Chapter 6: Cafe

1.7K 29 0
                                    

"Yung request, well di pumayag si ma'am for now dahil wala pa talagang ibang available na office. Iiinform nalang daw nila tayo kapag may bakante na."

Thursday na at sa sabado na ang alis namin patungo sa Bicol para sa next debate tournament namin, and this one is BIG.

"Take a rest tomorrow. Pack your things, make sure na dala niyo ang mga reviewers niyo and make sure rin, na hindi kayo malalate on saturday." sabi ko bago idinismiss ang debate club.

Maya maya, may kumatok sa pintuan ng office namin. Napalingon ang mga ka club ko sa di kalayuan. Mukhang nagtataka sila kung bakit may Varsity player na napadpad dito sa debate club.

"Tara." aya ni Shin. Tumango ako at inilagay ang mga reviewers ko sa bag bago ako sumunod sakanya sa labas.

"San tayo pupunta? Tsaka sigurado ka ba? Baka isipin nila ang uncool mo kasi sumasama ka sa nerd." nagaalalang sabi ko sakanya.

"Di ba dapat mas concern ka sa sarili mo kasi sumasama ka sa isang fuck boy?" tanong niya. Tumigil ako sa paglakad. Nag hesitate ako sumama sakanya. Pero bago pa ko nakapag desisyon na tuluyan na sumama sakanya, binigyan niya ako ng assurance.

"Mga chismis lang yon. Di naman yon totoo." sabi niya. Huminga ako ng malalim at sinunod ang mga yapak niya.

Nang makarating kami sa main building ng campus, maraming mga mata ang tumusok sa likod ko. Yung iba, parang hindi makapaniwala. Yung iba naman, wala lang paki alam.

Tumungo kami sa parking lot at nakasalubong si Jake. Nag appear sila ni Shin at nang malampasan namin siya, kumaway ako sakanya at binigyan niya ako ng weird na tingin na para bang nagsasabi "Anong pinag gagawa mo?!"

Iniabot saakin ni Shin ang helmet at inaya niya akong sumakay nang napaandar niya na yung motor.

"Kasali rin kayo sa I.N.T. (Interschool's National Tournament) next week diba?" tanong ko kay Shin.

"Oo. Diba kayo rin? Tsaka yung volleyball team."

"Oo."

"Pano mo pala nalaman na debate club ako?" tanong ko.

"Lagi kita nakikita e kasi nasa likod lang ng gym ang office niyo. Mukhang kabisado ko na nga rin lahat ng members niyo dahil halos araw araw namin kayo nakikita." sabi niya.

"Ay ganon ba? Akala ko hindi niyo naman mapapansin yung mga gaya saming club kasi masyado kayong busy sa basketball tsaka sikat kayo sa buong Pilipinas." sabi ko.

"Tao parin naman kami." sabi niya at nagpatuloy lang sa pag drive.

"Bakit ka pala sumama sakin? Usually kasi hindi sumasama sakin yung mga inaaya kong lumabas kasi baka raw isipin ng iba fame-digger sila o di naman kaya kaya mga varsity whores." tanong niya.

"Uhhh ewan ko, siguro kasi bored ako tsaka hindi na rin naman kayo big deal sakin kasi best friend ko si Jake at araw araw ko naman siya nakakasama at mabait siya hindi naman siya nagloloko hmmmmm siguro yung wrong lang sakanya is marami siyang chix and hindi niya naman sineseryoso. Actually, nag cross na rin sa isip ko na baka yun yung isipin ng mga tao kaso lang na realize ko na napaka immature naman kung magpapadala ako sa mindset nila." sabi ko.

"Ha? Seryoso babae ang bestfriend ni Jake? Hahaha iba. Balita ko magkakilala na kayo since elementary?" 

"Ahhh Oo, sobrang close kami. Hahaha.Halos nga everyday yun nasa bahay namin e." sabi ko sakanya.

"Ayyy talaga ba? Kaya pala bihira siya mapunta sa ANC, sayang ng prestige card niya." 

Bumaba kami sa tapat ng isang cafe. Punong puno ito ng mga halaman at bulaklak. Pumasok kami at nag order ng dalawang Coffee latte, isang platter ng spaghetti, at slice ng cake.

"Ba't ka nga pala lasing nun?" tanong ko sakanya.

"Hmmm... wala lang, ginagawa ko naman yun usually pag trip ko lang." sabi niya.

"Ahhhh ganun ba." 

"Ehhh ikaw ba? Bakit ka nalasing last time?" tanong niya.

"Wala, na curious lang ako dun sa drink. Masarap siya e. Pero pag gising ko ansakit ng ulo ko." sabi ko sakanya. 

"Pano ka nakauwi?" tanong niya

"ahhh di ako nakauwi, Nakatulog ako kela Jake" Sabi ko.

"Sorry, personal question to pero may nangyari na ba sainyo? Unusual kasi ang ganon na closeness saming mga varsity. Para sa amin kasi pag ganon mo ka close either girlfriend mo or fuck buddy."

"Hala wala, kahit maghubad pa kami sa harap ng isa't isa sigurado akong wala. Besides, chix ang trip non."sabi ko sabay halakhak.

Hindi siya nag react.

"Bakit?" naguguluhang tanong ko.

"Now that I have a closer view of you, maganda ka naman." sabi niya.

I suddenly felt my cheeks burn kaya inilayo ko nalang ang tingin ko sa kanya.

Hinatid ako ni Shin sa tapat ng bahay namin bago mag 9pm. Nag thank you kami sa bawa't isa at bago siya umalis, kinuha niya ang number ko. Ewan ko ba basta feeling ko napaka energetic ko. Parang gusto kong tumalon talon. I'm certain na wala naman akong nararamdaman sakanya pero sino ba naman ang hindi matutuwa pag ganon? Ansaya niya kaya kausap and guess what? Friends na kami!

Pag akyat ko ng kwarto, nadatnan ko si Jake na nilalaro ang psp ko. Nawala ang ngiti sa mukha ko nang nakita ko ring kinakain niya yung pringles ko.

"Bwisit! Alam mo namang paborito ko to eh ba't mo kinain?! Tsaka hoy umuwi ka na nga, anong oras na kung makatambay ka naman dito, bahay mo? bahay mo?" inis na sabi ko at padabog na tinapon sa basurahan ang pringles na wala ng laman. Grrrr!

"Ingay mo. Ano pala yung kanina bakit mo kasama si Cap?" tanong niya.

"Hmmmm... thank you tsaka sorry treat niya raw yun e." sabi ko at inilapag sa kama ang bag ko habang tinatangal yung sapatos at medyas ko.

"Sus, napaka easy to get mo naman." sabi niya.

"Di noh, tsaka di ko siya type." sabi ko at nahiga sa tabi ni Jake.

"Baka babae ang gusto mo kasi kelan ba yung last time na nagka crush ka ng lalaki uhmmmmmmmmmmmmmm highschool?" sabi niya. Hinampas ko siya ng malakas gamit ang unan.

"Ghad di ako makapaniwala na may time na naging ganon ako." sabi ko sakanya.

"Ako rin, bakit ka nga ba nun nagka gusto sakin?' Tanong niya. 



The Campus Celebrity and the Nerdy MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon