Chapter 26: Sorounded

471 32 1
                                    

"Hoy kayo! Paano kayo nakapasok dito!?" May isang sundalo na base sa kanyang soot ay ang Heneral ng mga sundalo na ito ay nag salita. "Heneral, wag napo natin silang kausapin at patayin na natin sila para wala nang problema. Pagpasok palang nila dito ng walang paalam ay rason na para patayin natin sila." Sabi ng isang sundalo na kung titingnan ay kanang kamay ng Heneral.

"Marami tayong oras para gawin yan pero kailangan na muna nating malaman kung paano sila nakapasok dito nang hinde manlang natin napapansin, at tignan nyo naman yang mga kasama ng tao na yan. Ngayon palang ako nakakita ng katulad nilang nilalang at may Fairy pa syang kasama. Dapat talaga nating mahuli sila para malaman kung paano sila nakapasok, baka may ginawa silang lagosan para makapasok dito at bigla tayong atakehin ng mga tao." Nag aalalang sinabi ng Heneral.

"Heneral, mga tao lang naman sila. Bakit naman tayo matatakot sa kanila? At saka kukuha lang naman pala ng impormasyon, ako na bahala Heneral. Magaling ako jan hehe." Sabi ng sundalo na kanang kamay ng Heneral.

"Sige kung ganun ikaw na bahala sa pag torture sa kanila. Mga kawal! Hulihin sila!" Sigaw ng Heneral at ang mga sundalo na nakapalibot sa kanila ay biglang sumugod. Pero bigla bigla nalang nagkaroon ng lindol at ang mga sumusugod na sundalo kina Farrah ay napatigil. Nagkakaroon narin ng mga bitak ang lupa at lumalaki pa ang mga ito at sinasakop ang boong lugar.

Ang mga sundalong Elf naman ay hinde na alam ang gagawin, ang iba naman ay natutumba na at nagbabagsakan sa lakas ng lindol. "Heneral, ok lang po ba kayo?" Tanong ng kanang kamay ng Heneral. "Oo ok lang ako pero anong klaseng lindol ito!? Hinde pa ako nakakaranas ng ganito kalakas na lindol."

Crack.... crack... crack...

Pagkatapos nyang sabihin yun, biglang nagkaroon ng bitak sa lupa sa harapan nila Farrah at parang may gustong lumabas mula dito na kung ano.

Boommmm

At bigla nalang may narinig ang Heneral na sumabog at yung lupa ay bumuka at ang boong lugar ay napuno ng alikabok na mula sa lupa na nagtalsikan. "An...Anong nangyayari dito!?" Sigaw ng Heneral na hinde na alam ang gagawin. Nagsisimula nang makaramdam ang Heneral ng takot dahil sa mga nangyayari na hinde nya maipaliwanag.

Tumingin sya sa butas sa lupa at napansin nya na parang may lumabas dito na kung anong malaki. "Haahhhh!" Biglang may narinig ang Heneral na sigaw mula sa likod nya. "Hoy bakit ka sumigaw?" Tanong ng Heneral sa sundalo na sumigaw, pero hinde naman ito nagsasalita at nakatulala lang sa harapan nya na para bang nawala ang kaluluwa nya.

Kahit ang ibang mga sundalo na nakapalibot kina Farrah ay ganun rin ang expression. Lahat sila ay nakatingin lamang sa isang direksyon kaya tinignan ng Heneral kung ano ang tinitignan nila at kahit sya hinde makapaniwala sa nakikita nya at bigla rin syang natulala at hinde makapag isip ng maayos.

Sa harapan nila ay nakita nila na ang kaninang kaunting grupo ni Farrah ay biglang nadagdagan at mas lumakas pa ito, yung talagang malakas na malakas. Sa harapan nila ay nakita nila ang mga Metal Giants na sa unang tingin palang ay hihimatayin kana sa takot. Sunod ay nakita nila ang mga Lycans na biglang dumating na handang handa na para pumatay.

Sunod ay ang kaninang napaka araw ay ngayon ay biglang na takpan, kahit ang ang langit ay natakpan na rin. Ito ang Ghost Servants, sa sobrang dami nila ay kaya nilang takpan ang boong kalangitan kapag pinag sama-sama ang lahat ng mga ito. Ang bawat isa sakanila ay may mga soot na kalasag at may mga hawak rin silang ibat ibang sandata.

Ang mga Ghost Servants ay hinde nahahawakan ng kung sino man o kung ano man basta hinde nila payagan na mahawakan sila kaya ang mga kalasag na soot nila ay parang walang silbi pero kahit na ay nag soot parin sila nito para sa paghahanda sa darating na gira.

