Chapter 5

2.6K 154 74
                                    

Celine

Nakita ko siyang papasok sa bahay. Gulong-gulo ang buhok at tila ba nagmamadali na makauwi sa amin. Dapat bang tanungin ko pa siya kung saan siya galing?

"Oh, nandito ka na pala. Wala ka kagabi, sayang hindi mo natikman ang luto kong adobo para sa iyo kahapon." sabi ko kay Anthony

"Ah, pasensya ka na kung hindi na ako nakapagpaalam sa iyo. Nagkayayaan kasi ng mga kaopisina ko kaya hindi na ako nakapagtext na hindi ako makakauwi. Low battery na pati ang cellphone ko." sagot naman ni Anthony sa akin

Hindi ako sumagot sakanya, sa halip ay inayos ko na lang yung ininit ko na adobo at nilagay ko iyon sa lamesa. Umupo na din ako pero hindi na ako sumabay pa sakanya. Masakit pa ang ginawa niya sa akin, parang hindi ko na nga siya mapapatawad dahil doon.

"Bakit ganyan ka makatitig sa akin? May dumi ba ako sa aking mukha? Saka bakit ayaw mo sumabay sa akin? Pwede naman--" hindi na siya natapos dahil nakita niyang umiiyak ako

"Sorry, Anthony. Sorry sa mga nagawa ko sa iyo. Kung hindi nawala ang baby natin, hindi ka mambababae. Oo, alam ko na. You have someone new, and it's okay for me. Hayaan mo na ko, kumain ka na. Wari ko ay gutom na gutom ka na at pagod. Tara na, kumain ka na. Mamaya na ako pagkatapos mo ah?" sagot ko sabay pilit na ngiti sakanya pero naiyak pa din ako

"Ah, let me explain. Hindi ganoon ang nangyari. Promise, gago ako pero hindi ganoon ang nangyari sa amin noong babae." paliwanag sa akin ni Anthony

Ngumiti naman pabalik sa akin si Anthony. Umupo na siya at kumain na kami. Hindi ko alam na tumutulo na ang luha ko dahil naiisip ko ang pambababae ni Anthony.

"Anthony, anong nangyari? Bakit mo nagawa iyon sa akin? Bakit ka nambabae? Oo, alam ko na. Alam ko na may babae ka." sabi ko sakanya

Hindi ko na napigilan. Nasabi ko na sakanya ang totoo. Gusto ko din malaman kung anong dahilan niya kung bakit nagawa niya iyon sa akin. Natigilan siya dahil sa sinabi ko. Nagtataka ang mukha niya, nagkukunwari na walang alam. Ang sakit na tinatago niya sa akin iyon kahit alam ko na ang totoo.

"Ano ba ang sinasabi mo dyan? Kung anu-ano sinasabi mo, sinabi ko na sayo diba? Uminom kami ng mga kaopisina ko kaya hindi ako nakauwi dito sa atin." sagot ni Anthony sa akin

"Huwag mo na ikaila sa akin, nakausap ko na siya. Alam kong may nangyari sa inyo nung babae mo." sagot ko kay Anthony

"Sino naman ang sinasabi mo? Wala akong alam. Ang alam ko lang ay nagkainuman kami ng mga kaopisina ko at hindi ko sinasadyang malasing ako." sagot ni Anthony sakin

Hinawakan ko ang kamay niya habang walang tigil na naiyak sa harapan niya. Naninikip ang dibdib ko, halos di na ko makakain.

Tumingin siya sa akin, galit na galit pa rin ang tingin. Hindi yata makapaniwala sa mga sinasabi ko. Bakit niya nagagawang itago sakin?

"Ewan ko sayo! Kung anu-ano na lang iniisip mo. Lagi na lang ganyan!" sagot ni Anthony sabay tayo at akmang pupunta sa loob ng kwarto namin

Sinundan ko siya doon habang pinupunasan ang mga luha ko. Ang sakit na nakuha pa niyang magalit kaysa makipag-ayos sa akin.

