Chapter 11
Ivory's POV
"Oh My Vy!! What face is that?!" ayan lang naman ang bungad sa akin kanina ni Kabutete dahil sa mukha ko ngayon. Buti na nga lang at biglang dumating ang Prof. namin kaya hindi na sila naka pag tanong pa. Pero itong nasa tabi ko ngayon ay kanina pa patingin tingin sakin. Nakikita ko sa pheripal vision ko.
Ahh! Basta kanina ng pagkapasok ko dito sa room namin eh silang tatlo lang naman ang nakatingin sakin. Wala naman kasing pakelam ang iba kong classmates. Una kong hinanap kanina ay si tsonggo, ewan ko ba sa sarili ko at kapag ganito ang itsura ng mukha ko ay parang dapat akong magpaliwanag sakanya kung bakit or what.
Kahit si CJ eh hindi ko pinapansin kanina pa. At kanina pa din siya nangungulit sa pagtatanong sa akin. At ilang beses narin siyang nasita ng Prof namin. May pasulat sulat pa siyang nalalaman pero nahuhuli din siya ni prof dahil wala naman na dapat isulat.
Si Keith naman—sinasanay ko ng keith ang tawag ko sakanya dahil masyadong panget, kahit na panget siya. Ay kanina pa nakatingin sakin na nag aalala at ang weird nga eh, habang naglalakad ako papunta sa tabi niya ay sinusundan niya ako ng tingin. Weird, isn't it?
Lunch time. As expected, while we're eating for lunch, they have a lot of question. But, hindi ko sila sinagot sa mga tanong nila, kaya heto sila kabutete at CJ nagwawala. Hindi ko naman kasi obligadong ikwento ang bawat problema na dinadala ko sa buhay ngayon.
Si Keith naman ay hindi sumamang mag lunch dahil may kakausapin daw siyang importanteng tao daddy niya daw. Bigla ko tuloy naalala si Papa kung anong meron ang pamilya kung nasan siya ngayon, na wala kami. Ughh! Bakit ko pa nga ba iniisip yun?!
Hindi namin kailangan ng pera ni Papa, kaya mas mabuti nalang siguro na mag part time job ako para narin kapag may kailangan akong bilhin ay hindi ko na kailangang manghingi kay mama. Ang alam ko eh may pinapatayong Bakery shop si Mama pero hindi pa natatapos kasi may kulang pang gamit at hindi pa din nalalagay ang faucet, dahil hindi pa daw nakakabili ng tubo (kung ano yung iniisip niyo yun na yun. Basta color blue siya na mahaba na tubo. Ok?) Dahil nga din wala pa kaming pera, may ipon naman si Mama pero yun para pang Enroll ko sa famous school sa Manila. Sa totoo lang pangarap kong makapag aral doon pero kahit na mahal ang tuition fee doon eh dun pa din ako ieenroll ni Mama para daw gumanda ang future ko.
Sa totoo lang hindi ko naman pinilit si Mama na mag aral doon kasi alam ko naman ang kalagayan namin kapag nangyari yun. Which is lagi ko ng hindi makikita si Mama dahil mag a apartment ako dahil masyadong malayo dito sa Bataan. At sabi nila ay lagi ding traffic sa Manila kapag dumaan ka sa Edsa. Hindi rin naman magawang iwan ni Mama yung bahay pati na din yung pinapagawa ni Mama. Fourth year college na ako at 4 months nalang ay gagraduate na ako at hindi ko na din makikita ang mga pagmumukha nila CJ, kabutete and.....Keith.
My heart beats fast when i remember him. Nasa tapat ako ng bahay ngayon at kakatapos ng class kaya umuwi na din ako kahit na nagyayaya si Kabutete na mag Mall para daw stress reliever. Mas magiging stress sa akin ang pag Mall, lalo na ngayon at kailangan mag tipid.
Errr. Bakit taksil na yung puso ko ngayon? Hindi naman ganito ito nun ah.
Sino ka ba talaga keith sa buhay ko? Bakit lagi kitang naiisip? Bakit parang konektado ang puso natin? May.... Goshh! Erase. Erase. Erase! Ano ba itong naiisip ko. Wala! Wala akong gusto sakanya. Sadyang naiinis lang ako sa presensya niya. Ganun. Period.
Ngayon. Nandito ako sa labas ng gate ng school. Walang pasok ngayong hapon. Half day lang daw dahil may meeting daw ang mga teachers and staff. Kaya ngayon ko naisipan na maghanap ng part time job. Kahit waitress lang o taga bigay ng mga pliers. Kesa sa gastusin ko ang mga pera na binibigay ni Papa saamin pero hindi niya ako o kami ni mama na magawang alagaan o dalawin man lang kahit isang beses sa isang buwan noon.
I hate my dad being selfish. I hate him to ignore me. I hate him so much. Ughh! But i can't... I can't hurt him the way he hurted me. Yes, i hurted his feeling last day but..not this, not the way he hurted me.
Naglakad lakad ako para tignan ang mga labas ng mga bawat shops kung may nakalagay na 'Hiring a waitress' or so on.
Naglakad na yata ako ng ilang kilometro pero wala pa din akong mahanap na papasukang trabaho eh! Kaya heto ako ngayon nasa isang karendirya at nag order ng marami, pero hindi naman kasing dami ng inorder ni Kabutete noon noh. Gutom na gutom na talaga ako at ang tagal ng service nila dito. Huhuhu nagwawala na mga bulate ko sa tyan eh.
"Tagal naman ng inorder ko!" maktol ko, tubig lang ang nasa harap ko and worst paubos na. Baka busog na ako dahil dito sa tubig bago pa man dumating ang inorder ko. Bwisit naman oh!
"Can i seat in front of you?" Uh-oh. What the? Bakit nandito to? Malayo layo na din itong pinuntagan ko pero bakit nandito pa din ito? Malas na buhay naman oh!
"No." Matigas na sabi ko. At tinignan siya sa mga mata niya.
"But, wala ng space oh. Look." ako naman ito si uto uto, tumingin nga sa paligid kung may space pa.
"Meron kaya oh! Look ka din! Ayun! Yung babaeng lonely na maraming kolorete sa mukha." Turo ko doon sa babaeng mukha namang clown sa kapal ng make up.
"Mas gusto ko dito eh." Uhh, alam niyo yung ngiting nakakaasar? Siya ngayon yun eh! Grrrhh.
"Bakit ba? Hanggang dito ba naman guguluhin mo ako?! Just go there and don't staring me like that!" tsaka ko siya tinulak kahit na may dala siyang pagkain. As if naman na mahuhulog yan.
"Malay ko bang nandito ka. And okay fine! Just don't push me." bumalik na ako sa upuan ko kanina at tinignan siya kung susunod ba siya talaga sa sinabi ko.
At oo, sumunod nga. Pumunta siya sa tinuro ko kanina. Ito naman si ate gurl kilig na kilig dahil kumindat muna sakanya itong si Keith bago umupo. Wow. Easy to get si ateng. Heto namang si Keith ang landi! Jusko. Mabilis akong napaiwas ng tingin ng tumingin siya sa pwesto ko. Sakto namang paparating na yung binili ko. Napabuntong hininga nalang ako.
"Pasenya na Miss kung natagalan. Marami na kasing tao eh." Paghingi ng tawad ni Ateng tindera. Di ko alam name niya eh.
"Ok lang po Ate. Sige balik na po kayo. Tatawagin ko nalang po ulit kayo kapag may kailangan pa ako." Nakangiti kong sabi.
"Sige salamat." tumango nalang ako tsaka na nagsimulang kumain. Pero naiilang ako dahil nararamdam kong nakatingin sakin or pinagmamasdan niya bawat galaw ko, o masyado lang siguro akong assuming? Wew.
Errr. Naiilang na talaga ako. Sinubukan kong tignan kung nasan siya at hindi naman siya natingin kaya kumain nalang ako. Napatingin ulit ako sa pwesto niya ng marinig ko siyang tumawa pati narin ang kasama niya. Ano naman kaya ang pinagtatawanan nila? Tsss.
Pero bakit...bakit parang nanghinayang at nagseselos ako?
YOU ARE READING
The Bitter Girl (On - Going)
Novela JuvenilIsang babaeng ubod ng ganda, ubod ng sexy. . . . Ngunit.... . . . . Ubod ng kabiteran sa katawan. Bitter doon bitter dito. Paano kaya sya magkaka lovelife kung bitter sya? Lets see!! ******* October 27, 2018 at 1:59 pm