Ang Heneral ngayon ay talagang natatakot na sa mga nangyayari ngayon.

Booommm

Bigla syang nagising mula sa takot nya at nakakapag isip na ulit sya nang maayos dahil doon sa putok na nagmula sa likod. Tumingin sya sa likod nya at nakita nya na ang sundalong kanang kamay nya ay nagpaputok ng baril sa langit at ang bala nito ay naging parang signal sa lahat ng Elf na pumunta sa deriksyon nila para makipag laban.

"Huwag po kayong mag alala Heneral, sigurado po ako na ilang saglit lang ay darating na dito ang iba pa nating kasamahan. Mali ang kinalaban ng mga nilalang na yan, hinde yata nila alam na hinde pa tayo natatalo pagdating sa gira." Natatawang sinabi ng kanang kamay ng Heneral.

"Hmm oo nga tama ka. Lahat kayo! Wag kayong matakot sakanila, kapag dumating na dito ang ibang kasamahan natin ay wala na silang takas at matatapos na natin sila." Sigaw ng Heneral sa lahat ng Elf na nandito.

..............

Habang nag uusap ang Heneral at ang mga Elf na sundalo ay nakikinig naman si Farrah at kalmado lang, pero si Andrea na katabi nya ay hinde kasing kalmado ni Farrah. Pagkarinig nya na papunta na dito ang iba pang sundalo ng Elf race ay nagsimula na syang mag alala na hinde nila kakayanin ang mga Elves.

"Farrah, mukhang kailangan na muna nating umatras. Kung yun lang sanang mga sundalo na nakapalibot sa atin kanina ang kalaban ay kakayanin pa sana natin pero tignan mo naman, mukhang tinatawag na nila ngayon lahat nang sundalo ng Elf Race para patayin tayo. Farrah tara na, nailigtas nanaman natin si Shane." Sabi ni Andrea kay Farrah, rinig sa boses nya ang pag aalala.

May mga narinig noon si Andrea na usap usapan tungkol sa Elf Race at sa isang Kingdom. Ang dalawang ito daw ay naglaban at madaming dugo ang nasayang, pero sa huli ay wala paring nanalo sakanila at naging tabla lang ito. Dahil doon kaya natatakot si Andrea, matagal na iyon nangyari kaya alam ni Andrea na mas pinalakas na ng mga Elf ang lakas nila para makapag handa sa kung ano mang mangyari sa hinaharap at para maging handa sila kung magkaroon man muli ng gira.

Isama mo pa ang mga makabagong kagamitan nila, kung meron sila mga ganun ay sigurado si Andrea na may mga makabagong kagamitan din sila na pang digma. Hinde talaga maiiwasan ng kahit sino matakot kapag ganyan na ang haharapin mo.

"Lola Andrea, kung gusto mong umalis ay umalis kana. Oo nga tama ka, nailigtas na nga natin si Shane pero tignan mo nga ang kalagayan nya ngayon, dahil sakin kung bakit sya naging ganyan at dahil rin sakin kung bakit nakadama sya ng napakatinding sakit. Kung hinde dahil sa tinulungan nya ako noon ay hinde sana sya magdadanas ng ganito kapalaran. Kaya Lola Andrea wala kanang magagawa para pigilan ako sa gusto ko." Sabi ni Farrah kay Andrea.

"Hayyss kung yan ang gusto mo ay wala akong magagawa. Hinde naman kita mapipilit kasi alam ko na matigas ang ulo mo kaya kahit anong sabihin ko ay hinde ka parin susunod kaya ang magagawa ko nalang ay suportahan ka." Sabi ni Andrea kay Farrah na napapangiti nalang dahil wala na syang masabing iba pa para makombensi si Farrah na umatras muna.

"Maraming salamat Lola Andrea, alam mo kahit hinde pa tayo ganoon katagal na magkakilala, parang pamilya na ang turing ko sayo. Palagi kang welcome sa Mansion ko." Sabi ni Farrah kay Andrea at bigla syang sumigaw. "Maghanda kayong lahat, magsisimula na ang Gira!!!"

Sa hinde kalayoan ay ang mga sundalo ng Elf Race na ngayon ay papunta sa direksyon nila. Ang mga sundalong ito ay sadyang napaka dami, sa sobrang dami ay nababalot na nila ang boong Elves Forest. Kumpara sa mga Ghost Servants, mas madami parin ang mga sundalo ng Elf race.

Tulad nga ng naisip ni Andrea ay may mga dala nga ang mga Elf na mga makabagong armas na gagamitin nila sa pakikipag laban sakanila. Pero kahit na natatakot si Andrea, may tiwala parin sya kay Farrah.

"Oras na, Sugod!!!" Sigaw ni Farrah.

Life In Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon