Lumipad si Farrah kasama si Andrea papunta sa taas. Itinaas ni Farrah ang palad nya at nagkaroon ng malaking butas sa taas nila at pumasok sila doon.
Paglabas nila sa butas, nakabalik na sila sa totoong mundo nila. Ang butas naman na ginawa ni Farrah ay biglang naglaho. "Wait lang Lola Andrea, wag kang gumalaw." Iniharap ni Farrah ang palad nya kay Andrea at lahat ng anino na nasa baba ni Andrea ay tumaas at binalotan sya. "Yan tapos na." Sabi ni Andrea habang tinitignan ang anino na nakapalibot kay Andrea.
"Uyy Farrah ano ito? Bakit mo tinakpan ang boong katawan ko nito?" Tanong ni Andrea. "Lola Andrea proteksyon lang yan. Alam mo kasi noong unang pagpunta ko dito ay parang nadetect ako ng kung anong bagay at biglang nalaman ng mga Elves na nandito ako. Pero ngayon naka handa na ako, gamit yang mga anino na yan sure ako hinde na nila tayo madedetect plus, pag may Elf pwede tayong mag blend sa anino para makapag tago." Sabi ni Farrah habang binabalotan rin ang sarili ng anino.
"Tara hanapin na natin kung saan nakatira ang mga Elves. Lola Farrah dumapa ka lang at magigi ka na nyang anino. Basta sumonud kanalang sakin ha." Dumapa si Farrah at bigla syang nawala at naging anino na lamang sa lupa. Si Andrea naman ay ginaya si Farrah at naging anino rin sya.
Umabante si Farrah at sumunod rin si Andrea. Noong una nahihirapan pa si Andrea na kontrolin ang galaw nya habang naka anyong anino pero habang tumatagal ay nakukuha nya na rin kung pano ito kontrolin ng maayos at nakakasabay na rin sya kay Farrah. Napaka bilis ng galaw nila, sa sobrang bilis hinde mo man lang sila makikita na dumaan sa harapan mo.
"Farrah, ang alam ko doon sila sa bundok na yun nakatira." Lumapit si Andrea kay Farrah at sinabi habang tinutoro ang isang bundok na napaka taas na halos umaabot na ito sa mga ulap. "Huh? Doon ba? Sige tara bilisan na natin, excited na akong makita ulit si Shane." Sabi ni Farrah at mas binilisan nya pa ang pag galaw nya.
Habang papunta sila dalawa doon sa bundok ay biglang napaisip isip si Andrea. Ang alam nya kasi lahat na nahuhuli ng mga Elf na tao na nasa loob ng Elves' Forest ay hinuhuli nila at pinapatay, pero si Farrah ay nakaalis ng ligtas mula dito sa lugar na ito at sabi nya pa tinulungan sya ng isang Elf. Hinde mapigilan ni Andrea na mapa isip kung totoo ba talaga ang sinabi ni Farrah.
Lahat ng Elf galit na galit sa tao. Nagmula na ito sa kanilang mga ninuno kaya nagtataka si Andrea kung bakit hinayaan lang na umalis si Farrah dito nung Elf na ang pangalan ay Shane ayun kay Farrah at saka tinulungan nya pa daw sya na makaalis dito gamit ang isang portal na ginawa ni Shane. Hinde man alam ni Andrea ang totoo alam nya naman na kahit anong mangyari magiging ligtas parin sila kasi sa lakas ng kapangyarihan ni Farrah, walang wala ang mga Elf kaya napangiti nalang si Andrea at kinalimutan nya na ang iniisip nya at mas binilisan nya nalang ang bilis nya.
Habang palapit sila nang palapit doon sa bundok ay may mga nakikita na silang mga Elves na ginagawa ang mga pang araw nilang gawain. May mga naglalakad lakad at may mga naglalaro rin na mga batang Elves at yung iba ay nagsasanay sa pakikipag laban. Base sa nakikita ni Farrah, ang pamumuhay nila ay napaka mapayapa.
Ilang saglit lang ay nakita na nila ang tirahan ng mga Elves. Unang pagkakita palang nila dito ay napanganga na agad sila. Para silang napunta sa ibang mundo.
Hinde ito tulad ng Juperia, at kung ekukumpara ang dalawa ay talagang walang wala ang Juperia sa tirahan ng mga Elves. Makabago ang itchura ng tirahan ng mga Elves, meron silang mga sinasakyan na parang kotche mula sa pinagmulan ni Farrah pero ang kotche ng mga Elves ay lumilipad sa langit. May mga matataas rin na mga gusali na parang yung mga gusali sa mundo na pinagmulan ni Farrah.
Kung hinde nya lang alam na nasa ibang mundo sya, aakalain na ni Farrah na ito ang mundo nya. Napaka ganda talaga ng tirahan ng mga Elves, isama mo pa ang mga lumilipad na ilaw sa langit na nagbibigay liwanag sa mga Elves.
![](https://img.wattpad.com/cover/166155268-288-k256026.jpg)
BINABASA MO ANG
Life In Another World
FantasiAng buhay, ito ay napaka importante at sagradong bagay para sa lahat ng may buhay, pero kung ang buhay mo ay napaka boring at wala manlang sigla, para pa saan ito? Ganyan ang buhay ni Farrah, isang lonely girl, pero ito ay mag babago dahil sa isang...