CHAPTER 1

13K 171 5
                                    

MIRABELLA

"'Tay, bakit po may dala kayong mga gamit?" Nagtataka kong tanong nang maabutan ko ito na papalabas sa pinto habang bitbit ang hindi kalakihang bagpack.

Madilim pa sa labas sapagkat hindi pa sumisikat ang haring araw, maaga lamang akong gumising sapagkat magre-review ako para sa exam ngayon.

Bigla na lamang nitong binitawan ang gamit at malalaki ang mga hakbang na lumapit sa akin. Nabigla ako nang yakapin niya ako ng mahigpit.

"Mira, ito'y para rin sa kinabukasan niyo." Naramdaman ko ang kaunting panginginig ng payat na katawan ni Tatay.

"Po?"

Humiwalay ito sa akin at tinapik ang balikat ko. Ngumiti ito ngunit halata ko na may tinatago siya. "Babalik rin ako agad, 'nak. Habang wala ako, ikaw muna ang bahala sa kapatid mo ha?"

"Sa ibang site ka na ba made-destino, 'Tay?" Construction worker si Tatay sa ginagawang building na hindi nalalayo sa among bahay kaya nagtataka ako ngayon kung bakit may mga dala itong damit.

"Oo, 'nak. Pero sandali lang naman ako roon."

"Pero bakit 'di niyo po sinabi agad sa akin para mapaghanda ko man lang kayo ng umagahan."

"Ayos lang ako, 'nak." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay lumabas na ito ng bahay.

Iyon na ang huling beses na nakita ko si Tatay sa loob ng bahay namin. Simula no'y hindi na ito umuwi, at paminsan-minsan na lamang tumatawag para kamustahin kami ng aking kapatid.

Lagi kong sinasabi sa kanya na ayos lang kami, ngunit ang totoo'y iginagapang ko na lamang ang pang-araw-araw na gastusin naming magkapatid dahil hindi na rin masyadong nagpapadala si Tatay ng pera.

Hinawi ko ang kurtina na nagsisilbing pinto ng aming kuwarto at lumapit sa nakalapag na kutson kung saan nakahiga pa rin ang aking kapatid. "Krome! Gising na, mag-almusal ka na muna."

"Ate, konti nalang po." Ungol nito.

Tinapik ko ang kanyang balikat. "Dali na. Ihahatid pa kita. Tapos papasok na ako sa trabaho."

Napadilat ang mga mata nito. "'Di ka ulit papasok ng school, ate?"

"Manghihiram nalang ako ng notes sa kaklase ko. Malapit na kasi tayong palayasin ni Aling Leonor dito sa apartment kasi ilang buwan na tayong 'di nakakabayad."

Bumangon ito. "Sigurado ka, ate?"

Tinapik ko ang ulo nito. "Ako ang bahala, basta galingan mo lang ha."

Tumango ito at inayos na ang kama. Ang totoo niyan ay pagod na pagod na ako at hindi na rin makapag-focus sa pag-aaral. Ngunit pinipilit ko pa rin dahil dahil isang taon nalang makakapagtapos na ako ng kolehiyo.

Kinausap na rin ako ng prof ko sa isang major subject para sabihin na hindi na aabot ang scores ko para makapasa dahil palagi raw akong absent at mabababa ang nakukuha sa quiz.

Pagkatapos kong ihatid si Krome sa elementary school ay bumiyahe naman ako papunta sa pinapasukan kong trabaho. Nagbihis agad ako ng uniporme at nagsimulang mag-ayos ng items sa shelves. Nakatuntong ako sa mababang hagdanan at maingat na pinagpatong-patong ang mga de-lata.

Habang nagpupunas ako ng mga items ay naramdaman ko na may tumigil sa aking gilid. "Excuse me, miss?"

Napatingin ako sa kanya at bahagyang napatigil nang magtama aming mga mata. His face was all sharp angles and fierceness. He had thick black eyebrows and deep-set, narrow black eyes with a peculiar piercing quality.

He's wearing a navy blue shirt that looks crisp and freshly laundered, and pressed charcoal slacks. His dark brown hair is slightly messed up, as if he were running a hand through it right before I walked in.

ULTERIOR MOTIVE (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon