Chapter 2: Magic Academy

340 14 1
                                    

Sa Uldarica Kingdom lahat ng tao dito ay masisipag at palaging maaga kung gumising. Lahat sila ay ginagawa agad ang mga trabaho nila ang mga tindahan ay nagbubukas narin sabay ng pang dumog ng mga tao na mamimili ng mga sangkap para sa agahan nila.

Sa isang bahay naman meron isang natutulog na batang lalaki. Sya ay gwapo at may pag ka cute din, sya ay si Vince. Gising na dapat sya kaso nung pag upo nya sa kama ay may biglang bumagsak na kung anong bagay mula sa taas at natamaan si Vince sa ulo at yun nga tulog nanaman sya.

Ang bagay na tumama sa ulo ni Vince ay isa sa mga napalutang nya noong natutulog sya at na ipit ito sa isang butas sa kesame kaya hinde ito nahulog pero sakto naman na pagkagising ni Vince ay biglang nahulog ito at tumama sakanya.

Sa kusina naman ng bahay nila ay merong babae na nagluluto. Sya ay maganda at may pagkamatangkad, maputi sya at napakakinis ng balat. Kada galaw nya ay puno ng kagandahan. Sya ang Ate ni Vince, ang pangalan nya ay Ivy.

Ngayon sa bahay nila silang dalawa nalang ni Vince ang nandito. Ang magulang kasi nila ay pumanaw dahil sa isang sakit na nakuha nila noong hinde na nila makaya ang hirap sa dibdib na makita ang anak nila na si Vince na nakahiga lang at natutulog na para bang patay na sya.

Dinamdam nila ito ng napaka grabi, ginawa na nila ang lahat pero sadyang ayaw talaga ni Vince magising kaya dahil dun nagkaroon sila ng malubhang sakit na nagdulot ng pagkamatay nila.

Ngayon tanging ang Ate nalang ni Vince ang nagtatrabaho para sakanila. Sya ay isang waitress sa isang restaurant, at mataas rin ang sweldo na nakukuha nya dun kaya maganda naman ang pamumuhay nya kahit mag isa lang syang nagtatrabaho.

Ang kalahati sa sweldo ni Ivy ay ibinibili nya ng Power Restoration Stone. Ang batong ito ay isang klase ng Magical Stone na nagbibigay sa isang tao ng lakas at nagtatanggal ng kahinaan ng katawan. Ang bato rin na ito ay kapag ginamit ay pwede mag alis ng gutom ng isang tao, kaya kahit hinde sila kumain o uminom ng tubig basta meron silang Magical Restoration Stone magiging malakas parin ang katawan nila.

Ito ang binibigay ni Ivy kay Vince para kahit hinde sya kumain at uminom ay hinde sya manghihina kaya ngayon kahit 9 na taon na syang natutulog ay maganda parin ang katawan nya at hinde sya namamayat.

Sa kwarto kung saan natutulog si Vince nagsimula nanamang lumipad ang mga bagay at umikot ikot pa ang mga ito sa boong kwarto.

Umikot ang mga ito ng maraming beses at nang maka ikot na ito ng 50 beses ay biglang nagbagsakan ang mga ito at nakabasag basag, ang iba naman dito na nasa taas ni Vince ay saktong bumagsak sakanya.

Crack! Crack! Crack! BOOM!

"Aray! Ano ba yan! Sino bang nambabato!?"

Tumayo si Vince at tumingin sa paligid. Nakita nya rin ang mga basag basag na gamit at napaisip sya kung anong nangyari sa lugar na ito. Tanda nya na hinde naman ganito ang kwarto na ito kagabi nung nagising sya.

Inalis nya ang mga bagay na nakalagay sa kanya at umupo sya sa kama at nag unat ng katawan pagkatapos ay tumayo sya pero nang tatayo na sya may narinig syang sigaw ng isang babae.

"Ti....Tika, Vince ikaw ba yan? Ikaw ba ang kapatid ko? Hinde ba ako namamalik mata?" May babaeng nanginginig habang pinagmamasdan si Vincesa pinto ng kwarto nya.

Pagkakita ni Vince sa babae na ito ay biglang may lumabas na alala mula sa ulo nya at nakilala nya agad kung sino ito. Sya ay ang Ate nya, naglalaro sila noon at napaka malapit pa nga nila sa isa't isa.

Ang alaala na lumabas sa ulo nya ay mga alaala ng dating may ari ng katawan na gamit nya ngayon. Dahil nga iisa na sila kaya lahat ng alaala nung dating may ari ng katawan na gamit nya ay sakanya na.

Life In Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon