Chapter 8: The Lady Tigress Chic

1.5K 34 1
                                    

Day Before Departure to Inter schools National Tournament

Pinatawag ng school president ang mga estudyante na kalahok sa Interschools National Tournament para sa isang grand meeting.

Sabay kaming pumasok ni Jake sa meeting. Hindi pa naman nag sstart kaya marami pang bakanteng upuan. Sa di kalayuan, natanaw ko si Shin. Kumaway siya saamin at tinuro ang mga bakanteng upuan sa row niya. Tumungo kami roon ni Jake.

"Bro." sabi ni Shin at nakipag apir
kay Jake.

"Nga pala, pano mo ba naging kaibigan tong nerd na to?" pangaasar ni Jake. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Dahil sa notebook niya? Di ko alam bro eh, sadyang nag click lang kami."

"Nga pala Cia, diba may nirecommend ako sayong shop? Kamusta na subukan mo ba?" tanong ni Shin. Bigla naman akong nahiya. Yung Lumiere Beauty Express yung tinutukoy niya at nakikinig sa tabi ko yung mokong na Jake.

"Uy gago ikaw pala tong nag hikayat dito eh, huwag mo nga paasahin yang manang na yan. HAHAHAHA" pangaasar ni gago. Kinurot ko naman siya kaagad. Nakakapikon na eh.

"Hahaha Oo bro, may bagong bukas kasing shop sila mama eh. Nag mamarket lang." aniya.

Naputol na ang usapan nila nang pumasok na ang mga namamahala sa I.N.T.

"Good afternoon! Today's agenda is to inform you about what is going to happen in the entire duration of the I.N.T. So Tomorrow, Saturday, the departure is going to be at 6:00 in the morning. The expected arrival in Bicol is probably around 4 to 8pm. BLABLABLA." sabi ni school president. After non, marami pa siyang sinabi. Hindi na ako masyadong nakinig dahil ihing ihi na ako.

Maya maya, pumasok ang lady tigress chic na si Zachary. Napatingin sakanya ang ibang boys dahil sa taglay na ganda at ka sexy-han niya. Medyo pawisan siya, halatang fresh from practice. Tinawag ni Jake ang attensyon niya at nang makita siya ni Zachary, ngumiti ito naupo sa tabi ni Jake. Ni reserve ni mokong ng upuan inlove na inlove ata eh noh.

"Thank you." Sabi ni Zachary. Tumango si Jake at kinuha ang bag niya.

"Also, regarding the bus assignments, bahala kayo. Seat where ever you want, pick a bus of your choice. Just make sure na maging responsable kayo. I trust you, since you are already senior highschool students" sabi ni school President.

"Jake Tabi ta-"

"Jake, tabi tayo sa bus." Singit ni Zachary. Buti naman at hindi ko natapos yung sasabihin ko. Muntik pa akong mapahiya. Oo nga pala, bakit ko ba nakalimutan na may ka someone pala ngayon si Jake. Tsk disadvantage of having a guy best friend.

"Thank you, Zachary. Ano yung sinasabi mo Cia?" tanong ni Jake.

"Ahhh sabi ko, pakibantayan ng gamit ko mag C-CR lang ako." sabi ko sakanya.

"Ahh nga pala Cia si Zachary, and Zachary si Cia nga pala." sabi ni Jake.

"Hi nice to meet you." sabi niya at nag smile.

"Hi, nice to meet you too." sabi ko at nag smile rin sakanya.

"Sabay na tayo mag C.R. naiihi na rin ako e." sabi niya at nagpaalam kay Jake na lalabas lang ng saglit.

Naglakad kami papuntang C.R. medyo nauuna siya saakin ng konti, siguro kasi mahaba ang legs niya at mas matangkad siya sa akin. Nakakahiya at nakaka insecure na tumabi sakanya. She's like one of those campus pretties at talented pa siya sa volleyball.In fact, nag momodelling din siya kaya sikat siya sa school.

"I heard na best friend ka ni Jake." sabi ni Zachary.

"Ahh Oo since elementary." sabi ko sakanya.

The Campus Celebrity and the Nerdy MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon