Chapter 31: Back

780 20 7
                                    

Cia's P.O.V.

Selective amnesia.

Kaya pala wala akong maalala nung nakaraang taon dahil nagkaroon ako ng selective amnesia dahilan ng pinaghalong depression, emotional and physical bullying. Hindi raw kinaya ng systema ko kaya nagkaroon ng breakdown.

Ginawa nila mama ang best nila para itago sakin iyon dahil baka raw bumalik ako sa dati na parang bato. Tulala at di nag sasalita.

Pero hindi ako makapaniwala na yung rason kung bakit ako nagkaganun ay nasa tabi ko lang pala. Minsan nasa kwarto ko pa. Best friend ko pa. Tsk.

"Ma, wag mo ng patutuluyin si Jake sa bahay." Sabi ko.

~

1 week later.

Pumasok ako sa banyo at nag ayos ng sarili. Hindi ko ba alam kung bakit punong puno ng galit ang isip ko.

"Buhay ka pa pala." Sabi ng isang boses. Pag lingon ko, nakita ko si Zachary.

"Ba't wala ka sa kulungan?" Sarkastikong sabi ko sakanya.

"I'm filthy rich. Never ako napupunta don." Nakangiting sabi niya.

"Wala akong paki alam." Sabi ko sakanya at aalis na sana nang bigla niyang hawakan ang braso ko.

"This is my last warning. Layuan mo si-" di niya na natapos ang sasabihin niya dahil agad na lumipad sa ere ang palad ko patungo sa mukha niya.

Nagulat rin ako sa sarili ko. Pero gumaan ang pakiramdam ko matapos kong gawin iyon.

Naglakad na ko papunta sa labas. Naiwan siya doon na nakatulala. Hindi rin ata makapaniwala sa nangyare.

Sakto namang nakasalubong ko si Jake. Hindi ko siya pinansin. Nilampasan ko lang siya.

~

Magbibike na sana ako papunta sa part time job ko nang bigla ako pigilan ng isang pwersa.

"Cia." Sabi niya. Tiningnan ko lang siya.

"Ba't ba hindi mo ko pinapansin? Di mo ba ko naaalala?" Nagaalalang tanong niya. Nakatingin lang siya sakin na para bang nag hihintay ng sagot.

"Naaalala kita." Sabi ko sakanya.

"bakit hindi ka namamansin?" Tanong niya. Magbibike na sana ako para iwan siya pero pinigilan niya ulit ako.

"Naaalala ko na lahat. Marami pa kong katanungan sa isipan ko pero ang alam ko lang... Di ko alam kung san ka kumukuha ng kapal ng mukha. Naging bestfriend pa kita. Tapos ikaw lang naman pala ang rason kung bakit nangyari sakin lahat iyon...kung may kaunting konsensya ka, layuan mo na ako. Baka kung ano pa ang susunod na mangyare sakin. I've had enough, Jake," walang emosyon na sabi ko sakanya bago ko pina andar ang bike. Sa pagkakataong ito, hindi ko na siya pinigilan pa.

~

"Ma, ano nga pala balita duon sa mga nambubully saakin dati?" Tanong ko kay mama. Nagulat ata siya sa tanong ko. Nag aalangan kung sasagutin niya ba o hindi.

"Yung si Antoinette nabuntis ng maaga. Yung iba hindi ko alam pero yung isa raw doon na involve sa drugs kaya nasa kulungan. Balita ko nag aadik yung magkakaibigan na nambully sayo kaya pinaghahanap na rin yung iba."

"Ganun ba..."

"Minsan hahayaan mo nalang talaga ang karma, anak. Kaya wag ka gagawa ng masama sa kapwa mo." Sabi niya.

"Bakit si Jake okay pa siya ngayon? Di ko maintindihan kung bakit yung lalaking may dahilan kung bakit nangyare sakin lahat ng to, pinapatuloy mo pa sa bahay natin."



The Campus Celebrity and the Nerdy MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon