COC: Ang Kwento

90 0 0
                                    

❤ April 25, 2017 ❤

"Nagsimula sa usapang dragon, natuloy sa usapang wala nang mapag-usapan basta makapag-usap lang." 😁😂

Nag-umpisa ako mag-COC, pantanggal lang talaga ng stress at pagod sa trabaho.. Pero hindi ko inakala na makikilala ko kayo, at makikilala kita ng husto..

Hindi ko natandaan kung kailan ko talaga napagtanto na nahulog na rin ang loob ko sa 'yo.. dahil ni sa hinagap ay hindi ko naman naisip na hahantong tayo dito..

Siguro habang nanunuod ako sa mga attack mo, na-3 stars mo na pala ang puso ko.. at noong nagpapaturo ako ng lure kung saan nilu-lure mo na pala ako sa 'yo..

O siguro noon ding nai-epic fail ako sa war tapos lagi mong sinasabi ayos lang, na para bang ang ibig mong sabihin, "ayos lang na na-fail ka noon, nandito naman ako para sa 'yo," o noong nagdodonate ako ng troops sa clan castle mo, yun pala pagmamahal na ang naibibigay ko.

Baka noon ding lagi akong nadi-disconnect habang nagiging connected naman tayo, o sa time na na-promote akong co-leader sabay promoted ka rin sa puso ko.

Malamang hindi ko namalayan, habang binubuo ng builder ang village ko, sa pagitan natin meron na din palang nabubuo, at habang nagte-train ako ng troops tine-train mo na rin akong mapamahal sa 'yo..

Kaya naman heto, kahit may barbarian king ako ikaw pa rin ang aking pinakamalakas na hero, dahil pinaparamdam mo sa 'kin kung pano'ng maging archer queen ng buhay mo..

At kahit ang CoC ay isa lamang laro, alam natin pareho na kung ano man ang meron tayo ay seryoso.. Tandaan mo, mahal kahit anong game pa ang mauso, hindi kailanman malalaos ang pagmamahal ko sau..

😘😘😘

#STRANGERS.PH ❤

Wander-ful ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon