Bitter 3

4 0 0
                                    

Bitter 3

Ivory's POV


Pahiga na sana ako sa bed ko ng may biglang tumunog sa phone ko. Tinignan ko at nakita ko yung pangalan ng newbie sa room namin. Nag friend request sya sakin, psh as if namang i accept ko toh.

Hindi ko nalang inaccept yung FR(friend request) nya at humiga nalang ako sa bed ko para matulog na at may pasok pa bukas.

------

"Ivy! Baba kana at kumain kana!" sigaw yan ni mama.

"Yes ma! nag aayos nalang ako baba rin ako!" sigaw ko rin.

Nag suklay lang ako, nag polbo at inayos ko lang yung uniform ko at bumaba narin ako.

Pagkababa ko nadatnan ko si mama sa Dining at linalagyan na ng pagkain yung plato ko at plato nya.

"Ahh Ivy, aalis muna ako at may pupuntahan lang sa Batangas. Sina mama at papa kasi may pinapakuha dun." sabi ni mama habang kumakain kami.

"Ilang araw ka po ba doon ma?" tanong ko tsaka nako uminom ng tubig. Tapos nakong kumain.

"2 days lang naman ako." nakangiting sabi ni mama at liniligpit na yung pinagkainan namin. "Mayroon naman jang stock na pagkain kapag naguton ka." dagdag pa ni mama.

"Ok lang ma. 2 days lang naman, tsaka malaki nako hehe." sabi ko ng nakangiti.

"Alam ko naman yun noh!" hyper talaga si mama.

"Kailan po ba alis nyo?" tanong ko habang inaayos yung bag ko at linalagyan ng ampalaya.

"Mamayang tanghali pa naman pero sure akong wala kapa kapag umalis nako."

"Ayy sige ma ingat nalang." tsaka ko hinalikan si mama sa pisngi. "Alis na po ako!"

"Sige, ingat din."

------

Nandito nako sa room at napaaga yung dating ko. Konte palang yung bag sa room namin eh, nabibilang pa ng daliri ko.

Naglagay nalang ako ng earphone sa tenga ko at saka tumingin sa labas. Nakita ko na papunta na rito si chickenjoy, wow huh? Sikat na agad sya, ang dami kasing tumitili at bumabati sakanya, at ito namang si chickenjoy kumakaway at bumabati rin psh. Chickenjoy nga. Nagtataka siguro kayo kung bakit naririnig ko yung tili nila noh? Isa lang kasi linagay ko sa tenga ko eh.

"Ohh, lonely? Good Morning!" napatingin ako sa bumati sakin at psh, kitang kita na ngipin nya sa super ngiti nya.

"Yeah obvious." inirapan ko lang sya at bumalik ulit yung tingin ko sa labas.

"Wala pa yata yung bestfriend mo?" huh??? tinignan ko sya.

"Wala akong bestfriend at lalo ng friend." sabi ko ng bored look.

"As In wala?!" bakit parang nagtaka pa toh? oh well newbie eh.

"Psh." bakit ko ba kasi kinakausap toh?

"Ayy oo nga pala! Accept mo na ako sa Facebook!" abah, kapal naman nito?

"Pakelam ko sa FR mo." sabi ko ng hindi nakatingin sakanya.

"Sige na, sige na." pangungulit nya. At wow huh talagang kinakalabit pa ako.

"Ayoko." deretsong sabi ko.

"Please!! Pretty please!" abah ang loko nag puppy eyes pa. Akala naman nya tatalab sakin psh.

"A.YO.KO!" madiin na sabi ko at tatayo na sana ng bigla nyang hawakan yung braso ko.

"Ugghh, fine! Number mo nalang heheh." tsaka nya kinuha yung phone nya at inabot sakin pero tinignan ko lang yun.

"Ayoko din!" inis na sabi ko.

"Sige na, sige, na, sige na, sige na." ano bang lahi nito at ang kulit?!

"Fine!! Oo na bibigay ko na!" tsaka ko kinuha yung phone nya at linagay na number ko.

"Thank you! Yehey!" psh ang babaw ng kaligayahan nya.

"May bayad yan, libre mo ako mamaya." tsaka ako umupo sa chair ko.

"Sureeeee!" psh ang babaw nga.


"Hoyyy Ivy!"

"God! wag ka ngang mang gulat kabutete!" ginulat ba naman ako!

"Bakit nag susure tong si Renz?" sabi nya at tinuro si chickenjoy na eww. todo ngiti.

"Talaga?! Wahhh!! libre mo rin ako Renz!" sabi nya pa kay CJ(Chikenjoy) at nag puppy eyes pa.

"Oo sige! heheh!" gehh oo ka ng oo di mo alam kung ano yang pinasok mo. "Mag bestfriend ba kayo nyan?" biglang sabi ni CJ at tinuro pa ako.

"Heheh, h-hindi? ewan?" alanganing sabi ni Kabutete.

"Ahhhh." tumatango na sabi naman ni CJ.

"Tayo pwede bang maging Friends?" sabi ni kabutete ka CJ

Tinitignan ko lang silang dalawang mag usap at my eyesss! Agad kong kinuha yung ampalaya sa bag ko at pinutol yun at binigay inabot sakanilang
dalawa. Nagtataka naman nila itong tinignan.

"Ampalaya, lagay nyo yan mamaya sa bibilhin mong pagkain para mabawasan yang ka sweetan sa katawan nyo." tsaka ulit ako umupo.

"Lagi kabang may dalang ampalaya?" nagtatakang tanong ni CJ.

"Yes, bakit bibili ka? Wag kang mag alala libre lang yan CJ." sabi ko nakita ko sa mukha nya yung pagtataka.

"CJ? Renzgie pangalan ko." natatawang sabi ni CJ.

"Eh CJ gusto ko eh." sabi ko.

"Ano bang meaning ng CJ ivy?" naunahan ni kabutete si CJ magtanong.

"CJ means Chicken Joy. Lagi kasi syang nakangiti at mukha ng manok." sabi ko ng deretso sa mukha nilang dalawa.

"Eh bakit kabutete naman tawag mo kay Joyce?" tanong naman nitong si CJ.

"Kabutete kasi laging sumusulpot kung nasan ako. Happy?" sabi ko.

"Ahhhh..." sabay na sabi nila.

"T-teka nga pala! Bakit ko ba kayo kinakausap hay!" sabi ko at nakita ko naman silang tumawa.



******

heyyy!!! follow me guyss!

follow me in IG: nylezirhk

The Bitter Girl (On - Going)Where stories live. Discover now