Dahan dahan kong ibinukas ang mga mata ko habang dahan dahan ko rin naramdaman ang sakit ng ulo ko.
Pinagmasdan ko ang paligid. Isang pamilyar na kwarto ang bumungad sa akin kaya hindi naman ako nagulat.
Ahhh.. Kwarto ni Jake. Nalasing ba ko kagabi?
Tumayo ako at tumingin sa salamin. Inayos ko yung mukha at buhok ko pag katapos ay yung damit ko.
Ba't kaya ampula ng noo ko?
"Ahhhh!" sabi ko at pinakiramdaman yung sakit.
"Aray, anong nangyari dito bakit may ganito ako?" tanong ko sa sarili ko.
Maya maya, biglang bumukas yung pinto. Bumungad ang shirtless at inis na si Jake na mayroong hawak na yelo sa noo niya.
"Anong nangyari sayo?" tanong ko sakanya habang hawak hawak ang noo ko.
"Katangahan mo kagabi e, pinag bangga mo yung noo natin ng malakas. Wag ka na iinom next time. Hayyy nakakainis bumawas tuloy yung ka gwapuhan ko may i memeet pa naman ako ngayon na chix." inis na sabi niya at iniabot ang yelo sa akin.
Kinuha ko ito at inilapat ito sa noo ko.
"I memeet? Di ba exam week na sa monday ano ba pinag gagawa mo?" tanong ko sakanya.
"Tingin mo ganon ako ka bobo? Nag advance study na ako." sabi niya at binuksan yung aparador niya. Pumili siya ng polo shirt at isinuot ito.
"Ayan, ni ready ko na yung sneakers at damit mo. Sabihin mo nalang kay tita na nag jogging ka. " sabi niya.
~
"Good morning Cia." bati ni tita Ningning, ang nanay ni Jake.
"Good morning po tita." bati ko. Minasdan ko ang sala at nakita si Zoey. Ngumiti siya sa akin at patuloy na nanood ng alice in wonder land.
"Kain ka na." aya ni tita.
"Salamat poooooooo!" sabi ko at naupo na sa tapat ng lamesa.
Maya maya, dumating na rin si Jake. Naka kulay puting polo shirt siya at black na pantalon.
"Ano bang meron sa puting polo shirt, uniform ba yan ng varsity team?" tanong ko kay Jake.
"Hindi naman, mas hot kasi tingnan kapag naka white polo shirt e." sabi niya at naupo sa tabi ko.
"Ew." sabi ko at nag kunyaring nasusuka.
"Anak, kaylan mo naman liligawan tong si Cia?" tanong ni tita Ningning out of no where
"Yuck ma, ano ka ba? Kaibigan ko yan." sabi ni Jake.
"Oo nga yuck" sabi ko at patuloy na kumain.
"Ehhh yung mga pinagdadala mo kasing mga babae dito Jake e mukhang di mo naman sineseryoso." sabi ni Tita Ningning.
"Ma naman ang aga aga."
~
Mabilis na dumating ang Lunes. Exam week na kaya ramdam ang tension sa school lalo na sa mga graduating students.
"Ready ka na ba?" tanong ni Issa.
"Oo nag aral ako nung week end pero kinakabahan parin ako." sabi ko sakanya.
"Kamusta pala yung request sa pag transfer ng office?" tanong niya.
"Ahhh mamaya ko lalakarin. O siya, mauna na ako may exam pa ako sa calculus e" sabi ko sakanya.
Nang makarating ako sa classroom, nadatnan ko ang mga kaklase kong busy mag review sa kanya kanya nilang mga notes kaya nang makaupo ako, agad ko rin namang binuksan ang notes ko para mag review. Makalipas ang sampung minuto, dumating na si ma'am at sinabihan kami na itago na ang mga hindi kailangan para sa exams.
"Cia." tawag ng seatmate ko na si Baldo. Nagulat nalang ako bigla nang hawakan niya ko tapos nag sign of the cross. WTF?! ano ako santo?!
"Ako rin para makapasa." sabi rin nung isa, Dwayne ata name nun at ginaya ang ginawa ni Baldo.
"Huy gago ako rin!" sabi nung isa pa, hanggang sa hindi ko na mabilang pa yung mga lumalapit sa akin dahil nag kukumpulan na sila.
"CLASS! Ba't kayo nagkaka gulo dyan?!" Inis na sabi ni Ma'am.
"Ma'am para mapasa yung knowledge ni Nerd sa ulo namin." ani Dwayne.
"Kung babagsak kayo, babagsak talaga kayo. Mga kalokohan niyo. Behave! Kung ayaw niyo ma zero sa exam." Mabuti at sumunod naman sila.
Inis akong tumingin sa likod at nakitang hinahawakan nila yung kamay ni Baldo. What the heck are they thinking?! Napatingin sa akin si Baldo dahil siguro kanina pa nakakunot ang noo ko sa ginagawa ng mga baliw na ito.
"Nerd." he mouted. I just rolled my eyes.
Dinistribute na ni maam ang papel at binigyan kami ng 1 hour para matapos ang test. Seryosong sinagutan ko ito at mukhang nakukuha ko naman ang karamihan sa mga tanong. Matapos ang 50 minutes, tumayo na ako at binigay kay ma'am ang test paper. Kasunod ko namang matapos si Shin kaya halos sabay lang kami na lumabas ng room.
"Thank you sa notes mo ha, nakuha ko yung exams" sabi niya.
"Sige no problem." sabi ko at naglakad lang ng dirediretso. Masama pa loob ko sakanya dahil sa pag nakaw niya ng first kiss ko. Tsk.
Nagulat naman ako nang bigla niya akong sinunod.
"Nga pala, sorry nung last week. Lasing ako non e." sabi niya. I raised an eyebrow.
"Seryoso? Nag laro ka sa court ng lasing?" gulat na tanong ko sakanya. Dinivert ko nalang yung usapan dahil ayoko na maalala pa ulit yung kiss na yon. Ugh... Akala ko pa naman mabibigay ko yon sa prince charming ko.
"Hindi naman ako pinapasok ng coach ko kasi masakit yung likod ko. Naghintay rin nga pala kayo ni Jake sa akin nung friday diba? Sorry din don nagpa massage kasi ako. Next time pag nasa bedroom ako, pwede naman kayo kumatok." sabi niya. Tiningnan ko lang siya.
"Ayoko baka may makita pa akong bagay na dapat di ko makita e." sabi ko sakanya.
"Tulad ng ano? Hahaha andumi ng utak mo hindi halata sa itsura mo e." sabi niya at ginulo yung buhok ko. Inayos ko ito at tiningnan siya ng masama.
"Gusto ko mag thank you sa notes na pinahiram mo saakin at mag sorry sa nagawa ko. Pwede ba kitang ayain na lumabas sa thursday after exams?"
BINABASA MO ANG
The Campus Celebrity and the Nerdy Me
RomanceHighest Rank: #1 in Taglishlovestory/#1 in FilipinoTeenFiction/#1 in Filipino Romance Being a nerd is harder than you think. Kala niyo, hindi lang kami pinapansin noh? Kasi parang Ew naman boring. Pero well, the reality is, love na love kaming pansi...