Chapter 9: Massacre

591 33 0
                                    

Paglabas ni Farrah sa Dwarf's Cave, pumunta na sya sa gate ng Juperia para lumabas at bumalik sa hotel nya.

Hinde naman masyadong mabilis ang paglakad ni Farrah kasi tinitignan pa ni Farrah ang mga magagandang lugar at gusali dito sa Juperia. Hinde tulad sa dating mundo ni Farrah, ang mga gusali dito ay makukulay at magaganda ang mga disenyo. Masarap pa ang hangin dito at sariwang sariwa. Magaganda rin ang tanawin dito, para bang paraiso.

Masarap rin pagmasdan ang mga batang naglalaro, para bang wala manlang silang kaprobli-problima.

Habang pinagmamasdan ni Farrah ang mga magagandang nasa paligid nya. May limang lalaki na lumapit sakanya mula sa likod at hinawakan sya sa balikat saka may dinikit na kutchilyo sa may likoran nya. "Wag kang sumigaw at maglaban, kundi papatayin kita." Sabi ng lalaki na may hawak na kutchilyo.

Si Farrah naman ay biglang nabigla. Pero saglit lang ito, magpapalabas sana sya ng apoy para sonugin ang lalaking nasa likod nya kaso madaming tao dito, kaya hinde ni Farrah magamit ang kapangyarihan nya. "Boss, dadalhin ba natin sya kay Lord Eron?" Tanong ng isang kalbong lalaki na kasama nung lalaking may kutchilyo.

"Oo, hehehe maganda ang batang ito so sigurado magugustohan sya ni Lord Eron. Tara na!" Sabi ng lalaki habang hinihila si Farrah at habang tinototok sakanya yung kutchilyo.

'Mukhang dadalhin nila ako sa pinono nila well heheh, edi sabay sabay kona sila sosonogin para mawala na ang mga masasamang tao dito sa mundo.' Yun ang iniisip ni Farrah since hinde nya naman pweding gamitin sa lugar na maraming tao ang kapangyarihan nya, doon nalang sa headquarters ng limang pangit na ito gagamitin ni Farrah ang mga kapangyarihan nya.

Iba iba ang mga dinaanan nilang kanto eskinita. Ang mga tao sa mga dinadaanan nila ay pakunti nang pakunti hanggang sa halos wala nang makita si Farrah na ibang tao. Pagkatapos ng napakatagal na paglalakad nila Farrah, dumating sila sa isang luma at abandonadong gusali. Ang mga katabi nitong gusali ay halatang wala nang nakatira at nag aasikaso kasi ang dumi dumi na ng mga ito at sira sira pa.

Pumasok sila dito at bumulaga kay Farrah ang 25 na lalaki na nag-iinom na sobrang pangit ng mga itchura. Pag pasok nila, nagtinginan ang mga lalaki kay Farrah. Tinignan sya mula taas hanggang baba, yung iba nga naglalaway na. "Hahaha Fuwen, buti naman nagdala ka ng babae na mapag lalaroan namin, ibigay mona sya saamin para masimolan na hahaha." Lumapit ang isang bungi bunging lalaki.

"Hintayin nyong matapos sakanya si Lord Eron saka nyo sya paglaroan. Kaya jan kalang Rukmi. At saka alam nyo ba na ang babae na ito ay napaka yaman. Kanina sa Dwarf's Cave, bumili sya ng High Quality Magical Ring. At ngayun nga nasa kanya pa iyon hehe." Sabi nung lalaki ng may hawak ng kutchilyo habang nakatingin sa kamay ni Farrah kung saan nakasoot ang Magical Ring nya.

"Huh? Yung Magical Ring kasing mahal ng kalahati ng boong Juperia? Tika yan ba yung gintong sing sing na soot ng babaeng yan? Edi ano pang hinihintay natin, kunin na natin yan at saka natin sya ibigay kay Lord Eron. Hahaha tiba tiba tayo nito." Sabi ng lalaking Rukmi ang tawag habang papalapit kay Farrah.

Si Farrah naman habang lahat ito ay nangyayari ay wala lang kibo. Kahit kaunting takot wala manlang syang nararamdaman kasi alam nya na wala nang ibang mga tao dito kundi ang mga masasamang lalaking ito.

Kaya nang nakita ni Farrah na papalapit yung lalaki na ang pangalan ay Rukmi, tinaas nya ang palad nya at itinotok ito kay Rukmi. "Oh? Bibigay mona ba saamin ng maayus?" Tanong ni Rukmi.

Ngumiti si Farrah at nagsalita. "Hehe, Hinde." Pagkasabi nya nun, biglang nawala ang ngiti nya sa mukha at "Bye bye." Naglabasan ang napaka daming apoy sa palad ni Farrah at tumama ito kay Rukmi na tumalsik sa padir ng gusali.

Life In Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon