Endless~[07]

3.6K 120 1
                                    


BOMB

Elyzza's POV,

Nagbabasa ako ngayon ng libro na kadalasan na binabasa ng mga buntis. Halos mag iisang buwan ng wala dito sa pilipinas si Levi dahil sa concert nila sa ibang bansa.

Sa mga araw na lumilipas, puno parin ng pangamba at takot ang nararamdaman ko. Alam kong tinitignan ng taong yun ang bawat kilos ko, at hanggang ngayon naghihintay parin syang ipalaglag ko ang sarili kong anak.

Alam kong malapit narin akong manganak, at kahit alam kong pinagbabantaan ng tao na yun ang buhay ni Levi, buo ang desisyon ko na buhayin ang anak namin.

Alam kong pag nalaman 'to ni Levi ay mas pipiliin nyang sya ang malagay sa pahamak kesa sa anak namin. Lubos akong nag aalala para sa kaligtasan nya, ayoko man na malagay sa pahamak ang buhay nya, ayoko rin namang habang buhay nya pagsisihan ang pagkawala ng anak namin. Ayokong isipin nya na wala syang nagawa para mailigtas ang anak namin.

Narinig ko ang door bell mula sa pinto kaya tinabi ko muna ang libro na binabasa ko at tumayo para maglakad papunta sa pinto.

Pagbukas ko ng pinto ay agad akong napangiti ng bumungad sakin sila Hazelle, Melanie, at Lia.

"Kamusta ang soon to be mother naming kaibigan?" Sabi ni Hazelle at pumasok na silang tatlo sa condo.

"Eto, maayos naman. Lumalakas na ang pag sipa ng pamangkin nyo, mukhang gustong gusto na lumabas" sabi ko na ikinatawa nilang tatlo.

"Nako baka lalaki yan? Mukhang nagmana sa tatay ah?" Sabi ni Lia.

"Hay nako Lia, nahahawa ka na ata kay Evan sa kabastusan" komento ni Melanie.

"Anong sinabi kong masama? Totoo naman diba, sabi kapag malakas sumipa lalaki daw?" Ani Lia.

"May naisip na ba kayong ipapangalan sakanya? Wag nyong sabihing kung kelan nakapanganak ka na dun palang kayo mag iisip?" Tanong ni Hazelle.

"Balak nanamin yan pag usapan pag uwi nya" sagot ko.

*phone ring

Tinignan ko ang cellphone ko ng biglang tumunog ito. Agad namuo ang kaba ko ng makitang ang numero nanaman ng tao na yun ang tumatawag sakin.

"S..sandali lang, sasagutin ko lang 'to" pagdadahilan ko sakanila at agad naman silang tumango.

Pumasok muna ko sa kwarto namin ni Levi at nanginginig na sinagot ang tawag.

"A..anong kailangan mo?" Tanong ko kahit alam ko naman kung ano talagang kailangan nya.

"Inuubos mo ang pasensya ko. Bilang na ang mga oras ng lalaking mahal mo. Mukhang hindi mo talaga kayang ipalaglag ang bata na yan. Hindi na kita pahihirapan, tatapusin ko na ang buhay ng lalaking mahal mo"

Agad namuo ang takot at pag aalala sa katawan ko.

"Nagmamakaawa ako, bigyan mo pa ko ng konting panahon. Wag na wag mo syang sasaktan" pagmamakaawa ko.

"Sapat na panahon na ang binigay ko sayo. Gawin mo nalang ang dapat mong gawin, ang magpaalam sakanya"

Pinutol na nya ang tawag kaya agad kong hinanap ang numero ni Levi at agad yun tinawagan.

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon