Chapter 13: Two Faced

1.1K 23 6
                                    

Jake's P.O.V.

Mabilis na natapos ang I.N.T. 

Syempre, nanalo kami kaya mag aadvance kami sa national tournaments. Hindi ko maalis ang ngiti sa mga labi ko. Sa bawat "kain ka na", "Good night sweet dreams", at lalong lalo na sa mga "good morning!" ay napapangiti talaga ako ng todo todo. 24/7 nasa isip ko siya at hindi parin ako makapaniwala na after 02153512120 years, napansin na ako ong crush ko.

Pero, medyo naiibahan lang ako dahil parang may mali sa nararamdaman ko. Parang naramdaman ko kasing dumistansya sakin si Cia ever since lumabas kami ni Zachary e. Alam mo yun? Parang hindi ako sanay na ganun siya sa kin. 

Nag drive ako papunta sa bahay nila. Pag dating ko, tumambad sa akin ang malalaking gate na naka sara.

"Sir." sabi nung gwardiya.

"Uhmm si Zachary po?" tanong ko.

"Ikaw yung boyfriend ni Zachary diba?" tanong ng guard.

"Ahhhh e Opo." sabi ko nalang. Kami na ba? Alam ko di niya pa naman ako sinasagot e.

Binuksan ng guard ang malaking gate at matapos non ay ipinasok ko ang motor ko. Hindi pa alam ni Zachary na dadalaw ako kaya minabuti ko na munang pumunta sa pool side para doon siya surpresahin. 

Ilang minuto ang naka lipas, bigla ko narining ang boses niya. Nag tago ako sa may bench at nag kunyaring tulog para gulatin siya. Parang gago lang.

"Okay,so here's the thing. Since Jake is mine now, dump that nerdy's heart." sabi ni Zachary. 

Hindi muna ako lumabas sa pwesto ko, naramdaman ko na isa itong paguusap na hindi ko dapat marinig.

"Seryoso ka? Akala ko ba ang deal natin ay hanggang sa maging kayo lang?" sabi ng isang boses lalaki. Si Captain.

"Yah pero you know me naman diba, I'm so maldita so go and break her heart." Mataray na sabi ni Zachary.

Her? Sino kaya tinutukoy niya?

"Paano? e hindi pa naman nga inlove sakin yun e." sabi ni Capt. sakanya. 

"Then, bully her like what you used to do to the other nerds out there." sabi ni Zachary.

"Ano ba talaga gusto mo mangyari?" tanong ni capt. 

"I want her to completely be out of Jake's life. Make her life miserable than it is." sabi ni Zachary. Pahina ng pahina ang boses nila habang nag uusap as if lumalayo sila kung saan ako naka pwesto.

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Ito ba talaga yung totoong Zachary? Tsaka Nerdy? Si Cia ba ang tinutukoy nila? Obvious naman! Dahil wala naman ibang babaeng NERD sa buhay ko siya lang naman.Tumayo ako sa bench at sinundan sila para marinig pa kung ano ang pinag uusapan nila. 

Bigla ko naman naka salubong yung isa nilang katulong kaya hindi ko na narinig pa ang sunod nilang usapan.

"Iho dun ka muna sa sala ha, pag timpla kita ng juice. Tawagin ko lang si Zachary." sabi nito at sinamahan ako sa sala.

"Salamat po." sabi ko habang umiikot parin sa isipan ko ang mga narinig ko kanina.

Makalipas ang ilang minuto, dumating na si Zachary. 

"Hi Jake!" sabi ni Zachary at hinalikan ako sa pisngi.

"Okay ka lang?" inosenteng tanong niya. Hindi ko alam kung anong laro ang ginagawa niya pero sa ngayon, litong lito ako.

"Uhh Oo napadalaw lang ako." sabi ko sakanya at ngumiti.

"Sure ka? Yiee miss niya ako." sabi ni Zachary at niyakap ako. 

"Uyyy ba't ganyan ka may nangyari ba?" tanong niya nang mapansin ang kakaibang kilos ko.

"Wala." sabi ko sakanya. Gusto ko siyang iwasan. Aminado ako na biglang nag iba ang tingin ko sakanya.

"Tara, don tayo sa kwarto ko." Aya niya. Nag alangan ako. Wala ako sa mood na makipag make-out dahil sa narinig ko sakanya kanina. Tsaka isa pa, ayoko sa lahat ng ganong klaseng babae. Gusto ko siyang tanggihan, pero ang tarantado ko naman siguro kung hihindian ko siya tutal pinuntahan ko pa siya dito diba? Kaya sumunod nalang ako sa mga yapak niya.

Nalulunod parin ako sa sarili kong isipan.

"Jake." mahinang sabi niya at isinara ang pinto. Tiningnan ko siya sa mata. Hindi na bumibilis ang pintig ng puso ko di tulad ng dati na makita ko lang siya na malapit sa akin ay grabe na yung tibok na para bang nakipag karera ako sa isang kabayo. Hindi siya ang babaeng nagustuhan ko. Masyado ata akong nabulag sa kagandahan niya.

Maya maya, hinawakan niya ako sa kamay at pina upo ako sa ibabaw ng kama niya. Wala pang ilang segundo, naupo siya sa ibabaw ko. Hindi niya ma gets na wala ako sa mood.

"I love you." mahinang sabi niya at dahan dahang idinikit ang malalambot niyang labi sa mga labi ko. 




The Campus Celebrity and the Nerdy MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon