Chapter 1 - Ginger

2.7K 80 8
                                    

" Simula nang araw na inangkin kita. Akin kana. kaya kung sinuman ang mag tangka o, mag balak na lapitan  kapa. hindi ako mag dadalawang isip na patayin siya o kahit  na sino, dahil walang ibang nag mamay-ari sayo!  kundi ako lang! ako lang! akin ka! "

***

"Ginger Hill. Samonte!"

Fuck! na ang kaniyang Mama.  t'yak, na masesermunan nanamana siya nito.

Mariing niyang kastigo sa sarili halos matalisod  na siya ng umalis sa kanyang higaan dinig na niya ang mga  yabag nito na papaakyat . halos takbuhin na nga niya ang banyo' ng pumasok ang kanyang Ina.

Shit.

Napahawak pa siya sa kaniyang dibdib nang madinig niyang bumukas ang pintuan.

"Ginger!?"

Pasigaw na sabi nito habang malakas na kinalabog ang pintuan ng ban'yo ngunit hindi siya kumikibo. mariing kagat ang ibabang labi.

"Ginger! bilisan mo may pag uusapan tayo! sabi ko sayo agahan mo ang iyong gising! lumabas ka na riyan kung tapos kana, bilisan mo bata ka! "

Napa ngiwi siya ng sunod sunod na kinatok nito ang pintuan kaya sumagot na siya bago pa makabulabog ito ng mga kapit bahay palagi panaman armalite ang boses nito.

"Ginger---"

"Opo Ma! "

"Bakit ang tagal mong sumagot? hala bilisan mo d'yan kahit kailan ka talaga. "

"Opo,"

Bumusangot niyang sabi saka na siya nag hilamos ng mukha ng marinig na niya ang yabag na papa-alis na ito ng kanyang silid' kapag na huhuli kasi siya ng gising ang alarm lang naman niya sa umaga ay ang bunga nga nito.

Wala atang araw na hindi nito pinapahinga ang bibig sa kakatalak simula ng mamatay ang kanyang Papa ay tanging sila na lamang dalawa ang at ang kanyang Mama. masaya naman sila kahit simple lamang ang buhay nilang dalaw nakakain naman din sila araw-araw.

Dahil sa maliit na karindirya na iniwan sa kanila ng kaniyang Papa. upang kahit papaano ay may panggastos sila sa pang araw-araw.

Habang siya naman ay kung minsan naman ay tinutulungan niya ang kaniyang Mama sa pag titinda sa karindirya at kung minsan' naman habang hindi pa nag uumpisa ang pasukan ay suma said line muna siya sa mga ibang trabaho.

Tulad ng pag pipinta sa isang exhibit kumikita naman siya kahit papano ng tatlong libo in a month dahil sa kanyang mga gawa.

Yan lamang siya simpleng babae hindi gaanong kagandahan at hindi rin naman sobrang pangit.

Yung bang sakto lang maliit may kaputian din siya, matangos ang ilong may natural na mapupulang mga labi mga pilik matang kay lalantik ang mga matang mala dark chocolate' ang kulay nabuhay na buhay. mahabang buhok na hangang baywang.

Marami na rin nag sasabi na para siyang isang manika dahil sa puti at kulay ng kanyang mga mata.

Ang ilang nga nilang mga kapit bahay ay sinasabihan siyang mag artista na lamang, ngiti lamang ang palagi niyang sinusukli sa mga ito.

Hindi naman niya pinangarap ang ganon lalunat alam niyang magulo ang showbiz mas okay na yung simpleng buhay lamang ang meron sila ng kanyang Mama.

At mahanap ang lalaking kanyang pinapangarap at isa nadon ang kanyang pantasiya na si Rafael Blek Demonic. ang kilalang Business man at misteryosong tao. maging ang mga kapatid ng kanyang pinag papantasiyahan ay napaka misteryoso halus lahat naman ng mga Demonic ay may pagka weird.

Paano niya nga nakilala ang isang Demonic simple lang nang misan niya itong makita sa isang mall kasama ang kapatid nitong sikat din sa bayan nila at mas maganda pa talaga kaysa sa kanya walang iba kundi si Devon Demonic na mas weird pa sa mga kapatid nito.

Hindi naman niya sinasad'ya na makabangaan niya  ang binata noon ng mag kataon na inutusan siyang bumili ng telang tatahiin ng kanyang Mama, at sa unang pag kakataon ay tumibok ang puso niya ng subrang lakas na halos gusto na atang lumabas mula sa kanyang dibdib.

Ang mas nakakaloka padoon ang marinig niya ang boses nitong lalaking lalaki, ngalang sobrang lamig non, ilang beses siyang napakurap ng marealize niya humingi ito ng despensa sa kanya at nag lakad na papa alis matapos siyang kausapin.

Wala siya sasariling umuwi ng araw na iyon sa kanilang bahay at ang nakakatawa padoon katakot takot na sermon ang bumungad sa kanya' mula sa kanilang bahay, ikaw banaman umuwing wala kahit anung nabili dahil lamang sa isang lalaking noon mulamang nakita at sobrang gwapo naman kasi, sinong hindi matutulala at mawawala sa sarili kung ganon ka gwapo ang nakita mo kahit saan angulo mo tingnan napaka perpekto ng itsura ng isang Greek god na Rafael, my god!

Matangkad na sobrang puti dinaig pa ata ang nag pagluta dahil mas maputi pa ang binata kaysa sa nag papaputi' matangos na ilong buhok na bumagay palalo sa pagiging lalaki nito dahil mahaba at itim na itim iyon, labing mamula mula mga kilay na makapal na maslalupang nag padagdag sa karisma nito.

Ngunit hanggang pantansiya na lamang talaga siya' dahil alam naman niyang hindi mangyayari ang gusto niya na isang araw ay makadaum palad, niya ang lalaking unang nag patibok ng kayang puso kahit isang beses lamang sila nito nag tagpo, isa pa sikat ito sa bayan nila.

"Ginger! ikaw talagang bata ka inabot kana ng anong oras d'yan! "

Shit! doon lang niya' na-alala na kailangan napala niyang mag madali bakit nga ba niya, nakalimutan ang sinabi sa kanya nito.

Malamang Gen. Pinag pa pantasiyahan mo nanaman si Rafa.

Sabi ng bahagi ng kanyang utak, napa mura muli siya, ng sumigaw nanaman ang kaniyang Mama.

"Shit talaga. "

"Ginger! "

"Opo! eto na nga po, pababana!"

Balik niyan'g sigaw rito sana talaga walang mag reklamo sa kanila na mga kapitbahay dahil sa sigawan nila parehong mag ina. Tch.

Kaloka.

©Rayven_26

RAFAEL  ( Demonic Series 3 ) COMPLETED  ✔Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon