Chapter 12: Magpapagawa ng Bahay

592 35 2
                                    

"Arayyyy!!!!"

Magandang umaga nanaman ang dumating sa bayan ng Juperia pero sa labas nito, ang magandang umaga ay nasira nang isang sigaw. "Ang sakit nanaman ng ulo ko. Araw araw ba ito? Hayysss." Sabi ni Farrah habang tumatayo mula sa kama. Nang nakatayo na si Farrah, nakita nya na biglang somolpot ang limang Shadows. "Goddess Farrah, pasensya na kasi pumasok kami basta basta dito. Narinig kapo kasi naming sumigaw at akala namin ay may nangyari na sayo Goddess." Nagsalita si Shadow 1 at nagpaliwanag kay Farrah.

"Ok lang ako wag kayong mag alala, midyo sumasakit lang ulo ko. Mawawala rin ito pagkagamit ko ng Healing Magic." Sabi ni Farrah habang kinakamot ang ulo at naglalakad papunta sa living room. "May pumunta ba ditong lalaki na may dalang pagkain? Sya yung lalaki doon sa may counter. Tuwing ganitong oras naman sya nagdadala ng pagkain dito, bakit kaya wala pa sya. Meron bang pumunta dito?" Tanong ni Farrah.

Pagkarinig sa tanong ni Farrah, tumingin si Shadow 2, Shadow 3, Shadow 4 at Shadow 5 kay Shadow 1. Tumingin din si Shadow 1 sakanila at hinde nya alam ang sasabihin nya. Kagabi kasi inutos nya kay Shadow 4 na dalhin doon sa bobong yung lalaki at natakot ito pagkakita sakanilang lima at tumakbo saka nahulog. Hinde na yun kasalanan ni Shadow 1 kung tanga lang talaga yung lalaki.

Tinulak ni Shadow 2 si Shadow 1. "Hmm? Bakit? Pumunta ba sya dito? Nasaan na sya?" Tanong ulit ni Farrah sakanila. "Goddess Farrah, may nangyari kasi kagabi at midyo may nangyari sa tinotokoy nyo pong lalaki." Hinde alam ni Shadow 1 ang gagawin kaya mas minabuti nya nalang na sabihin ang totoo kay Farrah at lahat ng nangyari kagabi.

"Huh!? Edi patay na sya? Pano na yan, saan ako kakain. Gutom na pati ako hayysss." Sabi ni Farrah habang hinawakan ang tyan na tumotunog na sa gutom. "Pasensya napo Goddess, pero wag po kayong mag alala, kami na bahala sa pagkain nyo." Mabilis na sinabi ni Shadow 1. "Wag na, bibili nalang ako ng pagkain sa loob ng Juperia. Sumunod nalang kayo at protektahan ako. Wag kayong magpapakita ok?" Sabi ni Farrah sa mga Shadows.

"Opo Goddess Farrah, at pasensya napo ulit." Sabi ng mga Shadows. Nagtinginan pati ang apat na Shadows kay Shadow 1 habang sinasabi ito. Sinisisi nila si Shadow 1 kasi kung hinde dahil sa pinagawa nya kay Shadow 4, edi sana nakakain na ngayun si Farrah. Si Shadow 1 naman ay walang magawa kundi ngumiti nalang at nagkamot ng ulo.

"Tara na sa Juperia, maghahanap ako ng makakainan dun." Sabi ni Farrah. "Opo Goddess." Sabi ng mga Shadows. Lumipad na si Farrah sakay ng HoverBoard nya at ang mga Shadows naman ay nag anyong anino at sumonod kay Farrah mula sa baba. "Hmm, siguro kailangan konang magpagawa ng bahay sa loob ng Juperia para hinde kona kailangang lumabas pasok sa Juperia."

Napapagod na kasi si Farrah sa kakalabas pasok sa Juperia, dahil nga sa nangyari kay Farrah nung unang pag punta nya palang dito ay hinde na sya nakapasok sa Juperia at napilitan syang mangopahan sa isang Hotel sa labas ng Juperia. Kaya naisipan nyang mag pagawa ng bahay, pag may sariling bahay na sya, hinde nya na kailangang patagoin ang mga Metal Giants nya sa ilalim ng lupa at pwede nya nang palabasin ang mga ito.

Pagkatapos ng ilang minuto, nakapasok na agad si Farrah sa Juperia at naglakad lakad sya para maghanap ng restaurant na makakainan nya. "Goddess Farrah, tulongan napo namin kayo, maghahanap kami ng magandang makakainan nyo para hinde kana po maghanap pa at maglakad nang maglakad." Habang naglalakad si Farrah, nagsalita si Shadow 1 habang nasa lupa sya.

"Ahh ganun ba, sige sige. Mas mabuti yun, parang nauubosan na kasi ako ng lakas sa kakalakad. Bilisan nyo ha at yung may masasarap na pagkain ang hanapin nyo ok?" Sabi ni Farrah sa mga Shadows. "Opo Goddess Farrah, masusunod po." Sabay sabay sinabi ng mga Shadows at naghiwa-hiwalay sila papunta sa ibat-ibang direksyon.

Ilang saglit lang, bumalik na agad ang mga Shadows. "Goddess Farrah, may nakita napo kami. Sigurado masasarap po ang pagkain doon." Sabi ni Shadow 3 habang naka anyong anino. "Tama po si Shadow 3, tinikman kopo ang mga pagkain doon at masarap nga po." Sabi ni Shadow 5. "Tinikman mo? Bakit hinde ka nang alok? Ang daya mo Shadow 5." Sabi ni Shadow 4 habang tinitignan ng masama si Shadow 5.

Life In Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon