Filipino poem written in 2009, waiting for dinner
Sa sarap ng luto nina nanay at tatay,
mapa-karne man, isda o gulay,
basta luto niya’y buhay na buhay.
Ang bawat araw ay napupuno ng kulay.
Habang inihahanda pa sa kusina,
sarap ng luto niya’y nalalanghap ko na.
Ang amoy na lubhang nakahahalina,
sa buong pamilya ay nakakagana.
Makulay nga naman talaga ang buhay
sa sinabawang gulay ni nanay.
Maging ang specialty ni tatay
nakakawala ng labis na lumbay.
Sa bawat subo ay malalasap
ang perpektong halo ng bawat sangkap
na para bang bumukas ang ulap
at nakikain ang mga anghel sa sarap.
Walang panama ang luto sa KFC.
Di na kailangan pang magpa-deliver sa Jollibee.
Chowking ma’y walang masabi.
Taob lahat sa prito, sinigang, at kare-kare.
Amoy lang, dama na ang lasa.
Ano pa kaya ‘pag natikman ko na?
Pagmamahal nila’y damang-dama,
Di na makapaghintay.. Kainan na!
BINABASA MO ANG
Wander-ful Thoughts
CasualeThis is a compilation of my write-ups over the years.. This may include poems, declamation pieces, and short stories, etc., etc. (English, Filipino, and Hiligaynon)
