Chapter 5: Mahiwagang Ulan

720 36 1
                                    

Sa loob ng bayan, ang mga tao dito ay walang alam sa mga nangyayari sa labas ng padir. Pinag papatuloy lang nila ang buhay nila nang walang pakialam sa problima nila. Gano man ito kalaki, nginingitian nalang nila ito.

Ang mga tao dito ay sadyang gusto ng kapayapaan. Pero ibang usapan na pag ang masamang bahagi ng bayan na ito ang pinag uusapan.

Nandito ang mga masasama at mga taong alam lang ay magpakasarap sa buhay. Sila yung mga brutal na mga mersenaryo na ginagawa ang ano mang gustohin nila. At yung mga tiwaling opesyalis na namamahala dito sa bayan, at marami pang iba.

Ang pangalan ng bayan na ito ay Juperia. Dito lang sa bayan ng Juperia nagiging kampante ang mga tao, dahil ang bayan na ito ay protektado ng mga matataas na padir na pananggalang nila sa mga lolosob na mga halimaw at iba pang mga masasamang bagay na maaaring magdala sa mga tao ng kapahamakan.

Ang mundong ito ay puno ng mga kakaibang nilalang tulad ng mga Elves, sila ay mga matatalinong nilalang na ayaw na ayaw makisalamoha sa mga tao. Sila ay may kakayahan gumamit ng Salamangka. Sila ay napaka galing pag dating sa pag gamit nito. Mga professional Archer din ang mga Elves kaya walang nakakatakas sakanila kahit sino man ito o kahit nasa malayo paman ito.

Ang pangalawa ay ang mga Orcs, sila ay mga nakakatakot na halimaw na ang alam lang ay pumatay at kumain ng tao. Sila ay mga barbaro na walang matinong pag iisip. Tulad ng mga Elves, may mga marurunong rin sakanilang gumamit ng salamangka at ang tawag sa mga ito ay Elder Orcs. Tanging sila lamang ang may kakayahang gumamit ng Salamangka sa boong tribo nila.

Ang pangatlo ay ang mga Fairies, sila ay ang mga maliliit pero cute na nilalang na ginawa ni God. Maliliit man sila pero walang makakatalo sakanila pag dating sa tagoan. Dahil nga sila ay maliliit, madali lang para sakanila na magtago kung saan man nila gustohin. At tulad ng Elves at Orcs, sila ay may kakayahan ring gumamit ng salamangka. Kilala ang mga Fairies bilang mga taga pag-pagaling ng mga sakit, gaano man ito kalala, kaya nila itong pagalingin. Dito sila magagaling.

Ang last ay ang mga Dwarfs, ang mga small but can build. Mga professional and fast workers. Kung trabaho sa pag gawa ng mga bagay bagay lang naman ang pag uusapan, panalo na ang mga Dwarfs. Kaya nga nilang gumawa ng mga higanteng building kahit maliliit lang sila. Wala manlang itong kahirap hirap para sakanila. Kaya dito sa mundong ito palaging hinahanap ang mga Dwarfs ng mga Elves, Orcs, Fairies and syempre pati mga Tao para magpagawa sakanila ng mga gusali at mga armas.

Ang bayan ng Juperia hinde tulad sa mundo na pinanggalingan ni Farrah, ay hinde pa masyadong advance. Wala pa ditong mga Tv, Cellphones, Radios and other technology na ginagamit ng mga tao doon sa mundong pinanggalingan ni Farrah. Ang mga nandito lang ay mga lumang makinarya na di-oling pa para umandar. Walang wala talaga ito kompara sa dating mundo ni Farrah.

Pero kahit hinde pa sila masyadong advance, may mga meron naman sila na wala sa mundo na pinanggalingan ni Farrah. May mga makinarya sila na hinde kuryente ang nagpapaandar at hinde rin oling. Ang mga nag papaandar sa mga makinarya na ito ay tinatawag na Magic Stones.

Ang Magic Stones ay isang uri ng bato na kayang magpagana ng kahit anong makina, malaki man ito o maliit. Ang isang Magic Stone ay merong napaka lakas na enerhiya sa loob nito kaya kaya nito mag paandar ng mga makinarya.

Ang Magic Stones ay naboboo sa ilalim ng lupa pagkatapos ma ipon ang mga enerhiya ng kalikasan sa ilalim ng lupa. Ang prosesong ito ay napaka tagal kaya minsan inaabot ito ng 100 na taon. Ang mga Magic Stones ay napaka hirap hukayin dahil kailangan mopa ng swerte at tyaga sa paghanap at paghukay nito.

Kaya kailangan ng swerte dahil ang Magic Stones ay kung saan saan naboboo at mahirap maghanap nito. Swerte ka kapag nakakita ka ng isang malaking Magic Stones. Ang mga Magic Stones ay napaka kunti lamang ang bilang, dahil nga sa tagal ng proseso ng pag form nito at sa hirap pa ng paghanap dito.

Life In Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon