Celine
Parehas na tuloy kaming naluluha ni Anthony. Hindi dapat eh, dapat magmatigas ako dahil nangako na ako sa sarili ko hindi ba? Celine, manindigan ka naman para sa sarili mo. Huwag ka marupok! Hindi pwede iyan!
"Celine, ano bang ginagawa mo? Hayaan mo na ang taong iyan, hindi na siya dapat pa pag-aksiyahan ng oras. Tara na sa loob. Anthony, lumayas ka na rito kung ayaw mong ipakulong kita!" sigaw ni Mary kay Anthony
Hinihila na ako ni Mary ppaunta sa loob pero hindi ko magawang sumama sakanya dahil hawak-hawak ni Anthony ang kamay ko. Pilit na inaalis iyon ni Mary pero ayaw talaga ni Anthony.
"Tumingin ka sa mga mata ko, Celine! Sabihin mo na hindi mo na ako mahal! Saka lang ako aalis dito kapag nagawa mo na iyon. Sige sabihin mo!" sigaw ni Anthony habang hawak-hawak pa rin ang kamay ko
Hindi ko masabi dahil kapag tumitingin ako sakanya ay naaawa ako. Ngayon ko lang siya nakitang nasa ganitong sitwasyon, sobrang kitang-kita ko na inaabuso niya ang sarili niya para makalimot. Hindi naman ako ganoon kasama para hindi ko masense na totoo ang pain na nararamdaman ni Anthony ngayon.
"Umalis ka na, gawin mo na lang ang sinasabi ni Mary. Ayaw ko na magkagulo pa tayo, please? Para rin naman sa ikakabuti mo ito. Hindi na ako magsasalita pa sa mga pulis, umalis ka na lang dito." sabi ko sakanya pagkatapos ay pinunasan ko ang mga luha ko
"Hindi mo sinabing hindi mo na ako mahal kaya dito lang ako sa harapan mo, luluhod. Patawarin mo na ako sa nagawa ko sa iyo. Hindi ko na uulitin, magpapaliwanag ako sa iyo. Pagbigyan mo na ako, kahit ito lang." sabi sa akin ni Anthony
"Hindi ka na mahal ng kaibigan ko, pwede ba?! Lubayan mo na kami, hindi ka kailangan ng kaibigan ko. Hindi niya kailangan ng walanghiya na katulad mo!" sigaw ni Mary kay Anthony
"Pwede din ba na hindi ka mangialam sa relasyon namin? Lagi na lang kasi nakadepende sa iyo kung anong desisyon ng asawa ko eh! Sana naman this time hindi mo na siya pangunahan! May sarili namang buhay ang kaibigan mo!" sigaw ni Anthony kay Mary
"Ah talagang iyan pa ang sinasabi mo sa akin ngayon? Ano kaya kung ipapulis kitang hayop ka? Para makita mo kung sino ang--" hindi na natapos ni Mary ang sasabihin niya dahil pinutol ko na siya
"Hayaan mo lang siya, kakalma din si Anthony. Huwag mo na patulan pa. Kapag pinatulan mo kasi iyan ay lalo pang hahaba ang problema. Hayaan mo na, lasing iyan eh kaya ganyan." sagot ko kay Mary
Nag-iba naman ang tingin niya sa akin, para bang gulat na gulat siya sa sinabi ko. Hindi na siya nagsalita pa sa akin, sa halip ay pumasok na lang siya sa loob ng bahay. Iniwan niya kami ni Anthony sa labas.
Hindi pa rin natigil si Anthony sa kakaiyak at sa kakahingi ng tawad sa akin. Half of me wants him back and half of me says no. Naniniwala ako sa mga luha niya pero natatakot ako na masaktan ulit niya ako for the same reason.
"Anthony, I have no time for this. Pwede ka na tumayo at umalis. Please? Huwag mo na hhintayin pa na lumabas dito sa Mama. Alam mo naman kung gaano siya kagalit sa iyo hindi ba? Ayaw ko na lumaki pa ang gulo kaya sana umalis ka na dito. I am saving you from trouble. Please go away." sabi ko kay Anthony
"Huwag ka makinig sa mga sinasabi nila sa iyo, kung ano ang sinisigaw ng puso mo sa iyo ay iyon ang sundin mo. Hindi naman sila ang mamahalin ko eh, ikaw hindi ba? So please, listen to your heart. Alam kong may pagmamahal pa rin dyan sa puso mo para sa akin." sabi sa akin ni Anthony
Natigilan ako sa sinabi niya, kilala nga ako ng asawa ko. Alam niya na kahit galit ako sakanya ay may natitira pa ding pagmamahal sa puso ko na para sakanya lang. I'm so sorry Anthony but I have to do this. I want to be alone for awhile. Kailangan kong magpakatigas ngayon dahil iyon ang tingin kong tamang gawin.
"No, hindi na kita mahal. Maniwala ka, hindi na kita mahal. Pagod na pagod na ako sa iyo at siguro naman ay sapat na ang limang taon para makapagpahinga na ako. Sobra na ang mga nangyari. Tama na sigurong itigil natin ito. Pwede ka na mabuhay na naaayon sa gusto mo. Malaya ka na ngayon." buong tapang kong sabi kay Anthony
Ilang minuto pa ay bumukas ang pintuan at lumabas ng bahay si Mama para harapin si Anthony. Hindi pwede, ayaw ko na masaktan ni Mama si Anthony. Ayaw ko na lumaki ito, ayaw ko na sa gulo lalo na ngayon na buntis pa ako.
"Hindi ba sinabi ko na sa iyo na huwag ka na magpapakita sa amin kahit kailan kundi makakatikim ka sa akin? Hindi ka naman nakikinig, may kapal ka pa ng mukha para pumunta dito at humingi ng tawad sa anak ko?! Lumayas ka sa pamamaha ko! Hindi pwede ang mga walanghiya dito!" sigaw ni Mama kay Anthony
"Mama, mahal na mahal ko po ang anak niyo. Alam ko pong may pagkakamali ako pero noon pa po iyon. Hindi ko po sinasadya, inaayos ko na po ang relasyon namin pagkatapos ay naging ganito." pagmamakaawa ni Anthony kay Mama
"Tigilan mo ako sa pagtawag sa akin ng mama. Hindi mo na ako nanay simula ngayon. Itinurin pa naman kitang anak pero anong ginawa mo?! Sinayang mo ang pagmamahal ng anak ko para sa iyo!" sigaw ulit ni Mama kay Anthony
"Naniniwala po ako na ang bawat tao pwedeng magbago kapag nagkaroon ng pagkakamali. Hindi naman po ako perpekto eh, sana po iyon alam niyo. " sabi ni Anthony kay Mama
Sa huling pagkakataon ay nagtagpo ang aming mga mata. Nakita ko ang buong kalungkutan sa mga mata niyang iyon pagkatapos ay inalis ko na ang mga tingin ko sakanya dahil alam kong anytime ay tutulo na ang luha ko.
"Alam kong mahal mo pa ako, maghihintay ako. Maghihintay lang ako hanggang sa makita mo ulit ako." iyon ang huling sinabi ni Anthony sa akin bago siya umalis
Hindi ko na nakayanan ang sakit na nararamdaman ko, pumasok na ako sa loob ng bahay namin at doon ako humagulhol ng iyak. Doon ko napatunayan na mahal ko pa rin siya kahit na magmatigas ako.
BINABASA MO ANG
Come Home, Anthony (Completed)
RomanceAng mga desisyon natin sa buhay ang magdadala kung ano at nasaan tayo sa kasalukuyan. Book Cover by: CJ Caleza Date Started: October 15 2018 Date Ended: Oct 31, 2018