"Huminahon ka naman, pwede namang kausapin mo ako hindi ba? Makikinig naman ako sa mga paliwanag mo. Iyon naman lagi ko ginagawa hindi ba?" sabi ko sakanya

"Sinabi ko na hindi ba?! Wala nga akong babae! Isa pang sabihin mo iyan, makakatikim ka na sa akin!" sigaw pa ni Anthony

Lumapit ako sakanya, lumuhod at nagmakaawa. Alam kong mali na gawin iyon pero ginawa ko pa rin dahil mahal na mahal ko siya.

"Tumayo ka dyan! Hindi mo dapat ako niluluhuran. Hindi pwede, tumayo ka dyan Celine!" sigaw pa niya ulit

Hindi ako nakinig sakanya. Patuloy lang ako sa pagluhod at nagmamakaawa sakanya. Kahit siya na ang may kasalanan ay ako na ang lumuhod dahil ayaw ko siyang mawala sa akin.

"Nagmamakaawa na ako, huwag ka na mambabae. Kung gusto mo, ako na lang. Ako na lang ulit. Pwede naman iyon hindi ba? Asawa mo ako Anthony." sabi ko sakanya

Hinawakan niya ang mga kamay ko at itinayo ako. Nakita ko rin ang mga luha sakanyang mga mata. For the first time, nakita ko siyang umiyak.

"Tama na, hindi mo dapat ako iniiyakan. Gago ako, aminado naman ako doon. Oo, tumikim ako ng ibang babae kagabi pero hindi ko ginusto iyon." sagot sa akin ni Anthony

"Sabi noong babae, tuwang-tuwa ka daw sa nangyari sa inyo kagabi kaya hindi ka na nakauwi sa akin." sagot ko kay Anthony

"May nangyari sa amin dahil sa labis na kalasingan. Kasalanan ko iyon, huwag ka na umiyak. Pwede ba?" sagot niya sabay punas ng mga luha ko

Napangiti ako dahil sa ginawa niyang iyon. Ngayon lang ginawa ni Anthony sa akin iyon, naluluha ako na nangingiti.

Hindi ko inaasahan, hinalikan niya ako sa labi. Ngayon ko na lang ulit naramdaman ang mga labi niya.

Hinigit niya ako sa kama habang hinahalikan pa rin niya ako. Nakita ko na lang na hubad na kami parehas.

Hindi na namin napigilan ang pagkasabik sa isa't isa. After three long years, may nangyari na ulit sa amin.

After what happened, nagkausap kami ulit. Mahinahon at may ngiti na sa mga mata ni Anthony, hindi na siya katulad ng dati.

"I love you, I'm sorry for what I've done. Promise ko sa iyo na hindi na mangyayari iyon. Nandito na ako ulit, hindi na ako mawawala." sabi sa akin ni Anthony

"Talaga? Promise mo iyan ha? Okay na tayo ulit. Hindi ka na mawawala sa akin. Hindi ko na hahayaan na mawala ka sa akin." sagot ko naman sakanya

Sobrang saya ko na ayos na kami ni Anthony. Pwede ko na ulit ipakita ang pagmamahal ko sakanya. Paniguradong matutuwa si Mary kapag nalaman niya ito.

"Magpahinga na tayo, pagod ako at may hangover pa sa inuman namin kagabi. Mahal na mahal kita Celine. Lagi mong tatandaan iyan. Happy anniversary, limang taon na tayo." sabi sa akin ni Anthony

Nagulat ako dahil sa sinabi niya, naalala pa pala niya kung anong meron kahapon. Naalala pa pala niya na limang taon na kami.

"Alam mo pa pala kung anong meron kahapon. Salamat, after three years ay narinig ko ulit na binati mo ako. Mahal na mahal kita Anthony. Happy fifth anniversary sa atin." sagot ko naman sakanya

Ngumiti ako at pumikit, naramdaman ko na hinalikan niya ako sa noo. Sobrang saya ko, walang mapaglagyan.

Sana lagi na lang kaming ganito, sana hindi na siya bumalik sa dati. Sana tuloy-tuloy na ang mga magagandang alaala namin.



Come Home, Anthony (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon