A poem written March 4, 2014 at 11:06pm
Ginawa ko kahit alam kong hindi sigurado.
Tinuloy ko kahit may pangamba ako.
Gusto ko lang ipakitang buo ang tiwala ko,
na kakayanin natin ang lahat ng 'to.
Akala ko sapat na, pero ang dami pang kulang.
Akala ko masaya na, 'yun pala meron pang iyakan.
Alam kong masaya ka, masaya ka naman hindi ba?
Kaya pa natin 'to, kaya pa nga ba?
Naiintindihan kong marami pang dapat gawin.
Alam kong marami pang mangyayari.
Lilipas pa ang araw, kahit marami na ang nagdaan.
Magaganap pa ang mga bagay na malamang di natin inaasahan.
Ang madaliin ang lahat ay hindi ko naman hinihingi,
ipaalala mo lang sa akin na nariyan ka lang palagi.
Hindi ko naman hinihiling na hindi ka magbago,
Tanging hangad ko lang, mahalin mo pa rin ako.
Ayokong isipin na masasayang lang ang lahat.
Ayokong isipin na baka mawala ka na lang sa isang iglap.
Ayokong bigyan ka ng samu't-saring pagdududa,
Pero tao lang ako, takot masaktan, takot lumuha.
Marahil sa mundong ito, walang sigurado,
walang ibang mapagkakatiwalaan kundi ang sarili mo,
pero kahit dito lang maipaalam ko sa 'yo
patuloy akong maghihintay, masaktan man ako.
BINABASA MO ANG
Wander-ful Thoughts
RandomThis is a compilation of my write-ups over the years.. This may include poems, declamation pieces, and short stories, etc., etc. (English, Filipino, and Hiligaynon)
