Chapter 31

1K 76 17
                                    

Celine

After 3 days

October 9, 2018

Nagising ako dahil sa lakas ng hiyawan at iyakan. Nagulat na lang ako nang biglang sumigaw si Mama, sinigaw niya ang pangalan ni Anthony kaya agad akong bumangon para tingnan ang lagay niya.

"Celine, si Anthony pabitaw na siya!" sigaw ni Mama sa akin

Lumapit ako at hinawakan ang kamay ni Anthony, nahinga pa siya pero hindi na siya maayos. Ibang-iba na ang  itsura, pabitaw na. Nanalangin ako sa Diyos na huwag na muna sana, hindi ko pa kasi kaya. Bakit bigla na lang?

"Anthony, kumapit ka. Hindi pa ngayon! Makikita mo pa ang mga anak mo. Please! Huwag kang pipikit o bibitaw sa akin Anthony! You promise me, you'll come home to me hindi ba?!" sigaw ko kay Anthony

Hindi na nagsasalita si Anthony pero nagrerespond pa din siya dahil naiyak siya habang nakakapit sa mga kamay ko. Para bang gusto niya na magpaalam pero ayaw pa rin niya akong iwan. May pumipigil pa rin sakanya at alam kong ako iyon.

Pinalapit niya ako para makabulong siya sa akin at ang mga binulong niya ay ang mga salitang mahal kita. Doon na ako humagulhol, hindi na niya kaya pero pinilit pa din niyang sabihin iyon sa akin para maramdaman kong andyan pa rin siya.

"Mahal din kita, Anthony. Huwag kang bibitaw ha? Dito lang ako sa tabi mo, hindi kita iiwan hanggang sa huli." sabi ko sakanya na pabulong rin pagkatapos hinalikan ko ang kanyang noo

Umabot ng tatlong oras ang pakikipagbaka ni Anthony sa sakit niyang lung cancer pero hindi na rin niya kinaya. Bumitaw siya sa akin habang may luha pa sakanyang mga mata. Kahit pilit akong pinapalayo ng mga doktor dahil aayusin nila si Anthony ay hindi ko ginawa.

Umasa pa rin ako sa himala, umasa pa rin ako na gigising siya at babalikan niya ako dahil sasama na siya sa akin pauwi. Wala na akong pakialam kung magmukha akong baliw sa harap ng ibang tao pero ilang oras pa akong naghintay kahit sinabi na ng doktor na wala na siya. 

Hanggang sa lumapit na sa akin si Mama, hinimas-himas niya ang likod ko at ipinaliwanag niya sa akin na wala na si Anthony. Wala na ang taong mahal ko, pinaki-usapan niya ako na bitawan na si Anthony dahil hindi na siya babalik pa.

"Anak, tama na. Kukunin na siya para ilipat sa morgue. bitawan mo na si Anthony, anak. Alam kong mahirap para sa iyo pero lagi mong tatandaan ang mga memories niyo together. Doon ka kumapit. Alam kong sa huling sandali niyo bilang mag-asawa ay naging masaya kayo sa isa't isa." sabi sa akin ni Mama

"Mama, ang daya-daya naman kasi ni Anthony eh. Sinabi ko na sakanya na lumaban siya pero hindi pa rin niya ginawa. Paano na niya makikita ang mga anak namin? Wala na, wala na ang asawa ko." sabi ko kay Mama

"Alam ko naman na kung nasaan man si Anthony ngayon ay masaya na siya at alam ko rin na binabantayan ka niya. Binabantayan niya tayo, lalo na ang mga anak niyo. Kaya huwag ka magpakin sa lungkot, anak. May mga anak ka pa at dapat doon mo ituon ang lahat ng atensyon mo ngayong wala na si Anthony sa tabi mo." sabi sa akin ni Mama

Oo, tama si Mama eh. Kailangan kong magpakatatag dahil may mga anak pa kami. Sila ang magiging proof na nagmahalan talaga kami. Aminado ako, gusto ko na lang sumama kay Anthony pero alam kong magagalit siya sa akin kung kasama ko siya ngayon kaya lalakasan ko na lang ang loob ko.

Hindi na ako sumama sa morgue dahil ang sabi ko kay Mama eh aayusin ko pa ang mga gamit ni Anthony. Gusto ko din na maging mag-isa muna dahil hindi ko pa naman naiiyak ang lahat ng dapat kong iiyak. 

Feeling ko kahit na wala na siya ay nasa paligid ko lang siya. Ang bigat sa pakiramdam eh, parang may nakatingin sa akin kahit wala naman. Miss na niya siguro ako agad kaya binabantayan niya ako dito sa bahay. 

Ang hirap mawalan ng minamahal, hindi mo na makikita ang mga ngiti niya kahit kailan. Hindi mo na makakamusta, hindi mo na mararamdaman kahit ilang beses mo pang hilingin sa kataas-taasan na ibalik sa lupa yung mahal mo, wala na eh. Huli na ang lahat.

Natagpuan ko na lang ang sarili na naiyak habang hawak-hawak ko yung susuotin niya sakanyang burol. Nagsisisi ako, kung nalaman ko lang ng mas maaga ang totoong nangyari sakanya ay nabago ko sana ang lahat. Hindi sana aabot sa ganito, kung nakinig lang ako sa puso at isip ko. 

Kung hindi ako nagpadala sa mga nakikita ko na wala naman palang katotohanan, kung naniwala lang sana ako sakanya o kahit man lang sa pagmamahal niya.Kung nagawa ko lang iyon, may nagawa siguro ako para sakanya. Wala ba akong kwentang asawa? Hindi ko man lang siya napaglaban sa mga taong hindi naniniwala sakanya.

Sana ay nagpatawad na lang ako agad, hindi siguro niya aabusuhin ang sarili niya katulad nung ginawa niya ngayon. Kung pinili ko ang pagpapatawad at pagmamahal, sana kasama ko pa siya hanggang ngayon kaso alam ko naman na hanggang sana na lang ang mga iyon eh. 

Celine, madali lang naman ang gagawin mo pero mas pinili mo pa rin ang sarili mo.  Parusa sa iyo iyan ng mundo dahil mali ang mga desisyon mo sa buhay. Kung pwede ko lang ibalik ang nakaraan, bubuhayin ko siya at iibahin ko ang takbo ng buhay naming dalawa,

Hindi na ako makikinig sa mga sasabihin ng ibang tao kundi susundin ko na kung ano ang sinisigaw ng puso ko. Hindi na ako magpapadala sa emosyon, bagkus aalamin ko muna ang totoo. Diyos ko, bakit ngayon ko lang nasasabi ito ngayong huli na ang lahat? Kinuha Mo na si Anthony sa akin.

Bakit nga ba lahat ng tao ganoon ano? Nagpapadala sa mga naririnig, sa mga nakikita, o sa kung ano man pero makikita nila ang katotohanan kapag wala na ang taong nagpapaintindi sakanila ng mga bagay na iyon. Ang taong nagpapahalaga ng tunay, ang taong walang ginawa kundi pasayahin lang naman sila. 

Bakit nga kaya?

Come Home, Anthony (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon