Bata palang ako, hindi na ako tulad ng ibang mga bata. Madalas ako madapa, mauntog, o dinaman kaya'y madulas sapagkat hindi ko masyado nakikita ang paligid ko.
Nerd. Yang ang tawag nila sakin. Not just because of my physical appearance but because of my loser actions and love for academics combined.
"Nak, yung meds mo." Sabi ni mama.
Kung hindi niyo nga pala alam, may iniinom akong meds for psychological health. Hindi naman ito for depression at lalong hindi naman ako baliw or something. Hindi ko alam. Basta hindi sakin sinasabi nila mama kung para saan dahil baka raw ma trigger ako. Basta ang alam ko lang, need ko inomin yun. Nagkaroon kasi ako ng memory loss sa isang particular year last yr ata o last last yr ata at feeling ko, may kinalaman dun ang pambubully saken. Wala talaga ako maalala sa year na yon' as in.
"Thanks,Ma" sabi ko nalang at dumiretso na sa labas.
Nang makarating ako sa school, syempre napag desisyonan ko muna magpa CR para mag ayos ng konti (kahit wala naman need ayusin ugh) eh kasi nga na bike ako papunta sa school diba.
"Oh look who's here." sabi ni Zachary. Hinugasan niya ang kamay niya at tumingin sa salamin.
"Diba, I warned you to stay away from Jake?" Mataray na banta niya.
"Hindi naman ako ang lumalapit sa kanya" sabi ko nalang sakanya at nag hugas ng kamay sa sink. I can feel her laser eyes pointed at me. Maya maya, nagulat nalang ako nang bigla niya kong hinila paharap sakanya.
"Bitch, I do not know kung ano ginawa mo. Jake seems to be avoiding me at alam kong kasalanan mo yun!" Pag akusa niya.
"Wala akong ginawa. Tsaka diba dapat nag sosorry ka muna dahil kinulong moko sa balcony nung I.N.T.?" Sabi ko.
"As if."
"Kung wala ka ng sasabihin, aalis na k-"
slap!
at dun na natapos ang sentence ko bago ko pa maramdaman ang slo-mo na pag bagsak ng eye glass ko sa sahig.
"This is just my first warning. Gusto mo malaman kung ano ang second? Eto" sabi niya at pinakita sakin ang picture. Medyo nahirapan ako tingnan yun pero di nag tagal, nakita ko yung picture namin ni Shin na nag hahalikan sa kwarto niya. Nanlaki ang mga mata ko.
"Ang sama ng ugali mo, akin na yan!" Sabi ko at pilit na kinuha yung phone niya. Bigla niya akong tinulak ng malakas kaya nauntog ako sa kanto ng sink.
"Aray!"
"It's your fault. Let's go girls." Sabi niya. May mga back up pala siyang naka tago.
Pinulot ko ang salamin ko. Gusto ko siya patulan pero pinangunahan ako ng malabong paningin ko. Tsaka as if naman kaya ko yun. Bago pa completely na mag blur ang paningin ko, buti napulot at naisuot ko na kaagad ang glasses ko kaya luminaw na muli ang paningin ko. Yun nga lang, may crack na kaunti.
Pumunta ako sa classroom. Napaka sakit ng pag sampal ni Zachary dagdagan mo pa na nauntog ako sa kanto ng sink kanina. Para akong isang bola ng volleyball na ini-smash. Naupo ako at perfect! Calculus class pa kaya katabi ko ang kapatid niyang si Shin.
Ngumiti siya, playfully.
"Hi Cinammon!" sabi niya.
Hindi ko siya pinansin.
"Bakit namumula yang tenga mo?" tanong niya.
Hindi ko siya pinansin.
All I could feel was the throbbing pain. Hinawakan ko ang tainga ko at naramdaman ko na basa ito.
Dugo.
"Okay ka lang?!" nag aalalang tanong ni Shin.
Tiningnan ko siya, hindi ako sumagot.
Suddenly, bigla ako nakaramdam ng sobrang takot at panic. Nanginginig ako. Pero hindi ko alam kung ano ang rason. Hindi naman ako takot sa dugo, parang sobrang familiar lang ng nangyare. Parang isang, traumatic experience.
"Okay ka lang?" Tanong ni Shin. Tumayo siya at pumunta sa prof namin sa calculus at nakipag usap. Hindi na nag reregister sa akin kung ano ang mga nangyayari. Basta ang alam ko lang, natatakot ako.
"Halika na." sabi niya at pinilit ako tumayo. Matapos non, bumalik na ako sa realidad at nakita kong muli ang dugo sa kamay ko.
"Ba't ba dumudugo yung tainga mo? May nanakit ba sayo?" tanong ni Shin habang nag lalakad kami pa infirmary. Hindi ko siya sinagot, hahayaan ko nalang siya na ma figure out na ang kapatid niya ang may kagagawan nito.
Papasok na kami ng infirmary nang bigla namin makasalubong si Jake.
"Anong nangyari?!" nag aalalang tanong ni jake.
"Hindi siya nag sasalita." sabi ni Shin.
Nilapitan ako ng nurse. Inexamine niya ang tainga ko.
"Sino nanakit sayo?" tanong ni Jake.
"Wala...nadulas lang ako." sabi ko.
BINABASA MO ANG
The Campus Celebrity and the Nerdy Me
RomansaHighest Rank: #1 in Taglishlovestory/#1 in FilipinoTeenFiction/#1 in Filipino Romance Being a nerd is harder than you think. Kala niyo, hindi lang kami pinapansin noh? Kasi parang Ew naman boring. Pero well, the reality is, love na love kaming pansi...