Isang bagong araw nanaman para sa mga tao sa syodad ng Magarao.
"Magandang umaga Farrah." Sabi ni Farrah sakanyang sarili.
Si Farrah ay mag isang naka tira sa kanyang bahay dahil ang kanyang magulang ay nasa ibang bansa nag tatrabaho. Ang Mama at Papa ni Farrah ay isang Manager sa magkaibang companya kaya napaka yaman nila.
Maganda naman ang pamumuhay ni Farrah, lahat ng gusto nya nakukuha nya, lahat ng hilingin nya na magkaroon sya binibigay ng magulang nya pero hinde parin sya masaya.
Palagi syang mag isa sa bahay, at sa school naman marami nga syang kaibigan pero alam ni Farrah na habol lang nila sakanya ay pera.
Mga nagbabait baitan pero sa totoo naman poro plastic.
"Hayysss, ang boring talaga." Sabi ni Farrah.
Ngayun, papasok na sya sa school, exam nila ngayun kaya bawal ma Late. Pero tinatamad sya pumasok at makita ang mga plastic nyang mga kaibigan.
Pero napilitan parin syang pumasok kahit ayaw nya.
Lumabas sya sa bahay nya at naghintay ng masasakyan na taxi. Pag kalipas ng ilang minuto may pumara na sa harap nyang taxi.
On the way to her school, si Farrah ay nakatulog sa taxi dahil napaka trafic sa dinaanan nila at sure naman sya na hinde pa uusad ang trafic na ito.
Habang mahimbing na natutulog si Farrah, bigla syang nakaramdam ng sakit at dahan dahan nyang binuksan ang mata nya. Pagka bukas ng mata nya agad nyang nakita na may naka tusok sa tyan nyang matalim na bagay.
Naglalabasan na ang mga dugo sa tiyan nya, at madami-dami narin ang nawawalang dugo sa katawan nya kaya nagsisimula na syang manghina.
"Uyyy Miss, ok ka lang ba?" Sigaw ng isang lalaki na gustong tumolong kay Farrah.
Ang hinde alam ni Farrah, nabonggo ang taxi na sinasakyan nya ng isang truck, at biglang may tumalsik na matalim na parte ng taxi kay sakanya kaya sya natusok.
"Kunting tiis lang, darating na ang ambulansya." Sigaw ng lalaki kay Farrah, pero hinde na marinig ni Farrah ang sinasabi ng lalaki dahil sa dami ng nawala sakanyang dugo nawawala na ang mga pakiramdam nya at pandinig.
Unti unti na syang hinde nakakahinga, at nawawala na din ang paningin nya. Pagtagal tagal tumigil na ang paghinga nya at tumigil narin ang pag tibok ng puso nya.
Sa isang iglap ang buhay ni Farrah ay natapos.
Black out~~~~
"Bakit ang dilim?" Sabi ni Farrah. Pagkatapos nyang mawalan ng malay dahil sa pag kaubos ng dugo nya bigla syang nagising dito sa napaka dilim na lugar na ito.
Wala manlang syang makitang liwanang, ang dilim dilim talaga.
Sinubukan nyang mag lakad pero hinde nya maramdaman ang paa nya at ang ibang parte ng katawan nya. Nakakakita lang sya pero hinde nya talaga maramdaman ang katawan nya.
Parang mata nya lang ang meron sya at wala syang katawan.
Hinde nya alam kung ilang oras na ang lumipas, kanina pa sya dito sa napaka dilim na lugar na ito.
Pero pag tagal tagal, may naramdaman sya, para syang nahuhulog. Hinde nya alam kung ano ito pero talagang parang nahuhulog sya.
Pagkalipas ng napaka tagal na pagkahulog nya sa kawalan, may nakita syang liwanag sa ibaba nya. Bumibilis narin ang pagkahulog ni Farrah, parang hinihila sya palapit sa liwanag.
At nang malapit na sya sa liwanag biglang nawala ang paningin nya.
Pagbalik ng paningin nya, napansin nya na nasa isang puting kwarto na sya. Ang kwartong ito ay walang mga nakalagay na gamit, ang nandito lang ay isang Tv.
BINABASA MO ANG
Life In Another World
FantasyAng buhay, ito ay napaka importante at sagradong bagay para sa lahat ng may buhay, pero kung ang buhay mo ay napaka boring at wala manlang sigla, para pa saan ito? Ganyan ang buhay ni Farrah, isang lonely girl, pero ito ay mag babago dahil sa isang...