Chapter 20: Bisita O Bwisita?
Dinala ni Farrah si Andrea sa bahay nila at namangha sya pagkakita nya sa Mansion ni Farrah. "Ito ang bahay mo!?" Gulat na gulat na sinabi ni Andrea. Dahil gawa ang Mansion ni Farrah sa ginto, kapag tiningnan ito habang may araw at nasa labas ka ng gate, parang nagliliwanag ito. Hinde pa nakakakita ng ganito si Andrea kaya gulat na gulat sya. Sa lugar ng mga Fairies, kahit isa walang makikita na ganitong uri ng tirahan. Poro mga gawa lang sa kahoy, kaya natural lang na ma shock si Andrea pagkakita nya sa Mansion ni Farrah.
"Farrah, ibinigay ba ito sayo? Pinama parang ganun?" Tanong ni Andrea kay Farrah. "Pinama? Hinde ha. Pinagawa ko itong Mansion na ito sa mga tauhan ko, inabot nga sila ng boong isang araw bago nila ito matapos. Bakit mo naitanong?" Pagkarinig ni Andrea sa sinabi ni Farrah, na shock nanaman sya. "Isang araw? Talaga!?" Sigaw ni Andrea. Hinde na naniniwala si Andrea sa mga sinasabi ni Farrah. Alam nya kasi na malabong mangyari na gawin ng isang araw lang ang ganito kalaking Mansion at gawa pa ito sa ginto. Kahit sino hinde maniniwala na isang araw lang ang inabot para magawa ang Mansion ni Farrah. Tinignan ng maigi ni Andrea si Farrah. "Wag kanang mag sinungaling, kahit sino walang maniniwala sa sinasabi mo." Sabi ni Andrea. "Di wag kang maniwala, nasa sayo na yan kung gusto mo o ayaw mong maniwala. Tara pumasok na tayo para makilala mo na ang mga tauhan ko." Sabi ni Farrah.
Ang mga Shadows naman dahil nasa Mansion na sila, tinanggal na nila ang disguise na soot nila at pumasok narin. Habang naglalakad si Andrea, bigla nyang nakita ang mga itchura ng mga Shadows, bigla syang napatalon kay Farrah. "Farrah! May mga nakapasok na itim na tao!" Sigaw ni Andrea pagkakita sa mga Shadows. "Andrea, wag kang matakot. Sila ay si Shadow 1,2,3,4,5. Kanina noong nakita mo sila sa gubat may soot silang parang maskara na nakatakip sa boong katawan nila kaya mukha silang tao noon. Pero yan talaga ang totoo nilang itchura." Sabi ni Farrah na biglang niyakap si Andrea.
"Farrah ano ba, wag mo nga akong yakapin! Yan ba talaga ang mga totoong itchura nila? Hinde sila tao?" Tanong ni Andrea habang niyayakap sya ni Farrah. "Hinde nga, sino bang nagsabi na tao sila? Diba wala naman. Kaya nga sabi nila sayo kanina nung nasa gubat tayo na nilikha ko sila kaya wala silang magulang." Tumingin si Andrea sa mga Shadows. "Ahh ngayun gets kona. Saan ba kasi talaga nanggaling yang mga Kapangyarihan mo? Gusto ko rin mag karoon ng mga ganyang kapangyarihan." Sabi ni Andrea.
"Andrea, sabing wag na. Hinde mo naman kasi basta basta magegets eh. Lowgets ka kasi. Anyways mukhang naghihintay na sa atin ang mga tauhan ko. Ayun sila oh." Tinoro ni Farrah ang parang isang batalion na kawal sa unahan nila. Akala ni Andrea sila ay mga tao pero nang malapit na sila, saka nya lang nakita na hinde pala. Nakita nya na may mga itchurang tao na lumilipad at saka may mga higanteng bakal na tao at apat na higanteng aso. Hinde talaga si Andrea makapaniwala sa mga nakikita nya ngayun.
Ang mga tauhan na sinasabi ni Farrah na gumawa ng Mansion nya ay ang mga halimaw na ito!? Hinde nakapagtataka na natapos nila itong Mansion sa isang araw lamang. Yun ang iniisip ni Andrea. "Farrah, wala kabang ibang tao na kasama dito sa Mansion mo?" Tanong ni Andrea. Sa mga nakita nya ngayon, alam nya na na hinde ordinaryong tao ang nakilala nya. "Hmm? Tao? Wala kaming kasamang tao dito. Ako lang ang nag iisang tao dito." Sabi ni Farrah.
"Maligayang pagbabalik Goddess Farrah." Sabay sabay sinabi ng mga Ghost Servants, Metal Giants, at ng apat na aso habang nakaluhod sa harap ni Farrah. Ngumiti si Farrah sa kanila at tumingin sya kay Andrea. "Lahat kayo, meron tayong bisita. Ang pangalan nya ay Andrea at isa syang Fairy. Dito muna sya titira hanggat hinde nya pa nakikita ang mga nawawalang kasamahan nya. Maging mabait kayo sakanya kuha nyo? Sya nga pala ay napaka tanda na kaya tawagin nyo syang Lola Andrea ok?"
Pak!
"Aray ko naman! Masakit kaya Lola Andrea." Sabi ni Farrah habang kinakamot ang ulo. Kanina kasi pagkatapos nyang mag salita bigla syang binatokan ni Andrea sa ulo. "Hello sa inyong lahat. Ako nga pala si Andrea of the Little Fairies. Wag nyong pakinggan si Farrah, tawagin nyo lang ako na Andrea. Wag nyo akong tawagin na Lola, alam nyo dapat sumunod kayo sa mga nakakatanda sa inyo, kaya Andrea nalang itawag nyo sakin." Sabi ni Andrea habang nakangiti sa mga sakanila.
"Hello Madam Andrea. Ako nga pala si Butler. Ako ang namumuno sa mga nakikita mong mga multo, kung may kailangan ka Madam Andrea, tawagin mo lang ako." Lumapit si Butler kay Andrea at sinabi yun. Tumayo si Metal 1 at lumapit din kay Andrea. "Hello Fairy Andrea, ang liit mo naman pero ang cute mo. Wag kang mag alala basta pag may nang api sayo isumbong mo lang saamin at kami na bahala sa kanila ng mga kapatid ko, dodorogin namin sila. Hahahah."
Lumapit din ang apat na higanteng aso. "Hello Fairy Andrea. Kami nga pala ay ang mga Lycans. Kapag may gustong kang puntahan dito sa Mansion, magsabi kalang saamin at ihahatid ka namin doon. Kami ang mga Guard ng Mansion na ito kaya alam namin ang mga lugar dito." Sabi ng mga Lycans. Akala ni Andrea na ang mga Metal Giants lang at ang mga Ghost Servants lang ang nakakapag salita, hinde nya akalain na pati rin pala ang apat na higanteng aso.
"Butler, ituro mo kay Andrea kung saan ang magiging kwarto nya. Mukhang magkakaroon tayo na bisita kaya maghanda kayo." Sabi ni Farrah na tumingin sa gate. "Bisita? Sino po Madam Farrah?" Tanong ni Butler, hinde kasi sila madalas na magkaroon ng bisita dito, ang huling bumisita dito ay hinde lang basta bumisita, nang bwisit pa. Kaya gustong malaman ni Butler kong bisita o bwisita.
"Ang Hari ng Juperia. Kilala mo naman siguro diba?" Sabi ni Farrah. Kanina habang naglalakad sila Farrah papunta sa Mansion, may biglang nakita si Farrah sa Prophecy nya. Pupunta ang Hari ng Juperia sa kanila. Kaya sinabi ni Farrah kay Butler na maghanda. Si Butler naman pagka rinig na ang Hari ng Juperia ang bisita nila, may biglang lumabas na alaala mula sa isip nya. Pinagsilbihan rin pala ni Butler si Haring Edgar noong buhay pa sya.
Sya ay isang Royal Butler dati, pero dahil sa isang pagkakamali, pinaalis sya sa Palasyo at pinatapon dito para maging ordinaryong utos utusan lamang tulad ng iba pang mga Ghost Servants. Ang pagkakamali na iyon ay naging sanhi kung bakit sya nandito at kung bakit kahit patay na sya hinde parin sya matahimik. Nagdala kasi sya kay Haring Edgar ng inumin nang bigla syang pinatid ng isang sundalo at dahil doon, nahulog nya ang inumin na hawak nya sa mga importanteng mga papeles na hawak ni Haring Edgar.
Galit na galit noon si Haring Edgar sa ginawa ni Butler at gusto nya na sana syang patayin pero nang naisip nya kung gaano na si Butler katagal na naninilbihan dito sa Palasyo, ipinatapon nya nalamang si Butler para maging utosan ng iba. Kahit ganun ang nangyari, wala namang galit si Butler sa Hari kasi alam nya na napaka buti ng Hari at alam nya din na kahit napaka importante ng papeles na nasira nya hinde sya pinapatay ng Hari dahil nga sya ay mabait na Hari.
Galit si Butler sa sundalo na pumatid sakanya. Kapag nakita nya ito, babalatan nya ito ng buhay.
Napatulala si Butler ng ilang sandali at tulad ng sinabi ni Farrah sakanya, dinala nya si Andrea sa bagong kwarto nya at sya naman ay naghanda sa pagdating ng Hari.
SORRY ANG IKLI NITO 1310 WORDS LANG, KULANG NA KASI AKO SA TIME. MAY PASOK NA KASI EH KAYA BUSY.
BINABASA MO ANG
Life In Another World
FantasiAng buhay, ito ay napaka importante at sagradong bagay para sa lahat ng may buhay, pero kung ang buhay mo ay napaka boring at wala manlang sigla, para pa saan ito? Ganyan ang buhay ni Farrah, isang lonely girl, pero ito ay mag babago dahil sa isang...