"Ahhmm hello, pasensya na kung nagulat kita, wag kang matakot, wala akong masamang balak."
Narinig ni Farrah ang boses ng isang lalaki. Hinanap nya kung saan nanggaling ang boses na yun.
Tumingin sya sa likod nya at doon nya nakita ang isang matangkad na lalaki. Ang kanyang buhok ay mahaba, kasing haba ng buhok ng babae, at ito ay puting puti, kasing puti ng maliwanag na kalangitan.
Ang kanyang tenga ay midyo mahaba at patusok. Ang kanyang mukha ay napaka ganda. Kahit na lalaki sya, aakalain ng kahit sino na babae sya pag nakita nila ang mukha nya. Kung hinde nga narinig ni Farrah ang boses nya na panglalaki, aakalain nya rin na babae ito at hinde lalaki.
'Wooaah, diba isa syang elf. Tulad nya yung mga nakikita ko sa Tv na may mga mahahaba at patusok na tenga, kahit pala dito meron din nun.' Sabi ni Farrah sa isip nya habang tinitignan ang Elf.
"Wag kang matakot tao, magtatanong lang ako kung pwede akong magpa-init jan sa apoy mo. Pwede ba?" Sabi ng Elf.
"Ahhmm oo, ok lang. Tara mukhang nilalamig kana." Sabi ni Farrah habang pinapalapit yung Elf sa ginawa nyang bonfire.
"Maraming salamat tao, ang pangalan ko nga pala ay Shane Of The High Elves. Ikaw tao ano ang pangalan mo?" Tanong ng Elf pagka-upo nya.
"Ako nga pala si Farrah Almazar, nice to meet you." Sabi ni Farrah.
"Miss Farrah, ano namang ginagawa ng napakagandang tao na tulad mo dito sa kagubatan ng gabing gabi na? Hinde kaba natatakot sa mga mababangis na hayop dito?" Sabi ni Shane.
"Ahhmm actually hinde talaga ako taga dito, nagmula ako sa ibang... I mean hinde talaga ako taga rito, at nawawala ako. Wala akong mahanap na bayan, kanina pa akong naghahanap ng matatanongang tao pero wala manlang akong makita kahit isa." Sasabihin sana ni Farrah na nagmula sya sa ibang mundo pero naisip nya na baka isipin ni Shane na nababaliw na si Farrah kaya sinabi nya nalang na hinde sya taga rito.
Ngumiti ang Elf na pangalan ay Shane. "Miss Farrah, talagang wala kang makikitang bayan dito at lalong wala ka talagang makikitang tao dito." Sabi ni Shane.
"Huh? Bkit naman?" Tanong ni Farrah.
"Kasi Miss Farrah, ang kagubatan na ito ay ang tahanan ng mga Elves. Bawal ang tao pumasok dito. Actually Miss Farrah, ako ay isang guard dito sa Elves' Forest. Yun ang pangalan ng kagubatan na ito. Na ramdaman kasi namin ang presensya ng isang tao kaya ako pumunta dito. Nagtataka ako Miss Farrah, pano ka nakapasok dito sa Elves' Forest? Hinde ka manlang namin naramdaman na pumasok. Naramdaman kalang namin nung nasa loob kana." Sabi ni Shane habang tinititigan si Farrah na para bang gusto nyang malaman ang mga sekreto nya.
Lumayo si Farrah ng kunti, kasi natatakot sya sa mga titig ni Shane. 'Pano na ito, sabihin ko kaya na nanggaling ako sa ibang mundo at pinadala ako dito ni God kaya ako nandito. Hayysss hinde pwede, baka hulihin nila ako at pag aralan, at baka kung anong gawin nila sakin pag yun ang sinabi ko.' Sabi ni Farrah sa isip nya.
"Ahhmm ganito kasi yun, naglalakad ako saamin tapos bigla nalang na may naapakan akong kung ano at pagkatapos napunta na ako dito, hinde ko alam kung ano yung naapakan ko pero mukhang yun ang dahilan kaya napunta ako dito." Sabi ni Farrah habang nakatitig sa apoy.
Naisipan nalang ni Farrah na sabihin yun para makalosot kay Shane. Walang magagawa si Farrah, ayaw nyang pag expirimentohan sya ng mga Elves kaya gumawa nalang sya ng kwento.
"May naapakan ka? Hmm, ito ang unang beses na nakarinig ako ng ganyan. Na merong nakapasok na tao dito nang hinde manlang namin nararamdaman na pumasok, at kung kailan nasa loob na sya, saka palang namin naramdaman." Sabi ni Shane habang tinititigan si Farrah na para bang hinde sya naniniwala sa sinabi ni Farrah.
"Pero sabagay, mukhang totoo naman ang sinasabi mo. Kasi tao kalang naman, kaya mabilis ka namin mararamdaman at mahuhuli bago kapa makapasok dito sa Elves' Forest." Sabi ni Shane.
Pagkarinig ni Farrah sa sinabi ni Shane, naka hinga narin sya ng maluwag. Akala nya maboboko na sya. Buti nalang naniwala si Shane kay Farrah kung hinde lagot na sya.
"Miss Farrah, ako ay naniniwala sa mga sinasabi mo pero ang tulad mong tao ay bawal na bawal dito sa Elves' Forest, kaya kailangan monang umalis ngayun din. Wag kang mag alala Miss Farrah gagabayan kita para maka-alis ka kaagad dito." Si Shane ay tumayo at lumapit sa isang puno.
Hinawakan nya ito at umilaw ang kamay nya, pagkatapos ay nagkaroon ng parang butas sa puno.
"Itong nakikita mo Miss Farrah ay isang Dimensional Way, pwede ka nitong dalhin sa labas ng Elves' Forest. Kapag nasa labas kana, madali nalang para sayo na makakita ng tao para mapagtanongan mo ng gusto mong malaman." Sabi ni Shane habang tinotoro ang lumiliwanag na butas sa puno.
"Talaga? Ang galing naman nyan. Lahat ba ng Elf sainyo kayang gawin yan? Kaya ko rin bang gawin yan?" Sabi ni Farrah habang tinitignan ang Dimensional Way na ginawa ni Shane.
Napatawa si Shane. "Miss Farrah, hinde lahat ng Elf kayang gumawa ng Dimensional Way tulad ko, kasi sa pag gawa nito kailangan ng maraming insayo bago ito magawa. At sa tanong mo naman kung kaya itong gawin ng isang tao, hahahaha. Miss Farrah, tanging kami lang na mga Elves ang kayang gumawa nito, ito ay likas na saamin. Pagkapanganak palang saamin ay meron na kaming kakayahan na gumawa ng Dimensional Way, pero kailangan parin namin ng matinding ensayo sa pag gamit nito, kasi kung hinde kami mag iinsayo sa pag gamit nito, baka kung saan lang kami mapunta pag pumasok kami sa ginawa naming Dimensional Way." Sabi ni Shane.
"Ahhh ganun ba. Ang hirap rin palang gawin yan. By the way salamat sa information, aalis na ako. Pasensya nga pala sa pag estorbo sayo Shane." Sabi ni Farrah.
Naglakad si Farrah palapit sa Dimensional Way na ginawa ni Shane at ipinasok nya ang paa nya dito, at dahan dahan syang naglakad papasok. At nawala na sya sa Elves' Forest.
"Mag ingat ka Miss Farrah, sana magkita ulit tayo." Sabi ni Shane sa naglalahong anino ni Farrah.
Paglabas ni Farrah doon sa Dimensional Way nawala agad ito, tumingin sya sa harapan nya. Ang nakita nya ay isang bangin at nakita nya sa may di kalayoan sa baba ng bangin ay merong isang bayan. Ang bayan na ito ay napaka laki, siguro kasing laki ng boong luzon. Hinde manlang makita ni Farrah ang dulo ng bayan na ito. Ito ang unang beses na nakakita si Farrah ng tulad nitong bayan.
"Tama nga si Shane, may bayan nga akong makikita dito. Pero mukhang mahihirapan ako nitong bumaba." Tinignan ni Farrah kung nasaan sya, at saka nya nalang napansin na nasa toktok pala sya ng isang bundok.
"Nakalimutan ko yung skate board ko hayysss, pwede naman akong sumakay doon sa skate board ko na yun at saka ko yun papaliparin, para maka baba ako dito. Katamad gumawa ng bago." Naglakad si Farrah sa gilid ng bangin at tumingin sya sa baba. Napaka taas talaga ng bangin na ito.
So hinde pweding lakarin ito ni Farrah. Pero mukhang sine-swerte si Farrah, kasi may nakita syang na bakal na korting pa-diamond sa pinaka baba ng bangin. Kaya gamit ang kapangyarihan ni Farrah na magpagalaw ng mga bagay gamit ang isip nya, pinalipad ni Farrah ang bakal na nakita ni Farrah papunta sakanya at saka sya sumakay.
Sakto lang ang laki ng bakal na nakuha ni Farrah para sakanya. Gamit ito makakababa na sya ng walang kahirap hirap. Nag isip si Farrah ng pweding itawag dito at naisip nya na tawagin nalang itong Hover Board para maganda pakinggan.
Pinalipad na ni Farrah ang Hover Board nya pababa ng bangin. Habang pababa si Farrah ng bangin, naisip nya na since kaya nya namang paliparin ito paabante habang lumilipad sya, hinde nalang si Farrah baba sa bangin, at lilipad nalang sya papunta sa bayan para mas mabilis.
Habang lumilipad si Farrah papunta sa bayan, hinde nya napansin na maraming tao na pala ang pinag uusapan sya at natatakot sakanya.
BINABASA MO ANG
Life In Another World
FantasíaAng buhay, ito ay napaka importante at sagradong bagay para sa lahat ng may buhay, pero kung ang buhay mo ay napaka boring at wala manlang sigla, para pa saan ito? Ganyan ang buhay ni Farrah, isang lonely girl, pero ito ay mag babago dahil sa isang...