Filipino poem 2009 (output in Filipino, 3rd year high school)
Minsan sa isang araw, ako’y naiidlip.
Madalas magliwaliw sa mundo ng panaginip.
Naglalakbay sa kung saan ang aking isip.
Ang lahat ng problema’y lalayo saglit.
Makikinig ako sa sari-saring musika,
magbabasa ako nang walang umaabala,
sasakay ako sa maliwanag na bituin,
at lilipad kasama ng paru-paro sa hangin.
Doon sa alapaap ako ay tatakbo
hanggang sa mapagod at maghingal-kabayo.
Puso ko’y tumatalon sin’taas ng langit
sapagkat mga pangarap ay bigla kong nakamit.
Paggising sa umaga’t pagdilat ng mata,
sa mukha masisilayan ang ngiting abot-tenga.
Di ko malilimutan ang paglalakbay na kay ganda,
naabot-kamay ang sukdulang saya!
BINABASA MO ANG
Wander-ful Thoughts
RandomThis is a compilation of my write-ups over the years.. This may include poems, declamation pieces, and short stories, etc., etc. (English, Filipino, and Hiligaynon)