Bitter 10

3 0 0
                                    

Chapter 10

Ivory's  POV

2 days has passed. Wala namang ibang nangyari maliban nalang sa pangungulit ni CJ na kung anong pinag-usapan namin ni Tsonggo at kung bakit hindi na ako bumalik dahil daw mas masaya sana kung nandun ako sa party niya pag-uwi ng mga bisita nila.

Nandito ako sa supermarket para bumili ng pang breakfast food. Wala na kasing stock sa bahay kaya 'yan nautusan ako ni mama ng wala sa oras. And parang may something kanina kay mama eh, like na may kakaiba sa kinikilos niya these past few weeks. Simula yata nung bumalik siya dito nung sinabi niyang 2 days siyang mawawala.

Quarter to eight palang kasi eh pinaalis na niya ako sa bahay. Nih hindi pa nga ako nakakapag bihis ng maayos. Naka Panjama at long sleeve lang naman ako ngayon, e'to pa yung suot ko kagabi nung natulog ako. Nakapag toothbrush naman na ako at nakahilamos ng mukha pero nung pagkababa ko palang eh binigyan na kaagad ako ni mama ng pera at hindi pa ako kumain dahil sa para bang pinupush na niya akong umalis. Weird.

"Thank you Ma'am." magalang at nakangiting sabi ng babae sa cashier. Nag-smile lang ako tsaka ko na kinuha yung dalawang bag na medyo mabigat at magaan ng kon'ti.

"Ohh. Heyy, Ivy right?" what a small world.

"Yeah, And you are Rea?" may bitbit din siyang bag pero isa lang at mukhang junk foods ang laman.

"It's 8:00 in the morning, aga mo naman mag groceries?" nagtatakang sabi niya. Papalabas na kami ngayon dito sa Puregold, medyo malapit lang itong Puregold sa'amin kaya linakad ko nalang kanina for exercise.

Napangiwi ako. "Si mama kasi, nagmamadali na mag groceries ako ngayon." ewan ko ba, hindi naman kami close pero ahmm. Magaan siyang kausap, hindi naman siya bitch or rude kausap.

"Ohh weird...Anyway, breakfast muna tayo dun oh!" sabay turo dun sa cafe shop tapat ng Puregold na'to.

"Ayy, hindi na! For sure hinihintay na ako ni mama." baka kasi hindi pa siya makakain you know, para sabay kami.

"No I insist. Breakfast lang tayo saglit and done! Hatid narin kita sainyo." bakit itong si Rea ang bait? Eh yung mukhang Tsonggo na'yun ang sama ng ugali.

"Sheez...Fine, maybe 15-20 lang?" ok na siguro yun.

"Oo naman! Oh come on!" tumawid na siya sa kalsada. Wala namang masyadong dumadaan na sasakyan ngayon baka kasi na sa high way dumadaan ang mga taxi at jeep. Tumawid narin ako at pumasok na sa loob ng cafe. Nakita ko naman agad si Rea dahil kumakaway siya at konti lang naman ang tao sa loob.

"Treat ko ito, don't worry." bungad niya sakin pagka upo ko.

"No no, may money pa naman ako eh." nakakahiya kaya noh. Hindi naman kami ganun ka close, lilibre na niya agad ako?

"Ano ka ba Ivy! Ako yung nagyaya tapos hindi kita ititreat?" natatawang sabi niya. "At tsaka wag ka ngang mailang sa'kin."

"Fine." sukong sabi ko.

Nag order lang siya ng dalawang frappe na flavor ay milk chocolate and two slice of chocolate cake.

"So, since friends na tayo." ohh? "Kailan kayo nag kakilala ni Renz?"

"Ohh, nung second sem. Nag transfer siya eh, bakit nga ba nag transfer yun dun sa school na pinapasukan namin?" wala lang nagtataka lang ako.

"Hehe, gusto niya lang daw makahanap ng new friends and that's it! Nakahanap nga siya at ahh nakahanap siya ng matino and worst babae pa." tsaka siya sumubo ng cake. Paubos na rin yung cake ko dahil hindi naman ganun karami yung cake na inorder. Madalas din ako dito kapag walang pagkain sa bahay at kapag gusto ko ng chocolate pero hindi yung ganito na sweet. Lagi ko kasing binibili eh yung dark chocolate cake.

The Bitter Girl (On - Going)Where stories live. Discover now