.

Come Home, Anthony (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon