Nagtayo ng mga tent ang mga tauhan ni Lord Dennis sa harap ng Gate ng Mansion ni Farrah sa pag aakala na kapag hinintay nila si Farrah makakaya nila syang patayin at kunin ang gintong Mansion nya. Pero ang hinde alam ng mga taong ito, kukulangin ang dala nilang mga tauhan para mapatay si Farrah. Idagdag mopa ang mga walang kamatayan na Ghost Servants, mga Shadows at ang mga Metal Giants.
Kung gusto nila silang patayin, kailangan nilang pagsamahin lahat ng tao at ang ibang mga nilalang na nakatira dito para mapatay sila pero yan ay kung kakayanin nila sila. Sa mga Ghost Servants palang, kahit anong gawin ng mga tao na pagpatay sakanila wala silang magagawa kasi patay na talaga sila. Kung sa mga Ghost Servants palang wala na silang pag asa pano pa kaya kapag ang Shadows na at ang mga Metal Giants na ang kaharap nila.
Mamatay lang sila ng walang kalaban laban. Kaya ang pagpunta nila dito ay parang pag punta sa kamatayan nila.
"Shadow 1, ano sa tingin mo ang dapat nating gawin?" Habang nasa labas ang mga si Lord Dennis at ang mga tauhan nya, hinde nila alam na madami na palang nakatingin sakanilang mga matang gusto na silang pag pipirasohin. Nag usap usap ang mga Ghost Servants, mga Shadows at ang mga Metal Giants kung anong gagawin nila sa mga taong gustong pumasok sa Mansion ng Goddess nila.
"Kapag lumabas tayo jan ngayun at nagkaroon ng labanan sigurado grabi ang ingay na magagawa natin nyan. Baka magising si Goddess Farrah." Sabi ni Shadow 1. "Pero papabayaan nalang ba natin sila? Mga lapastangan ang mga tao na yan! Dapat patayin na natin agad sila." Galit na sabi ni Metal 1. "Metal 1, tama si Shadow 1. Dapat wag tayong magpadalos dalos. Pagod na si Madam Farrah sa napaka habang araw na ito so dapat talagang hinde natin sya ma estorbo. Kung papatayin natin sila dapat masigurado natin na hinde sila mag iingay. Kaya may plano ako at sigurado sa plano ko na ito, mapapatay natin sila at hinde pa natin mae-estorbo ang pag tulog ni Madam Farrah." Sabi ni Buttler kay Shadow 1 at Metal 1.
"Kung ganun naman pala bakit hinde mopa sinasabi agad ang plano mo para madurog kona silang lahat diba mga kapatid kong Metal Giants." Sigaw ni Metal 1. "Yeah!" Sabi ng apat na Metal Giants.
Pak!
Pagkasigaw ng mga Metal Giants biglang bumaon ang mga mukha nila sa ilalim ng lupa. Biglang lumabas ang mga Shadows sa likod ng mga Metal Giants at binaon ang mga mukha nila sa lupa para mapatahimik sila. "Ang ingay nyo! Gusto nyo bang magising si Goddess Farrah!?" Sigaw ni Shadow 1 at ng ibang mga Shadows sa mga Metal Giants.
Pak!
Biglang bumaon din ang mga mukha ng mga Shadows sa lupa. "Tumahimik nga kayo, pag nagising si Farrah lagot kayo sakin! Kaya manahimik kayo! Kakasabi ko palang kanina na wag kayong maingay para hinde natin ma estorbo ang tulog ni Madam Farrah tapos nag iingay parin kayo nang nag iingay." Sigaw ni Buttler sa mga Shadows at Metal Giants na naka baon sa lupa ang mga ulo.
Booom!
Biglang tumalsik si Buttler pataas at tumama sa Shield of the Gods na inilagay ni Farrah. "TU.MA.HI.MIK. KA.YONG. LAHAT!!!!!!" Biglang lumindol ang boong Juperia at nagliparan ang mga nagpapahingang ibon sa mga puno at ang mga tao naman na natutulog ay biglang nagising at natakot dahil sa lakas ng lindol, marami nang bumabagsak na mga gamit sa mga bahay nila at baka gumoho ang bahay nila.
Si Farrah ang sumigaw habang nakahiga sa kama nya sa loob ng Mansion at pinatalsik si Buttler gamit ang Telekinesis nya. Ang mga Ghost Servants, ang mga Shadows at ang mga Metal Giants pagkarinig sa sigaw ni Farrah ay tumigil sa pag galaw kasi alam nila na galit na si Farrah dahil na estorbo nila ang tulog nya.
Dahil sa kapangyarihan ni Farrah na Powerful Senses naririnig nya ang kahit ano kahit malayo pa ito sakanya kaya kahit hinde nya gusto na marinig ang mga tunog ng napaka lakas wala syang magagawa. Lalo na kapag natutulog sya, hinde nya ito makokontrol.
BINABASA MO ANG
Life In Another World
FantasyAng buhay, ito ay napaka importante at sagradong bagay para sa lahat ng may buhay, pero kung ang buhay mo ay napaka boring at wala manlang sigla, para pa saan ito? Ganyan ang buhay ni Farrah, isang lonely girl, pero ito ay mag babago dahil sa isang...