Chapter 30: Flashback

725 20 5
                                    

Jake's P.O.V.

2 weeks na siguro ang nakalipas pero hindi pa gumigising si Cia. Hindi maalis ang kaba at pag aalala sa bawat araw na lumilipas. Hindi rin ako makatulog.

Huminga ako ng malalim nang mapansin kong bigla gumalaw ang daliri ni Cia. Bigla akong nabubayan at dali daling tumawag ng nurse.

Nang makarating ang mga nurse, tumawag sila ng doctor at may mga procedure na ginawa. Hindi matanggal sa akin ang kaba at takot.

Matapos ang ilang minuto, nakita kong dahan dahan bumukas ang mga mata niya. Napatayo ako at halos umiyak sa saya nang malaman na nagising siya. Hindi pa ako makalapit sakanya dahil may mga test pang ni rurun ang doctor.

Agad kong tinawagan si tita na saglit lumabas para mag dasal sa chapel ng ospital.

Maya maya, kumalabog ang pinto at iniluwa nito si tita na umiiyak sa sobrang pag aalala at saya.

Kinausap si tita ng doctor habang ang mga nurse naman ay umalis na.

Lumapit ako sa ospital bed kung saan naka higa si Cia.

"Cia..." mahinang sabi ko. Tumingin siya sakin, ng walang emosyon.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko pero di parin siya sumasagot.

"Anak!" Singit ni tita at niyakap si  Cia.

"Ma, di ako makahinga..." mahinang sabi niya. Buti naman at okey na siya.

~

Kinabukasan, sa wakas at na discharge na rin si Cia.

Pumunta ako sa bahay nila as usual pero hindi ako kinakausap ni Cia. Iniignore niya lang ako na para bang hindi ako nag eexist sa mundo.

Matapos ang dinner kela tita, unakyat na kami sa kwarto ni Cia. Normal na routine lang tulad ng dati. Tatambay ako at mag pplaystation.

Nang makarating kami sa kwarto niya, napagtanto ko mag tanong.

"Naaalala mo ba ko?" Tanong ko sakanya. Di parin siya sumasagot.

"Ako to si Jake, best friend mo, or boyfriend teka hindi pa tayo pero parang ganon na nga basta.-"

"Alam ko, pwede bang layuan mo na ko? Gusto ko ng mabuhay ng payapa at normal..." sabi niya. Nagulat naman ako bigla. Ito ang unang beses na kinausap niya ako ever since magising siya.

"Ano ibig mong sabihin?" Tanong ko.

FLASHBACK 2 yrs ago.

"O sige, pag na fall siya saken bibigay niyo sakin ang 50k"

"Oo naman pre. Impossible namang ma fall yan sayo ni di nga nagsasalita e. Pag natalo ka, amina 50k mo."

Tumawa lang ako. Ang di nila alam, elementary palang, magkakilala na kami ni Cia. Di kami ganun ka close pero friends kami kasi lagi magka chismisan mga nanay namin pag susunduin na kami sa eskwelahan noong elementary. Minsan nga nadalaw pa sila sa bahay e.

"Sige pre sa loob ng 1 month dapat mapasagot mo siya ng Oo."

~

"Cia Rien" tawag ko sakanya. Nagbabasa siya ng libro kaya di niya ko napansin kaagad.

"Ano yun, Jake?" Tanong niya tapos inangat yung ulo niya.

"Uhhh gusto mo sabay tayo umuwi mamaya? Pinapapunta ka ni mama sa bahay." Pag sisinungaling ko. Kailangan ko lang naman siya mapasagot diba? Ez lang to.

HAYST hiniwalayan ko pa si Antoinette para sa pustahang ito. Chix pa naman yun. Pero di bale marami pa naman diyan.

"Sige, 5:30 ang out ko. Magrereview muna ako sa library bago umuwi.

~

"Cia, ba't napadalaw ka? Kamusta na ang nanay mo?" Nakangiting tanong ni mama.

"Inimbitahan po ako ni Jake. Okey naman po siya settled na po yung annulment nila ni papa." Sabi ni Cia.

Annulment?

"Tara kain ka muna Cia." Aya ni mama.

Balak ko sana siyang i netflix and chill ng gabing yon. Alam mo na, netflix tapos biglang may ibang mangyayare pero nagbago ang isip ko nang malaman ko yung tungkol sa annulment ng mga magulang niya.

Instead, nag kwentuhan lang kame tapos ayun masaya siya kausap. Hanggang sa nagkaayaan kami na maglaro ng playstation sa bahay nila. Napadalas iyon, para kaming naging bestfriends na open sa isa't isa.

"Ano na pre? Isang linggo nalang mag 1 month na" sabi ng kaibigan ko tapos tumawa.

Nawala na sa utak ko ang pustahan dahil nag enjoy nako masyado sa pag kakaibigan na nabuo saaming dalawa. Oonga pala shit. San ako kukuha ng 50k na yan?!

Last day na... huminga ako ng malalim. Dinala ko siya sa favorite place ko kung saan makikita namin ang mga city lights.

"Pwede ba kita maging girlfriend?" Tanong ko. Nakasalalay dito ang 50k ko. May halong guilt.  Napaka inosente niya para pagpustahan ng ganto.

"Huh? Ayoko nga."

"Please?" Pag mamaka awa ko.

"Ayoko sabi."

"Bakit?"

"Busy ako sa pag aaral."

"Di kita guguluhin promise. Please? Kukulitin kita hanggang sa sagutin moko." Sabi ko sakanya.

"HAYST sige na nga! Basta wag moko guguluhin pag nag aaral ako ah." Sabi niya. Ba't ganun? Parang wala lang sakanya? Di man lang ba siya kinikilig? Alam niya ba ibig sabihin ng boyfriend/gitlfriend?

"I love you." Sabi ko sakanya. Di siya nakapag salita. Nakatingin lang siya sakin. Di ko alam kung nabigla ba siya, nandidiri o ano. Ewan ko ba bigla nalang kasi lumabas yun sa bibig ko.

"Hahahaha, okay lang yan." Sabi ko tapos ginulo ang buhok niya.

"Tara." aya ko.

"Thank you." sabi niya tapos ngumiti. Thank you lang? Walang I love you too?







The Campus Celebrity and the Nerdy MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon