CHAPTER 1: The Campus Celebrities

5.7K 174 4
                                    

A/N:

All Characters, Names, Places, etc are fictional. This story contains spg (sex, violence, psychological issues, etc.) in the long run. Read at your own risk. Not recommended for readers below 16 years old. Enjoy! :)

COMPLETED: JULY 18,2020; 3:55pm

------------------//--------------------

"Hayy"  I sighed at inilapag sa lamesa ang sandamakmak na reviewers para sa upcoming debate next week.

"Oy anjan ka na pala." ani ng ka clubmate ko na si lem.

"Andumi ng palda mo." sabi ni issa at itinuro yung likod ng palda ko.

I let out another sigh.

Sa lahat ba namang pwede maging dumi ba't bubblegum pa?

"Magpapalit nalang ako mamaya" sabi ko nalang sakanila.

"Nako pres, dapat mag file ka na ng complaint sa student affairs" suggest ni Lem.

I thought of it so many times. Pero the more kasi na pansinin mo yang mga bully na yan the more na mas nagpapapansin eh, kaya hinahayaan ko nalang. Tsss mukhang ako ata apple of the eye nila ngayong araw at may nalaman pang padikit ng bubblegum sa upuan ko eh ako naman to, isang tanga na nahulog sa napaka babaw at obvious na patibong.

Sensya na ah malabo kasi mata ko tsk.

"GO GOLD TIGERS! GO GOLD TIGERS! RAWR! RAWR!" Sigaw slash cheer ng mga babae sa gym. I rolled my eyes.

"Dapat mag change venue na tayo. Ang i-ingay ng mga babaeng nanonood sa gym, dinig na dinig mo hanggang dito e" reklamo ni issa. Siya nga pala ang closest friend ko dito. Palibhasa naman kasi yung office ng club namin e nasa may likod lang ng gym. Pati yung pa untol ng bola dinig na dinig namin dito.

"Oo nga e, may mga grade 11 nanaman kasi, kala mo first time makakita ng mga gwapo e." sabi ko.

"Magsasawa rin yan" sabi niya at sumang ayon sa sinabi ko.

"Bwisit sila yung rason kung bakit natalo tayo sa preliminaries nung nakaraan."

Yung varsity players kasi dito samin di lang sikat sa school kundi sa buong Pilipinas. Napapanood kasi sila sa TV kapag may mga tune ups sila with other schools and famous groups ng basketball teams dito sa Pilipinas at ibang bansa. What makes our varsity team unique is that hindi lang sila magaling, may itsura at matatalino rin silang lahat dahil requirement yon para makapasok ka sa team. Kaloka noh? Para na silang mga artista kumbaga kaya hindi rin maitatangi kung gaano karami ang mga issues nila dito sa school tultal celebrities sila e. Call them blessed pero kung halos araw araw mo silang na eencounter dahil nasa may likod lang ng gym ang club niyo e masasabi mo talagang tila'y isinangla nila ang mga kaluluwa nila sa demonyo dahil sa sasama ng ugali nila. Hindi lahat, pero karamihan.

"Sige bukas, mag rerequest na ako ng pag transfer natin ng office." sabi ko kay Issa habang isinusuot yung sling bag ko. Alas nuebe na kasi ng gabi kaya kailangan na namin umalis ng club kundi huhulihin kami ng guard at irereport sa disciplinary office.

Naghiwalay na kami ni issa. Patungo siya ng main gate at ako naman sa parking lot para kunin yung bike ko nang makarining ako ng malalakas na halakhak.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA" tawa ng  grupo ng mga lalaki. Ramdam mo yung vibration ng mga boses nila sa dingding dahil nag eecho yung boses nila.

"Oo nga buti nalang binangga mo yun e ang yabang"

"Kita mo yung chix don sa may court side? yung naka pink"

"Ay Oo pre."

Dumiretso nalang ako sa hallway ng di lumilingon sa makakasalubong kong grupo ng mga pasikat na varsity players dito sa school namin. It seems na nanalo nanaman sila dahil ang iingay nila at ansasaya nila. Di ko naman sinasabing pasikat ang mga varsity players in general. I mean, dito kasi sa school namin talagang pasikat silang lahat tapos alam mo yon ang yayabang kala mo kung sino. Palibhasa naman kasi, halos lahat ng babae dito sa school eh naaaya nila sa kama at sanay na sanay sila na maging centro ng attensyon.

"Nakikita ko yun lagi sa court side"

"Ako rin! maaya nga"

"HAHAHAHA"

"Cia." tawag ng isang lalaki.

Pag lingon ko, nakita ko si Shin na nakatingin sa akin. Yes! Shin of Gold Tigers! Lumingon muna ako sa likod kasi baka ibang Cia naman yung tinatawag niya pero hindi nga ako nagkakamali. Ako nga! Eff?! Ano kayang pakay niya? Tsaka, I'm a nerd gusto niya bang mag mukhang uncool?

"WOAAAAAAAAAAH Bumababa na ba standards mo ngayon captain?" biro nung isang basketball player, i think his name is ponch.

"Eh ikaw lumaki na ba? Balita ko kasi maliit eh." sabi ko at tinarayan siya. Nagulat naman ang mga ka grupo niya. Halos lahat sila ay napa pormang "Ow" ang mga bibig.Naku makipag away ka na lahat, wag lang sa debater lalo na sa publiko kung ayaw mapahiya e.

Hindi na si Ponch naka pag salita.  Namula nalang yung mukha niya sa hiya at sa galit.

"Tumigil nga kayo mauna na kayo." inis na sabi ni Shin sa mga ka grupo niya.  Along with their not-so-good side comments, Thank God, at nauna naman na din sila.

"Pahiram ako ng notes sa calculus." sabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ano?" tanong niya.

"Sa monday na ang finals, kung hihiramin mo to pano ako makakareview?" tanong ko.

"Friday pa lang naman bukas." sabi niya. Mukhang desperado siya, siguro dahil mataas din yung grades na minemantain nila as varsity players.

"Nasa locker ko eh." Sabi ko.

"Please?" sabi niya at nag sad face.

"Kunin ko lang" sabi ko. Ugh this is stupid Cia. Ayan ka nanaman sa bait baitan mo.

"Sige hintayin kita sa parking lot, andun naka park bike mo diba?" sabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay bago tumango. Pano niya nalaman na naka bike ako? Anyway, kinuha ko nalang yung notebook sa locker ko.

Wala pa ang limang minuto, naka punta na ako sa parking lot at hingal na binigay sakanya yung notebook.

"Ba't ka tumakbo? Di ko naman sinabing mag madali ka" curious na tanong niya.

"Wala andilim na kasi sa lockers e."

"Ba't takot ka ba sa mul-"

"Ano ba paki alam mo? Basta ibalik mo yan bukas ha." sabi ko.

"Sorry." mahinang sabi niya at laking gulat ko nang bigla niya nalang akong hinalikan sa labi.

Everything froze at that very moment because it was none other than my FIRST KISS!

Nang maka recover na ako sa biglaang nangyari ay inilayo ko ang mukha ko sa kanya. Ang init ng mukha ko, I'm not sure kung dahil sa galit, pagka shock o ano basta isa lang ang alam ko.This asshole stole my first kiss!

"BASTOS KA!!!!" galit na sabi ko at SINIPA siya sa manhood, bago umalis.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

LEAVE YOUR COMMENTS!

Love, MissKikayKit

The Campus Celebrity and the Nerdy MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon