Chapter 3: Studyante

562 28 16
                                    

Noong araw na yun naghanda si Ivy ng madaming pagkain para pagsalohan nila ni Vince. Habang kumakain sila sinabi ni Ivy ang mga nangyari habang natutulog si Vince.

Tulad ng tungkol sa nangyari sa magulang nila, ang trabaho ni Ivy, ang estado ng buhay nila at marami pang iba. Sinabi din ni Ivy ang tungkol sa Magic Academy.

Ang Magic Academy pala ay nahahati sa iba't ibang parte. Nanjan ang Elemento ng Apoy, Ang Elemento ng Hangin, Ang Elemento ng Tubig, Ang Elemento ng Lupa, Ang Elemento ng Bakal, at Ang Elemento ng Kahoy. Sila ang bumubuo sa Magic Academy.

Kada estudyante na papasok sa Magic Academy ay kailangan munang dumaan sa isang test na kung saan malalaman nila kung saang Elemento sila mapupunta.

Hinde lang naman itinayo ang Magic Academy para turoan ang mga tao na gumamit ng Magic kundi ginawa ito para magkaroon ang Uldarica Kingdom ng mga taong magtatanggol dito mula sa mga halimaw na gustong sakupin sila. Ang isang halimbawa na jan ay ang mga Orcs.

"Vince, gusto mobang mamasyal sa labas?" Tanong ni Ivy pagkatapos nyang sabihin kay Vince ang mga nangyayari ngayon sa mundo nila.

Pagkarinig dito na Vince ay bigla syang napatayo at hinila agad ang kamay ni Ivy palabas.

Excited lang talaga kasi si Vince dahil simula nang mapunta sya sa mundong ito ang nakita nya pa lamang ay ang loob ng bahay na nila at hinde ang labas.

"Ate Ivy tara na. Ang bagal mo naman maglakad." Sabi ni Vince habang hinihila si Ivy.

"Oo tika lang. Bigla bigla mo kasi akong hinila." Lumabas na silang dalawa sa pinto at tumingin agad si Vince sa paligid.

Napapalibutan sila ng mga gusali na may mga magagandang desenyo at makikitang mong matitibay ang pagkakagawa sa mga ito. Ang simoy ng hangin ay napaka ganda at malinis kaya siguradong gagaan talaga loob mo.

"Tara Vince sumunod ka sakin at para maipakita ko sayo kung gaano kaganda ang lugar natin." Ngumiti si Ivy at hinawakan ang kamay ni Vince at sabay nilang inikot ang napaka gandang syodad na ito.

Inabot sila ng isang oras sa paglalakad at pamamasyal hanggang sa mapunta sila sa harapan ng isang napaka laking gusali na may mga lumalabas na mga tao na may pare-parehong kasootan. Pero hinde sila naglalakad kundi lumilipad sila habang nakasakay sa mga makapangyarihan na walis.

"Wow! Ate Ivy yang mga lumilipad ba na yan ay mga studyante ng Magic Academy?" Tanong ni Vince habang pinag mamasdan ang mga studyante ng Magical Academy na lumilipad sa langit.

"Oo ganun na nga. Kaya mag handa kana kasi pag nakapasok kana jan makakalipad kana rin at matuto kanang gumamit ng Magic." Sabi ni Ivy habang nakangiti.

"Ate hinde na ako makapag hintay. Gusto kona pumasok jan sa skwelahan na yan." Sabi ni Vince habang hinihila ang kamay ni Ivy.

"Hahaha oo pero maghintay ka muna. Madami pa kasing kailangang gawin para makapasok ka jan. Basta bukas ipapasok na kita jan sa Magic Academy para makapag aral kana." Hinila na ni Ivy si Vince na nakatingin parin sa Magic Academy.

Nagpatuloy ang pamamasyal nilang dalawa at pag sapit ng gabi ay pumunta sila sa restaurant kung saan nagtatrabaho si Ivy. Nang pumasok sila ay may lumapit sakanilang babae.

" Ivy bakit nandito ka? Akala ko off ka ngayon sa trabaho." Tanong ng babae na lumapit kina Vince at Ivy.

"Rana biglaan kasi ito. Pinapasyal ko kasi ang kapatid ko at midyo napagod kami sa kakalakad at nagutom kaya pumunta kami dito para kumain." Si Rana ay kasamahan ni Ivy si trabaho at napaka lapit nila sa isa't isa.

"Tika, kapatid? Akala ko nagkaroon ng kakaibang sakit ang kapatid mo at walang nakakagamot sa kanya. Nalunasan naba ang sakit nya?" Habang sinasabi ito ni Rana ay na patingin sya kay Vince.

Life In Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon