JAKE'S P.O.V.
"Anong problema pre?" Tanong ni Shin.
Kanina pa talaga kumukuko ang dugo ko sakanya dahil sa ginawa niya kay Cia. Alam niya namang napaka inosente nung babaeng yun ginapang niya pa. TSK.
Maya maya hindi ko na natiis yung galit ko. Para bang hindi ko na alam kung ano ang nangyayare sa mundo basta gusto ko lang siya saktan. Kaya sa isang iglap, nasuntok ko na siya sa mukha.
"Put*ngina?!" Gulat na sabi niya.
"Bakit mo ginawa yun kay Cia?!" Galit na tanong na ko sakanya.
"What the fuck pre?!" Di makapaniwalang sabi niya.
"Alam mo namang inosente yung babaeng yun tapos ginagalawan mo. Maghanap ka nalang ng ibang pag ttripan mo." Sabi ko.
"Bakit kung umasta ka ganyan? Girlfriend mo ba siya?" Tanong niya. Hindi ako nakasagot.
Oo nga noh? Ba't ba sobrang galit ako? Diba dapat hayaan ko lang siya sa mga ganung bagay? Pero bakit nakaka irita pag naiisip ko na may ibang hahawak sakanya?
"Hindi diba? Kaya wala kang karapatan"
Dugtong ko."Narinig ko ang usapan niyo ni Zachary nung pumunta ako sa bahay niyo. Kaya kung ako sayo, itigil niyo na yan dahil wala naman ginagawa sainyo yung tao." sabi ko.
"Nung una joke time lang, pero ngayon seryosong may gusto na ko sakanya. Kaya ikaw nalang kaya umiwas?" Inis na sabi niya at binangga ako bago umalis.
~
"Sabi sa source ko, si Zachary raw ang may gawa. May back-up raw na kasama at sinadya talagang abangan sa C.R." Sabi ni Cess. Tumango naman ako at nainis. Nababaliw na ata si Zachary.
"1st warning palang yon Jake. Dahil ang second... May picture si Zachary na naghahalikan si Cia at si Shin, Ikakalat niya raw yun kapag hindi umiwas sayo si Cia." Sabi niya.
~
Sumunod na araw, pumunta ako sa bahay nila Zachary para makipag usap.
Pagkabukas ng gate, sinalubong kaagad ako ng katulong nila.
"Hijo, pasok. Sabi ni Madam Zachary pumunta ka nalang raw sa kwarto niya." Sabi nito. Pinasalamatan ko siya at tumungo sa second floor ng bahay nila kung nasaan ang kwarto niya.
"Hi Jake. Ang saya ko andito ka. Na miss mo ba ko?" Nakangiting sabi niya. Nakasuot siya ng manipis na damit at alam kong sinadya niya ito para mang akit.
"Alam kong ikaw ang nanakit kay Cia." Diretsong sabi ko.
"I don't know what you are talking about." Pa inosenteng sabi niya.
"Subukan mo lang ikalat yon Zach, hindi ako mag dadalawang isip na i report ka sa pulis." Banta ko sakanya.
"What the hell?! Ano ba kasi meron dun sa babaeng yun Jake ha?! She keeps on getting between us!" Galit na sabi niya. Hindi na ko nag salita.
"Anyway, report me to the police, go ahead. Pag kinalat ko to, masisira siya, magiging katatawanan siya. Ok the otherhand, I have millions in my bank and family lawyers to get away with my case." Mataray na sabi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/166003599-288-k967309.jpg)
BINABASA MO ANG
The Campus Celebrity and the Nerdy Me
Storie d'amoreHighest Rank: #1 in Taglishlovestory/#1 in FilipinoTeenFiction/#1 in Filipino Romance Being a nerd is harder than you think. Kala niyo, hindi lang kami pinapansin noh? Kasi parang Ew naman boring. Pero well, the reality is, love na love kaming pansi...