Malamig ang simoy ng hangin. It feels like December. Nasa top floor kami ng isang napaka taas na building kung saan tanaw na tanaw namin ang city lights. Sobrang ganda at romantic.
"I love you." mahinang sabi ng lalaking katabi ko. I felt my cheeks burn. I couldn't say the words I love you too dahil parang lalabas na ang puso sa bibig ko sa lakas at bilis ba naman ng tibok nito.
"Hahahaha, okay lang yan." sabi niya at ginulo ang buhok ko.
"Tara." aya niya.
"Thank you." sabi ko sa kanya.
He smiled and held my hand. Inalalayan niya akong tumayo at bago ko pa mabalanse and sarili, naikulong niya na ako sa isang mahigpit na yakap. Napapikit ako. I felt really secured in his arms and his warmth felt like something that i want to feel over and over and over again.
Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko. Maliwanag na ang sikat ng araw.
Panaginip lang pala.
Tila'y napasarap ata ang tulog ko. Hmmmm sign na kaya yon ni Lord na malapit na ko magkaroon ng boyfriend for the first time? Omg. HAHAHA pero anyway gusto ko nalang matulog ulit, gusto ko pa makasama yung lalaking yon pero next time gusto ko mag kiss na kami. Chos.
Sinubukan kong matulog muli, hoping to have the same dream ngunit naramdaman ko na may taong naka tingin sakin. Hindi ko siya ma mukhaan sapagkat malabo pa ang paningin ko dahil siguro sa muta pero pake ko.
"Huy gising na andito na tayo." ani ng pigura tapos pinitik yung noo ko kaya naman bigla akong nabuhayan.
"Aray ko problema mo ha, ansarap pang matulog e panira bwisit." sabi ko at inalis yung kamay ni Jake sa mukha ko.
"Mukha kang tanga eh." aniya at tumawa bago umalis kasama si Zachary na you know masama ang tingin sakin. Ugh nakaka asar so ano yun? Nanira lang talaga siya ng umaga tsk.
Nanghihina pa ko kasi kakagising ko lang. Pakiramdam ko sarap ulit matulog dahil sobrang comfortable ako sa sinasandalan ko ngayon. Pakiramdam ko nananaginip ulit ako kasi ramdam ko ulit yung warmth ni prince charming. eheee pero wait, gising na ko diba?! kanino ako nakasandal-
"Oh my God I-I'm so sorry." sabi ko at inayos ang pagkaka upo nang marealize ko na naka higa pala ang ulo ko sa balikat ni Shin.
"Hahahaha di okay lang, napasarap pala tulog mo eh noh?" pang aasar niya. Tinarayan ko siya kaya mas natawa siya lalo.
"May muta ka pa." sabi niya. Uminit yung mukha ko sa hiya at dali dali akong kumuha ng wet wipes para alisin ito. Matapos kong maalis ang mga bwisit na muta, natawa ako bigla nang makita ang gilid ng mga mata niya.
"Coming from you." sabi ko sakanya.
"Ha?" naguguluhang tanong niya.
"Alisin mo muta mo." sabi ko sakanya at binigyan siya ng wet wipes.
~
"Good morning contestants! Punta na kayo sa lobby to have your breakfast. Like what the president said last friday, today is your rest day. You may do what you want, you can go outside of the hotel as long as you will inform us and of course your parents." sabi ng isang coach. Tumango naman ang mga estudyante. Halatang pagod na pagod sila sa byahe at antok pa.
Maya maya, kinuha na namin ni Shin ang maleta namin sa baggage storage. Nakarinig ako ng mga di kaaya ayang bulungan sa likod ko.
"Bakit magkasama si Shin at yang nerd na yan?"
"Oo nga noh, may chismis na kumakalat na may ka date raw si Shin nung Thursday sa isang cafe. Siya na ba yun? So disappointing."
"I think so, kasi sabi nila Mukhang Nerd daw e. Galit na galit ngayon ang fans club ni Shin."
BINABASA MO ANG
The Campus Celebrity and the Nerdy Me
RomanceHighest Rank: #1 in Taglishlovestory/#1 in FilipinoTeenFiction/#1 in Filipino Romance Being a nerd is harder than you think. Kala niyo, hindi lang kami pinapansin noh? Kasi parang Ew naman boring. Pero well, the reality is, love na love kaming pansi...